news

Kris Aquino on Willie Revillame's remark: "We accept his apology."

by Erwin Santiago posted on August 11, 2009  STATS: 119092 Views | 1046 Comments

 

"We are not MTRCB. We are not ABS-CBN. We are not KBP. But we are the Aquino family. And for our family, we take Willie's apology for what it is—an apology. And we accept the apology," says Kris Aquino about Wilie Revillame (inset).

Photo By: Noel Orsal

Limang araw pagkatapos mailibing ang mga labi ni dating Pangulong Corazon Aquino ay muling nagbalik sa trabaho ang bunsong anak niya na si Kris Aquino sa SNN (Showbiz News Ngayon) kagabi, Agosto 10.  Ang SNN ang late night showbiz-oriented show ng ABS-CBN na hinu-host ni Kris kasama si Boy Abunda.

Bukod sa pagpapahayag ni Kris ng kanyang saloobin at pagsisiwalat ng kanyang mga susunod na hakbang ngayong wala na ang kanyang pinakamamahal na ina, nagsalita rin ang TV host-actress tungkol sa kapwa niya Kapamilya na si Willie Revillame.

Muli na naman kasing nasa gitna ng kontrobersiya si Willie. Ito ay nag-ugat sa pagpapatanggal niya ng live feed ng procession ng paglilipat ng mga labi ni Pangulong Aquino mula sa La Salle Greenhills patungo sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila, noong Agosto 3.  Marami ang hindi nagkagusto sa paraan ng pagsasabi ni Willie na tanggalin ang live feed ng cortege habang umeere ang hinu-host niyang noontime show na Wowowee. (Click here to read related story.)

Maging ang chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board na si Ms. Consoliza Laguardia ay hindi nagustuhan ang ginawa ni Willie. Ayon sa MTRCB Chair, nilabag ni Willie ang broadcast code of ethics ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at ang Sec. 3 ng Presidential Decree 1986—"being objectionable and contrary to good customs and tradition."

Ilang grupo rin ng mga mamamahayag—National Press Club at Alyansa ng Filipinong Mamahayag (Afima)—ang kumondena sa naging pahayag ni Willie. Samantalang may mga online petition na rin sa Internet upang i-ban ang TV host sa telebisyon. (Click here to read related story.)

Subalit para sa pamilya Aquino, ayon kay Kris, pinapatawad nila si Willie sa ginawa niya.

Narito ang buong pahayag ni Kris sa SNN kagabi tungkol kay Willie:


THE AQUINO FAMILY SPEAKS UP. "First of all, Friday [August 7] ko lang nalaman lahat," simula ni Kris. "Hindi natin alam kung ano ang mga nagaganap, kasi nandun ka sa sitwasyon na 'yon [pagyao ni President Aquino]. Friday, it so happened na mag-aayos kami ng mga gamit ng Mom sa Times [Street, tahanan ng mga Aquino]. So si Ate Ballsy [panganay sa magkakapatid] at Pinky [pangalawa sa pinakamatanda] went to the house.

"So I said... Thursday night [August 6] kasi nakausap ko si Willie. Pero vague, I mean, hindi klaro. So, Friday namin pinanood sabay-sabay sa YouTube [yung statement ni Willie sa Wowowee]... We didn't really get to talk about it much kasi nagpunta na kami ng Times at nag-ayos na kami ng mga things ni Mom.

"But on our way—so this is Friday—Willie asked, 'Puwede ko bang makausap yung mga kapatid mo?' So, kinausap niya si Pinky. Si Pinky yung una niyang nakausap. And then, sinabi ni Willie sa kanya na nagsu-sorry siya talaga. What Pinky said was, 'Alam mo, napanood namin at nakikita naman namin na hindi yung intensiyon ang masama. Yung pamamaraan ng pagsabi no'n ang puwedeng maka-offend sa ilan. Pero Willie, naiintindihan ka namin.'

"Sorry siya nang sorry kay Pinky, and Pinky said, 'As far as I am concerned Willie, it's finished, let's move on. Okay, we accept your apology.'

"Sunday [August 9], nagla-lunch kami, nag-text si Willie and he said, 'Puwede bang makausap ko kayong lahat?' So, feeling ko naman, in our family, si Ate ang dapat makausap niya talaga. So, I gave Ate the phone. Again, Willie explained and said he was sorry.

"TINATANGGAP NAMIN ANG APOLOGY MO." "This is the part I would like to share with everybody," patuloy ni Kris, "I got certain text messages before coming here na kung ide-defend ko daw si Willie, parang binastos ko na ang Mom. Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na Willie can very well defend himself. Pero ito po ang namagitan between him and our family.

"Nung nagsu-sorry si Willie kay Ate, I didn't even know this, Boy... Sinabi ni Ate sa kanya, 'Alam mo Willie, nung time na nagkaroon ng problema yung puso mo, we were here—in Ate's house dun sa lanai—kakakain namin ng dinner, naka-on yung TV sa TV Patrol. Niyayaya na namin si Mom na pumasok sa kuwarto kasi time na para mag-rosaryo.' Kasi every night, sabay-sabay silang nagpe-pray. And then Mom said, 'Wait, I want to know kung kumusta si Willie.' And then, Ate told Willie, 'Alam mo, Mom really loved you. She really appreciated the fact na ang bait mo sa mga anak ni Kris.' And sinabi ni Ate sa kanya, 'Willie, as far is our family is concerned, nag-sorry ka na, tinatanggap namin ang apology mo.'

