Masayang-masaya ang aktor na si Lito Pimentel dahil hanggang ngayon ay aktibo pa rin siya sa showbiz. Sa kabila ng mga dumaang pagsubok sa kanyang buhay ay tuluy-tuloy pa rin ang pagdating ng trabaho sa kanya. Kaya malaki ang pasasalamat ni Lito sa Diyos sa magagandang bagay na nangyayari sa kanya.
Aminado si Lito na malaking blessing sa kanya ang mapasama sa cast ng top-rating show ng ABS-CBN na May Bukas Pa, kung saan ginagampanan niya ang role ni Father Ringo, isa sa mga paring tagapag-alaga ng batang bidang si Santino (Zaijian Jaranilla).
"I'm very thankful to God na binibigyan niya ako ng trabaho, ng blessings. And naise-share ko naman ang blessings na yun in so many ways. Una sa pag-e-entertain sa mga tao, na nagugustuhan naman nila. Nakikita ko na nagugustuhan naman nila yung soap," masayang pahayag ni Lito nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa thanksgiving presscon ng May Bukas Pa.
Sumikat si Lito Pimentel sa showbiz noong 1980s. Isa sa pinaka-memorable niyang pagganap ay bilang si Teban, na bida sa sitcom na Ang Manok ni San Pedro sa Channel 9 noon. Marami na ring nagawang TV shows at mga pelikula si Lito.
Was there ever a point na napanghinaan siya ng loob sa kanyang showbiz career?
"Meron ding time na nawalan ako ng projects," sabi ni Lito. "Yung napanghinaan, hindi naman ganun katagal. May mga times talaga na may ibibigay sa atin si Jesus Christ, si Bro, na mga challenges. Pero hindi naman Niya ibibigay sa atin ito na hindi natin kaya."
NUMBER ONE. Malaki rin ang pasasalamat ni Lito sa ABS-CBN dahil hindi siya nawawalan ng projects sa telebisyon. Masaya nga si Lito dahil extended pa ang pagpapalabas ng May Bukas Pa hanggang Enero ng susunod na taon dahil na rin sa pagiging consistent No. 1 one nito sa national primetime ratings.
"Malaki talaga ang pasasalamat ko sa ABS-CBN sa lahat ng shows na ibinibigay sa akin. Salamat sa patuloy na pagtitiwala. Nakakatuwa kasi hindi namin inisip na mae-extend ng mas matagal pa ang May Bukas Pa. Siyempre, nagpapasalamat din kami sa lahat ng mga manonood, sa lahat ng sumusuporta sa aming palabas. Sana patuloy pa rin nilang subaybayan ang May Bukas Pa dahil marami pa kayong puwedeng mapanood at dapat abangan," aniya.
Ano ang feeling niya na kasama siya sa cast ng isang top-rating show?
"Siyempre, unang-una, masaya kami dahil simula noong umpisa hanggang ngayon, No. 1 kami. Sana naman manatili kaming No. 1 dahil ang dala-dala namin ay si Bro, si Jesus."
Ano biggest lesson na natutunan niya sa kanilang soap?
"Well, ang natutunan ko rito ay ang buhay ng pari. Pati kung ano yung matagal nang nakalimutan ng mga Pilipino, yung tumawag sa Itaas, yung tumawag sa Diyos, which is naisi-share naman namin sa viewers."
WORKING WITH SANTINO. Kumusta namang katrabaho si Santino, na ginagampanan ng child actor na si Zaijian Jaranilla?
"Okay naman. Siyempre bata, e. Mabait, mabait siya at masunurin," sabi ni Lito.
Puring-puri nga ni Lito si Zaijian.
"Si Zaijian, malambing na bata. At saka mahusay, magaling na artista. Ako, ang tingin ko, he was born to be an actor talaga," sabi niya.






go MBP
tama ka, naglalabas din sila ng article ng MBP cast para hindi mxado obvious na Darna lang ang super promote...shishishishi
Imagine kahit mga pulitiko, ginagamit ang word na May Bukas Pa.
Si Binay, tapos may isa pang pulitiko kalimots ko yun name nya ito rin ang theme song na gamit nya.. then now si Villar meron na advocacy.. 'May Bukas Kay Villarquot;.. hehehehe gamit na gamit ang word na ito ah..
Yun Darna kaya may gumamit noon?.. paano naman kaya gagamitin yun. lol
soar high MBP!
Salamat Bro!
congrats sa MBP d best talaga
si Dolphy pala guest next week...wow..i will so watch this....