news

Claudine Barretto confirms "tampuhan" with friend and leading man Piolo Pascual

by Melba Llanera posted on August 4, 2009  STATS: 81369 Views | 294 Comments

 

"Even naman na may tampuhan kami, it doesn't mean na wala na akong pakialam sa kanya, or hindi ko na siya poprotektahan na. It's just that may sama ako ng lob sa kanya. I'm praying na sana maayos nga ang dapat ayusin. Pero hindi pa ako siguro ready talaga ngayon," says Claudine Barretto about former leading man Piolo Pascual.

Photo By: Noel Orsal

May balita na nagkaroon daw ng samaan ng loob ang magkaibigan at dating magkapareha na sina Claudine Barretto at Piolo Pascual. Ayon sa usap-usapan, nagsimula raw ang samaan ng loob ng dalawa nang mabigyan daw ng special treatment si Piolo sa Star Magic Tour sa U.S. noong nakaraang buwan. Kung ang halos lahat daw ng Star Magic artists, kabilang na si Claudine, ay nagbiyahe by land from Los Angeles to San Francisco, si Piolo ay sa eroplano raw nakasakay.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Claudine, nilinaw niya agad ang balitang ito tungkol sa kanila ni Piolo.

"Regarding dun sa issue na sumama daw ang loob ko dahil nag-airplane siya and nag-travel kami by land, that's not true," tanggi ni Claudine. "Piolo wants to spend time with his kid [Iñigo] that's why nag-eroplano siya, and I understand that. 

"Inaya ako nina Chokoleit and Pokwang, dun daw kami sa van para mag-bonding kami. Akala ko four hours lang from L.A. to San Francisco, hindi ko alam, nine hours pala! So, ang sakit sa katawan. Pero kung alam ko lang, nag-eroplano na lang din sana ako," paliwanag ng aktres.

Pero inamin ni Claudine na meron talaga silang tampuhan ni Piolo.

Aniya, "Actually, mayroon kaming tampuhan, totoo yun. Pero 'pag nagkikita naman kami ni Piolo, civil naman kami sa isa't isa. Kung anuman ang rason ng pinagkatampuhan namin, ayoko nang sabihin. But yes, mayroon kaming tampuhan. Basta ang masasabi ko lang, bilang napaka-loyal na kaibigan, nasaktan ako, masakit. Hindi naman puwedeng overnight lang, ayos na agad. Kailangan ng oras."

Ayaw mang sabihin ni Claudine ang dahilan ng tampuhan nila ni Piolo, sinabi niyang bukas siya sa pakikipagbati sa aktor.

"Of course!" mabilis niyang tugon. "Pagka sa sarili niya bilang Kristiyano ay ready na siya. Pagka ako kaibigan mo, proprotektahan kita kahit na ano pa mangyari. 'Saka even naman na may tampuhan kami, it doesn't mean na wala na akong pakialam sa kanya, or hindi ko na siya poprotektahan na. It's just that may sama ako ng lob sa kanya. I'm praying na sana maayos nga ang dapat ayusin. Pero hindi pa ako siguro ready talaga ngayon."

Nagkasama sina Claudine at Piolo sa pelikulang Milan (2004) at sa teleseryeng Walang Kapalit (2007).

BEST FRIEND DIET. Aminado naman si Claudine na ang itinuturing niyang best friend sa showbiz ay ang naging leading man niya rin noon na si Diether Ocampo. Ayon sa aktres, boto siya sa kasintahan ngayon ng aktor na Rima Ostwani.

"I love Rima, she's so sweet, so intelligent. At kahit saan, puwede mo siyang ihalo. Sa kahit na anong klaseng tao, kaya niyang makihalubilo. She's a very humble person, and I really see that Diet is very happy. Sa akin, yun ang ultimate dream ko para sa best friend ko na maging masaya siya," pahayag ni Claudine.

THE NEXT VILMA SANTOS... Sa nakarang interview kay Gov.  Vilma Santos sa taping ng docu special niya sa ABS-CBN, nabanggit niya na si Claudine ang nakikita niyang susunod sa yapak niya bilang isang aktres. 

Ano ang reaksiyon ni Claudine sa sinabing ito ng Star For All Seasons?

"Alam mo, nandun ako nung sinabi niya yun," sabi ni Claudine. "So, sobrang overwhelmed talaga ako. During Anak pa lang, sinasabi na niya yun sa akin. Pero kasi yung in front of so many people nung special niya, in front of lahat ng press, ng mga aspiring directors, professors, theater actors...talagang naiyak ako. Sabi ko nga, para akong nanalo ng award na grand slam sa sinabi ni Ate Vi!

"Pero bilang Vilmanian, after that, sinabi ko talaga sa kanya sa dressing room, 'Ate, I was trying my best to be the best Claudine Barretto that I could be. But never, never be another Vilma Santos in this whole lifetime'. Bilang Vilmanian, ayokong may magsabi na 'yan ang susunod sa yapak niya because iisa lang ang idolo ko. Siyempre, it was such an honor na makita niya yung talent mo. Iba kasi yun pag nanggaling sa taong hinahangaan mo."

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

294 Comments

  • 74  nevertheless

    08/04/2009 | 08:09 PM
    oo nga...tumabi pa siya kay anne curtis na isang dyosa at bea alonza na tisay beauty...edi nagmukha siya nanay nila...hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 73  clarkwyn

    08/04/2009 | 08:08 PM
    Tinanggihan nyang makasama si Linda Alukin...kaya ang ate nyang laos ang gusto nyang makasama....LAOS...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 72  chikang_daldal

    08/04/2009 | 08:06 PM
    hahahaha... mala dyosa ba ang ganda?

    infairness to her, dati nung nag uumpisa palang sya nun saka nsa kabilang network ok pa naman. kaya nga lang ika nga nila people changed hehehe...

    nung kumanta nga siya sa ASAP yung bday celebration ni Diet, sus parang hindi man lang tumingin sa salamin sa ayos nya, naka gray na dress tpos nakapusod ang buhok na may earrings na prang feather.. talbog lang sya sa dress ng ibang stars dun hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 71  nevertheless

    08/04/2009 | 08:03 PM
    magaling din mamili ng pupurihin si ate vi...masasabi mong di talaga siya plastik din. consistent siya.

    si piola, kung sinong bagong kaloveteam dun siya kakapit...yung dating mga kapartner dedma ang lola mo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  nevertheless

    08/04/2009 | 08:00 PM
    chikangdaldal..

    never akong nagandahan kay angel promise. mas maganda pa katulong namin
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  chikang_daldal

    08/04/2009 | 07:59 PM
    hahahaha tumpak.. medyo napabayaan nya yata yung sarili nya kasi dati hanga din ako sa ganda nya, dati yun lols... pero kung may comparison na eh wala na sya panama kay clau hehe..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 68  nevertheless

    08/04/2009 | 07:57 PM
    pero diba totoo naman magimik itong si piola...something about him is just off. FAKE talaga dating niya eversince. user pa kamo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 67  nevertheless

    08/04/2009 | 07:55 PM
    chikangdaldal

    korek! si angel naku ayun wala pang anak mukha nang butete.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 66  nevertheless

    08/04/2009 | 07:53 PM
    mabibilang lang ang totoong tao sa showbiz...I can say one of them is claudine..paano magiging plastik kung ayan na nga binuko na may problem sila ni piola unlike other star na kunwari they're ok when they're not.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 65  chikang_daldal

    08/04/2009 | 07:53 PM
    hahahaha malabo cguro mata nito. noon ok pa nman ang aura ni angel locsin, pero ngaun kung pagtatabihin mo sila ni claudine di hamak nman na mas maganda si claudine, with the fact na may anak na sya, alaga nya parin ang beauty nya hehe... eh sa pagka dabiana ngayun ni angel parang may lima na syang anak. pacensia sa mga mao-offend pero yun tlga ang totoo, tignan nyo sa Only You, para syang prblemadong nanay sa limang anak dahil sa hirap ng buhay hayyy lols.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 64  nevertheless

    08/04/2009 | 07:50 PM
    huwag kang mag-act as if nagmamaganda ka piola...una si juday, ngayon si claudine ang katampuhan mo....ano ba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 63  nevertheless

    08/04/2009 | 07:48 PM
    Piola...naplaplastikan sayo si claudine..kasi naman yung ligaw ligaw mo kay kc, napakashowbiz!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 62  nevertheless

    08/04/2009 | 07:47 PM
    Claudine ang gusto ni ate vi sumunod sa yapak niya..anong say mo angel? hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 61  nevertheless

    08/04/2009 | 07:46 PM
    eh sobrang okay sila claudine and piola nung star magic US show..there are pics to prove that...ngayon recently lang nagkatampuhan...not because of anghel..don't flatter angel panget!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 60  nevertheless

    08/04/2009 | 07:44 PM
    baket sinasali na naman ang negrang angel? fake ang dating talaga ni angel. magsama sila ni piola. hindi mababaw si claudine, hindi lang bec. of nobody kaya magtatampo yan..edi kung ganun, galit din siya kay diet bec. of anghet?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 59  black_bacarra

    08/04/2009 | 07:39 PM
    Piolo took Angel's side? Mabait pala si piolo. Kala ko kasi mas senior si Clau yun ang kakampihan niya at sorry na lang kay Angel.

    Mabait si Angel si Clau plastic!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 58  megamsg1

    08/04/2009 | 07:37 PM
    Si claudine and Greta pumapangit sila mukhang fake ang mukha, mas-ganda talaga ang natural,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  ako_pangit_2

    08/04/2009 | 07:36 PM
    Maganda pa rin.
    May napanood ako sa iyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 56  dadingski

    08/04/2009 | 07:05 PM
    angel pala
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 55  dadingski

    08/04/2009 | 07:05 PM
    si angela ng dahilan nyan kaya sila nagkatampuhan...yun na!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About