"We are not MTRCB. We are not ABS-CBN. We are not KBP. But we are the Aquino family. And for our family, we take Willie's apology for what it is—an apology. And we accept the apology.

"Wala po sa kamay namin ang mangyayari in the future. Pero I can speak on behalf of myself, my sisters, and my brother, we accept his apology."

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1046 Comments

  • 726  willie1961

    08/11/2009 | 02:25 PM
    kaya ikaw JOEY magsumikap ka para naman umasenso ang buhay mo, hindi na lang sawsaw ng sawsaw sa ibang issue.
    Tita Dely
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 725  ekeknyo

    08/11/2009 | 02:21 PM
    reqal scores, we all knew here na matagal ka ng bitter kay willie...we don't like willie at all but we don't act such rudeness and very bias on giving comments here...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 724  heartcastle

    08/11/2009 | 02:18 PM
    hope we can all see the network's will in this latest pitfall of willie. ok aminado tayo nagpapanhik ng pera si willie sa dos sya at wala ng iba.Sir Mortiz sana naman macorrect nyo dila nyan si willie wag lang puro pampering. ano sabi ni johnny manahan, very humble daw yang si willie, naku di masyadong halata sir johnny,minsan sabihan nyo pahalata naman nya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 723  aysusmaryosep2

    08/11/2009 | 02:17 PM
    real scores, please do not say that willie offended the entire viewing public coz i wasn't offended and i'm sure there are many of us who were not offended. You already know that willie offends you..why watch him? hindi ka naman niya pinipilit na panoorin siya so bakit mo siya pinapanood. There are many people who like him and are not offended by him...so do they not have the right to watch him? Dito sa Amerika there are so many shows that cater to different viewers...may conservatives may liberals may purely kabastusan like howard stern...kanya-kanyang like yan. All of us have rights hindi lang yong mga galit kay willie. And who are you to say na bastos siya? Ang pilipino talaga...ang non-issue ginagawang issue. imulat nga ninyo ang mga mata at utak ninyo. Iba-iba tayo ng paniniwala at sensibilidad...huwag ninyong ipilit sa iba kung ano ang paniniwala ninyo. Gusto ninyo siyang tanggalin sa show...pano naman yong mga may gusto sa kanya at di bastos ang tinggin sa kanya? Who are you to judge kung si
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 722  real_scores

    08/11/2009 | 02:16 PM
    I REALLY want MTRCB and KBP to do a HARSH punishment to Willie.

    KAPAG walang GINAWA sa kanya, LALO pang LALAKI ang ULO niya, as he goens on-air EVRYDAY sa show niya.

    This is the nTH time na ginawa niya ang
    KABASTUSAn. WHAT are we trying to say to the next generation?

    OK lang maging bastos, arogante, at magHARI-harian BASTA humingi ng SORRY! PAULI-ULIT mang MAMBASTOS, pauli-t-ulit ka ring HUMINGI ng sorry.

    Ganyan ba dapat?


    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 721  PinkButterfly

    08/11/2009 | 02:15 PM
    yes apology accepted but still it is up to mtrcb, kbp amp; abs on what must be done dun sa action ni willie... kc siempre ayaw naman manggaling ni kris sa kanila ang desisyon kc morally may nilabag si willie sa pangyayari sa taong bayan... kc nakita rin ng aquino family na offensive ang sinabi ni willie that is why the people reacted... di naman eto laban ng kapuso at kapamilya... dahil ang nagmamahal kay pres. cory ay parehong kapamilya at kapuso... its about time na dapat nang maturuan ng leksyon si willie at matutuhang gumalang sa kapwa... be humble at wag maging mapagmalaki...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 720  celinski

    08/11/2009 | 02:15 PM
    ano naman ang kinalaman ng TVJ sa rudeness ni WR? diversionary tactic na naman. Wag na idamay mga Kapuso at Kapamilya kc d naman to network war. Kayo yata ang sinasanto si willie eh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 719  ekeknyo

    08/11/2009 | 02:14 PM
    daraga, i agree with u ...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 718  celinski

    08/11/2009 | 02:11 PM
    is accepting apology synonymous to forgiving?
    Mga fan ni WR, bulag. No wonder ganyan kayabang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 717  daraga

    08/11/2009 | 02:11 PM
    to my fellow ka bloggers. sana kahit may differences of opinions tayo, hindi naman tayo mag away away. siguro kung di tayo sang ayon sa sinasabi ng iba, puwede naman natin ipaabot ang hindi natin pagsasang ayon sa mahinahon na paraan di ba? just a thought.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 716  real_scores

    08/11/2009 | 02:10 PM
    PUBLIC figure sa Cory Aquino. SA PAMBABASTOS sa kanya. HINDI lang SA PAMILYA Aquino may PANANAGUTAN si WILLIE!

