Isang rally ng suporta para sa director at komiks novelist na si Carlo J. Caparas ang idinaraos ngayon, August 7, sa harap ng National Commission for Cultural and the Arts (NCCA) building sa Intramuros, Manila.
Pare-pareho ang kulay at size ng mga kartolina na dala ng mga protester. Nakapaskil sa dingding ng NCCA ang mga kartolina, at uniform ang pagkakasulat ng mga letra na isinulat sa blue, black, at red pentel pen.
Nakasulat sa mga kartolina ang pagbatikos laban sa mga tumutuligsa sa pagkakapili kay Caparas bilang National Artist for film and visual arts.
Isinisigaw ng mga protester ang pangalan ni Carlo at lalong lumakas ang kanilang pagsigaw nang bumuhos ang malakas na ulan. Nagpulasan ng takbo ang mga protester para hindi sila mabasa. Bumalik lamang sila sa kanilang puwesto nang huminto ang ulan.
Isang presscon din ang ipinatawag ng mag-asawang Carlo at Donna Villa ngayong araw para ihayag ang kanilang nararamdaman sa mga diumano'y "mala-elitista" na nagpoprotesta sa mataas na karangalan na ipinagkaloob ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kay Caparas.
Samantala, nakatakda ring magsagawa ng sarili nilang protesta ang ilan sa pinamalalaking pangalan sa larangan ng sining dahil sa anila'y "pagkamatay" ng National Artist award. Tutol sila sa pagkakaluklok kay Caparas at sa NCCA executive director Cecile Guidote-Alvarez bilang National Artists ngayong taon.
(Click here to read related story.)






eh sino kaya ang nakatira sa ayala alabang? hindi ba siya? LOLs!
at pati bata pinag-rally niya pa? kakahiya!!!
Kung nasa tamang pag- iisip lang si CJC malamang isinoli na niya ang award.
At oo, starqueen, napag- isip- isip rin ako kung ano ang istura ni CJC na walang shades at cap. Scary rin siguro. Wag na nating naising makita.
Para sa akin, Mas deservng si Tito Dolphy na bigyan ng award!!! Go Tito Dolphy!!!
Watch out for Tito Dolphy in May Bukas Pa!!! da comedy King meets the Primetime Prince!!! xoooo excited!!!
Alisin na lang kasi ang proseso at hayaan na lang ang Pangulo ang pumili ng gusto niya...
No one is saying that he does not have talent. It just isnt enough to gain recognition in this level..someone do something fast before Willie Revillame gets a similar award...
Wala akong nakitang kalidad sa gawa ni Caparas. Pero sigurado ulit ako na hindi mo naiintindihan ito dahil nga hindi ka nagpagod sa ngalan ng sining.
Proseso ang binastos ng pangulo. Yan ang isyu. Wag na natin paabutin sa mga sagot na halatang hindi mo rin naman ibabatay sa akmang pananaliksik.
Halatang hindi mo alam ang sinasabi mo. Senyority? Kontribusyon sa larangan ng sining ang pinag-uusapan dito at kung ano ang nararapat na kategorya. Ni hindi mo nga alam ang patakaran na pinagdadaanan nito. Mag-basa ka muna at pag-aralan mong mabuti ang sinasabi mo bago ka sumagot.
Ang pag-deklara ng isang National Artist ay hindi rin basta basta. Dumadaan ito sa komite. May proseso ito, na hindi naiintindihan ng mga hindi naman alagad ng sining.
Kung magdedeklara sila na National Artist si Caparas ay dapat para sa literatura, pero hindi pa rin. Marami pa ring mas magaling tulad ni Ricky Lee na galing din sa masa. Si Ricky Lee ay galing sa masa, kaya wag sabihin ni Caparas na labanan ito ng elitista at masa. Kung komiks ang pag-uusapan, mga komikero na mismo ang nagrereklamo dahil alam ng mga komikero sino ang mas may kalidad na gawa.
Kalidad laban sa dami ng nagawa ang usapan dito. Kaya dapat nauna si Jose Joya kay Ben Cabrera ay dahil hindi lan
Hindi na-deklara na national artist sila larry alcala at mars ravello kasi hindi pa nare-recognize ang komiks bilang literary medium na dapat ipagmalaki ng mga pinoy.
Tinanggap na lang niya ang titulo nung maganap nga ang gusto niyang mangyari.
Ganito ang klase ng pagpapakumbaba ng isang taong dakila. Isa siyang tunay na alagad ng sining dahil marunong siyang kumilala ng kadakilaan.
Si Carlo J. Caparas, nuknukan ng yabang kahit wala naman siya sa kalingkingan ng isang Ben Cabrera. Nanginginig ang buto ko na ihahanay siya sa pangalan nina Amorsolo, Manansala, Brocka. Kung magiging quot;National Artistquot; naman siya sa literatura, mas may karapatan naman ata mauna si Ricky Lee. Kung sa komiks, si Mars Ravelo.
Hindi ito usaping elitista at masa. Maraming quot;National Aristsquot; ang nanggaling sa masa. Ang diperensya: pinatunayan nila na sila ay alagad ng sining kahit kinukulang sila sa pera at nakakapaglikha sila. Si Carlo J. Caparas ay bunga ng matinding komersalisasyon.
wahahaha