"Even naman na may tampuhan kami, it doesn't mean na wala na akong pakialam sa kanya, or hindi ko na siya poprotektahan na. It's just that may sama ako ng lob sa kanya. I'm praying na sana maayos nga ang dapat ayusin. Pero hindi pa ako siguro ready talaga ngayon," says Claudine Barretto about former leading man Piolo Pascual.

Photo: Noel Orsal

May balita na nagkaroon daw ng samaan ng loob ang magkaibigan at dating magkapareha na sina Claudine Barretto at Piolo Pascual. Ayon sa usap-usapan, nagsimula raw ang samaan ng loob ng dalawa nang mabigyan daw ng special treatment si Piolo sa Star Magic Tour sa U.S. noong nakaraang buwan. Kung ang halos lahat daw ng Star Magic artists, kabilang na si Claudine, ay nagbiyahe by land from Los Angeles to San Francisco, si Piolo ay sa eroplano raw nakasakay.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Claudine, nilinaw niya agad ang balitang ito tungkol sa kanila ni Piolo.

"Regarding dun sa issue na sumama daw ang loob ko dahil nag-airplane siya and nag-travel kami by land, that's not true," tanggi ni Claudine. "Piolo wants to spend time with his kid [Iñigo] that's why nag-eroplano siya, and I understand that. 

"Inaya ako nina Chokoleit and Pokwang, dun daw kami sa van para mag-bonding kami. Akala ko four hours lang from L.A. to San Francisco, hindi ko alam, nine hours pala! So, ang sakit sa katawan. Pero kung alam ko lang, nag-eroplano na lang din sana ako," paliwanag ng aktres.

Pero inamin ni Claudine na meron talaga silang tampuhan ni Piolo.

Aniya, "Actually, mayroon kaming tampuhan, totoo yun. Pero 'pag nagkikita naman kami ni Piolo, civil naman kami sa isa't isa. Kung anuman ang rason ng pinagkatampuhan namin, ayoko nang sabihin. But yes, mayroon kaming tampuhan. Basta ang masasabi ko lang, bilang napaka-loyal na kaibigan, nasaktan ako, masakit. Hindi naman puwedeng overnight lang, ayos na agad. Kailangan ng oras."

Ayaw mang sabihin ni Claudine ang dahilan ng tampuhan nila ni Piolo, sinabi niyang bukas siya sa pakikipagbati sa aktor.

"Of course!" mabilis niyang tugon. "Pagka sa sarili niya bilang Kristiyano ay ready na siya. Pagka ako kaibigan mo, proprotektahan kita kahit na ano pa mangyari. 'Saka even naman na may tampuhan kami, it doesn't mean na wala na akong pakialam sa kanya, or hindi ko na siya poprotektahan na. It's just that may sama ako ng lob sa kanya. I'm praying na sana maayos nga ang dapat ayusin. Pero hindi pa ako siguro ready talaga ngayon."

Nagkasama sina Claudine at Piolo sa pelikulang Milan (2004) at sa teleseryeng Walang Kapalit (2007).

BEST FRIEND DIET. Aminado naman si Claudine na ang itinuturing niyang best friend sa showbiz ay ang naging leading man niya rin noon na si Diether Ocampo. Ayon sa aktres, boto siya sa kasintahan ngayon ng aktor na Rima Ostwani.

"I love Rima, she's so sweet, so intelligent. At kahit saan, puwede mo siyang ihalo. Sa kahit na anong klaseng tao, kaya niyang makihalubilo. She's a very humble person, and I really see that Diet is very happy. Sa akin, yun ang ultimate dream ko para sa best friend ko na maging masaya siya," pahayag ni Claudine.

THE NEXT VILMA SANTOS... Sa nakarang interview kay Gov.  Vilma Santos sa taping ng docu special niya sa ABS-CBN, nabanggit niya na si Claudine ang nakikita niyang susunod sa yapak niya bilang isang aktres. 

Ano ang reaksiyon ni Claudine sa sinabing ito ng Star For All Seasons?

"Alam mo, nandun ako nung sinabi niya yun," sabi ni Claudine. "So, sobrang overwhelmed talaga ako. During Anak pa lang, sinasabi na niya yun sa akin. Pero kasi yung in front of so many people nung special niya, in front of lahat ng press, ng mga aspiring directors, professors, theater actors...talagang naiyak ako. Sabi ko nga, para akong nanalo ng award na grand slam sa sinabi ni Ate Vi!