Chynna Ortaleza plays mysterious new character in Adik Sa 'Yo

Rose Garcia
Sunday, August 09, 2009 @ 11:46PM  |  17600 views

 

Chynna Ortaleza missed out on playing Valentina in Darna, a role she had been vocal about, but now there's an online petition going on to help her get the role of Andi in GMA-7's latest Koreanovela under development, Coffee Prince.

 

Photo By: Noel B. Orsal













Si Chynna Ortaleza ay isa sa mga bagong character na pumasok sa komediserye na Adik Sa 'Yo ng  GMA-7.  Isa raw siya sa importanteng character sa series dahil may mystery na malalaman sa pagpasok ng character niya.

"Actually, ano rin, nagulat nga ako sa mga ibinigay sa aking project after ng Paano Ba Ang Mangarap?, kasi, iba-iba siya. Like yung sa indie film na ginagawa ko, hindi pa siya tapos, e, pero horror.  Tapos, nag-Dear Friend ako, very light na parang happy character na protagonist yung character.  Dito naman sa Adik, comedy.  Nag-guest din ako sa SRO na kontrabida naman.

"Sabi ko nga, buti hindi pa ako nagkakaroon ng identity crisis," natatawa niyang sabi.  "Ang dami-rami kong pino-portray, pero, happy naman ako, kasi yun ang goal ko, di ba? Yung gumawa ng roles na iba-iba. Tapos, nag-open pa ang door nang bigla-bigla kaya nakakatuwa lang.

"Akala ko nga, hindi ako masasama sa comedy. In all honesty, natatakot ako sa genre na 'yan kasi pinakamahirap yatang magpatawa ng tao. Madali lang mag-drama, pero mahirap talagang mag-convey ng general happiness or magpatawa.  Nag-workshop ako kay Direk Joel Lamangan... at yun ang natutunan ko sa sarili ko. Kaya ang laki ng respeto ko sa mga komedyante."

VALENTINA WANNABE. Base sa sinabi ni Chynna, happy raw siya sa mga natatanggap niyang projects ngayon.  So, tinanong namin siya kung hindi naging hadlang sa happiness niya na kahit sa ikalawang pagkakataon, hindi pa rin siya naging Valentina sa Darna. Dream niya sanang maging Valentina na as we all know, si Iwa Moto na nga ang mapapanood na numero-unong kalaban ni Darna.

Ayon kay Chynna, "Kasi, I was very vocal with the fact that I really wanted the Valentina role and up to now, I still want to be Valentina if ever there's an opportunity na magre-require na maging Valentina.  Pero sabi ko nga, it's not the end all and be all of everything.

"Ini-explain ko rin naman yun sa mga taong nagtanong sa akin about the role nga. Sabi ko naman, kung mabigyan ng opportunity, okay.  Kung hindi, okey lang din. Kung mabigyan nila ako ng ibang role na antagonist ni Darna, tatanggapin ko pa rin, pero, okey lang talaga."

Dugtong pa niya, "E, hindi sa akin, e.  And I can't cry about it and feel super bad about it.  Siyempre, meron yung, ay, sayang, pero ganoon lang."

Hindi rin naman daw niya puwedeng sabihin na hindi nakikita ng network ang kapasidad niya bilang isang Kapuso actress.

"Kung hindi nila ako nakikita, malamang wala nang Chynna Ortaleza na nagtatrabaho para sa kanila.  The fact that they give me constant projects is enough evidence na alam nilang nakakatulong ako sa kanila.

"At saka, happy naman ako na binibigyan nila ako ng mga roles na dati ko pang hinihingi sa kanila.  So, hindi naman ako napu-frustrate or anything.  Siguro sa Valentina, nalungkot lang ako ng mga 30 minutes, pero after nu'n, sabi ko nga, kung hindi ko siya nakuha, siguro meron pang iba for me."

LOYAL KAPUSO. One example of being a loyal Kapuso si Chynna. Simula nang mag-artista siya and joined Click, she has remained a Kapuso star.  So puwede siyang makakapagsabi if it really pays to be loyal nowadays.

"Ako kasi, sabi ko nga naman, hindi naman ako nag-a-aspire na maging superstar.  Ang importante lang sa akin is meron akong trabaho para makatulong sa family ko at ma-improve yung sarili ko.  So, every time naman meron, hindi ko napi-feel na... ano ba 'to, wala akong trabaho.  So, happy naman ako, hindi nila ako hinahayaan na wala na lang ako.

"Na tipong sobrang nahirapan na lang ako at kailangan kong humanap ng ibang job para lang maka-survive. Hindi naman nila ako binabakante and the fact that after how many years in the business, palagi pa rin nila akong binibigyan ng mga bida-kontrabida roles and challenging roles is enough."

Nang lumabas ang balitang ia-adapt din ng GMA-7 ang Coffee Prince, lumabas din ang pangalan niya sa sinasabing bagay na gumanap as Andi.  Nagkaroon din ng petition thread na siya ang kuhanin ng network.  Pero as we all know, may ibang young actress din ang sinasabing mas posibleng kuhanin ng GMA, such as Jennica Garcia.

1  2  Next »

Related Articles

104 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name