    MAY PANANAGUTAN din si WILLIE sa SAMBAYANANG Pilipino!

    THIS IS BEYOND KAPUSO OR KAPAMILYA!

    BAGO NIYA GINAWA ANG KABULASTUGANG YUN, ANDUN BA SI JOEY DE LEON? Wala DI BA? PINAPANSIN BA SIYA? Hindi di ba?

    HINDI kasi PWEDENG dahil NATANGGAP na ang SORRY niya, NALINIS na AGAD ang mga KASALANAN niya!

    PAANO ANG MGA KASALANAN NIYA SA CONTESTANTS AT STAFF NIYA na HINIHIYA niya ON-AIr?

    MAY Batas ang MTRCB, KBP at MAY PANANAGUTAN si Wllie.

    DAPAT lang PARUSAHAN siya WITH or WITHOUT Joey's PAKIKIALAM!



    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 715  heartcastle

    08/11/2009 | 02:09 PM
    Pano ba yan sa sinabi ni kris na aug 6 pa nila nakausap si willie ano yon nagsinungaling na naman another mistake to be forgiven paano yan sino na naman ang mag forgive kay willie nyan. aug 4 nakausap na daw nya liar talaga aside from being bastos. teary eyed pa sya ng sinabi na nakausap na nya aquino family aug 4, yon pala aug 6 and 9 pa, sino sa mga taga dos ang nagsasabi ng totoo? kris o sya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 714  winterfire

    08/11/2009 | 02:09 PM
    3. hindi pwede ibaling ang isyu doon sa pagkatao at sa isyong pagpapatigil, kasi kung pagkatao ang basehan, wow teka muna, ilang babae na ba dumaan sa buhay ni Vic at Joey? ..Kaya ko nasabing santo sila.

    4. Itong mga sumasampalataya kina St. Joey, PReacher Vic at Sta. La Guardia, sa Eat Bulaga Cathedral ay naniniwalang MALI ang pagpapatigil agad at hayaang magkasabay at kasiyahan sumasayaw at kalungkuran burol.. Palibhasa, ang tama sa kanila, at maaring nakasanayan na nila na okay lang sa kanila ang nag totong-its, nag-iinuman sa habang may burol sa lugar nila.

    Suplahin man nila, pagkatapos na ng tong-its.. kung may nananalo nah saka hingan ng TONG...


    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 713  ekeknyo

    08/11/2009 | 02:06 PM
    may letchonan sa balwarte ni joey gayleon....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 712  winterfire

    08/11/2009 | 02:03 PM
    Nakakapanindig balahibo ang takbo ng mga utak ng mga KAPUSO ngayon, mga sumasamba kay St. Joey, PRecher Vic at Santa La Guardia.

    Gawa tayo ng EAT BULAGA CATHEDRAL na ang santo ay si Joey, preacher si VIc at MTRCB Chapel na ang Santa ay si La Guardia.

    Bakit? Ito ang mga rason:

    1. Maganda pala sa paningin ng madla ang sumasayaw habang may kabaong sa gilid. Dios ko.. Sana sa GMA-7 lang yan gagawin. At hindi pwede suplahin agad-agad.

    2. Base ni Sta La Guardia, custms at tradition daw. Di daw pede ginawa on cam. Dapat off cam. Wow, so ibig sabihin hayaan yong sumasayaw matapos saka suplahin...

    Alin ba mas matimbang, ang suplahin agad kasi magkasabay ang sumasayaw at may kabaong, na hindi normal tingnan? Or hintayin off cam at hayaan magsayawan muna ang contestant habang may kabaong?... Yong pagpapatigil ba habng may sumasayaw ay hindi na isang magandang kaugalian, marahil ito ay ikatutuwa?

    3. Hindi pwede ibalign ang isyo doon
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 711  Angelle705

    08/11/2009 | 02:03 PM
    Ipasa Diyos nalang natin si Willie... Masaya man sya dito, alam ng Diyos ang totoong katauhan niya..

    Relax nalang tayo --- nabasa ko nga before..
    IF A MAN COMMITS CRIME, GOD WILL FIND A WITNESS...
    God bless all...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 710  real_scores

    08/11/2009 | 02:02 PM
    it's correct willie did not offend the aquino family that much he offended the viewing public for the nth time already. until when his kabastusan on air will end?


    EXACTLY!!!!!

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 709  heartcastle

    08/11/2009 | 02:00 PM
    it's correct willie did not offend the aquino family that much he offended the viewing public for the nth time already. until when his kabastusan on air will end?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 708  willie1961

    08/11/2009 | 01:58 PM
    EXHALE...INHALE...EXHALE...INHALE...EXHALE...INHALE.... Hoy mga kapuso! easy lang baka mauna pa kayo kay Willie boy.
    CIAO!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 707  ngudoymo

    08/11/2009 | 01:55 PM
    TellMeeWhy

    Obviously, with your EMOTIONAL comments and replies, you're an avid fan of willie. This is how you were enticed by wowowee - through your EMOTIONS, by their SUBLIMINAL STRATEGIES. Have you ever think about it? Be rational and you'll see. Thanks for the reply anyway. Have a nice day and God bless.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About