Donna Villa on the National Artist protest: "This is a free country, they can do what they want."


 
Donna Villa sees most of the protesters as people with too much time on their hands: "You know, this people, I think, mostly are retired. At ang iba... hindi sila successful sa field nila. Kaya nakagawa ng isang pelikula, wala na. Nakasulat ng isang script sa pelikula, wala na.  Sabi ko nga, ako, movie producer, hindi ko sila kukunin."
 

Donna Villa on the National Artist protest: "This is a free country, they can do what they want."

Rose Garcia

Rating

Ang movie producer na si Donna Villa ang nakagisnan nang katuwang, sa literal at sa halos bawat aspeto ng buhay, ng direktor na si Carlo J. Caparas.  Kahihirang lamang ng huli bilang National Artist for Visual Arts and Film, pero nahaluan ito ng kontrobersiya dahil sa matinding protesta ng ilang grupo ng mga artists na hindi pabor sa pagbansag sa kanya bilang Pambansang Alagad ng Sining.

 

Kahapon ng umaga, August 7, sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa Intramuros, kasama ng kanyang asawang si Direk Carlo, ay sinagot din ni Donna Villa ang bawat katanungan ng entertainment press, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), sa karangalang natanggap ng kanyang asawa.

 

Pero hindi itinago ni Donna ang kalungkutan niya sa naging reaction ng iba nilang kasamahan sa hanapbuhay.

 

Aniya, "Nalulungkot ako para kay Carlo at sa ating industriya. Ngayon dapat magkaisa tayo, di ba?  Mahina na nga ang pelikula at saka komiks, di ba?  Tayo ngang lahat tinutulungan n'yo kaming i-revive yun. So, parang nakakalungkot naman na may ganitong kagandang pangyayari, e, ipagluluksa pa.

 

"Kapag sila naman, may magandang pangyayari sa buhay nila, e, tayo'y nagsasaya!  E, sila naman, nalulungkot. Ano ba 'yan?"

 

Noong una niyang malaman ang tungkol sa recognition, nahaluan ba agad ng lungkot dahil nga sa mga protesta?

 

"E, wala kami.  Noong nasa Cebu kami, nagsu-shooting kami ru'n.  So, mga a week after pa kami dumating, e. So, yung plaque, hindi namin gaanong naano... until now. E, bising-bisi tayo.  Mabuti sila, wala silang masyadong ginagawa at mga retired na sila.

 

"Pero tayong lahat—look at you, interviewing—nagtatrabaho pa tayo.  Sana maintindihan nila."

 

ISSUES. Aware ba sila kung ano nga ang mga reklamong nire-raise sa kanila?

 

"Ang mga reklamo nila, mainly, the process daw of selecting. But as you have heard the chairman, ang selection committee, lalo na sila, NCCA, lalo na ang CCP, is only recommendatory. Do you understand what that word means?  They recommend. Meaning, kung saan ka na-recommend, he or she can reject it, di ba?

 

"So ang Presidente, she has the prerogative to add or to minus... siguro naman si Carlo, the title itself, National Artist, connotes the perimeter of national honor. Ano 'yan, e... pambansa, national."

 

Si Direk Carlo naman daw kasi, hindi naman nagdo-drawing...

 

"Una ngang nagdo-drawing 'yan sa komiks.  Ngayon, mas malaki raw ang kita sa pagsusulat, nagsusulat na siya. But my god, ang mga portraits niya sa bahay, ang ganda! Meron pa akong portrait niyan, ang galing-galing!

 

"You know, you cannot go technical on this anymore. Ang sa atin lang naman, ang honest sentiment ko, kidding aside, talagang dapat, especially at this point, dapat magkaisa talaga tayo.  Lahat talaga tayo, let's bond together and try to help the industry.

 

"Kasi ang dami na nating kalaban sa industriya. Itong mga foreign films, lalo na. Piracy... so dapat magtulong-tulong tayo. Hindi naman ganyan. Sabi ko nga, sila hindi ko kilala. Kapag nanalo sila, hindi naman tayo nagra-rally. Hindi naman tayo nagpupunta sa TV, nagluluksa."

 

PROTESTERS. Kilala ba nila particularly ang mga nagrereklamo?

 

"Ay, mainly... yung narinig ko, sumikat na siya ngayon. Sabi nga ni Carlo dahil sa kanya. Ni hindi naman natin siya kilala. Si Lumbera... sino pa ba?  Hindi ko kilala, e. Mainly, it's a small group from CCP, I guess.

 

"Because it's NCCA and they're okay, di ba?"

 

Pipigilan daw sa Malacañang ng Concerned Artists of the Philippines ang magiging proclamation sa kanyang asawa. Anong masasabi niya rito?

 

"You know, this is a free country. They can do what they want."

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  3  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
47 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement