news

Kris Aquino on Willie Revillame's remark: "We accept his apology."

by Erwin Santiago posted on August 11, 2009  STATS: 119082 Views | 1046 Comments

 

"We are not MTRCB. We are not ABS-CBN. We are not KBP. But we are the Aquino family. And for our family, we take Willie's apology for what it is—an apology. And we accept the apology," says Kris Aquino about Wilie Revillame (inset).

Photo By: Noel Orsal

Limang araw pagkatapos mailibing ang mga labi ni dating Pangulong Corazon Aquino ay muling nagbalik sa trabaho ang bunsong anak niya na si Kris Aquino sa SNN (Showbiz News Ngayon) kagabi, Agosto 10.  Ang SNN ang late night showbiz-oriented show ng ABS-CBN na hinu-host ni Kris kasama si Boy Abunda.

Bukod sa pagpapahayag ni Kris ng kanyang saloobin at pagsisiwalat ng kanyang mga susunod na hakbang ngayong wala na ang kanyang pinakamamahal na ina, nagsalita rin ang TV host-actress tungkol sa kapwa niya Kapamilya na si Willie Revillame.

Muli na naman kasing nasa gitna ng kontrobersiya si Willie. Ito ay nag-ugat sa pagpapatanggal niya ng live feed ng procession ng paglilipat ng mga labi ni Pangulong Aquino mula sa La Salle Greenhills patungo sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila, noong Agosto 3.  Marami ang hindi nagkagusto sa paraan ng pagsasabi ni Willie na tanggalin ang live feed ng cortege habang umeere ang hinu-host niyang noontime show na Wowowee. (Click here to read related story.)

Maging ang chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board na si Ms. Consoliza Laguardia ay hindi nagustuhan ang ginawa ni Willie. Ayon sa MTRCB Chair, nilabag ni Willie ang broadcast code of ethics ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at ang Sec. 3 ng Presidential Decree 1986—"being objectionable and contrary to good customs and tradition."

Ilang grupo rin ng mga mamamahayag—National Press Club at Alyansa ng Filipinong Mamahayag (Afima)—ang kumondena sa naging pahayag ni Willie. Samantalang may mga online petition na rin sa Internet upang i-ban ang TV host sa telebisyon. (Click here to read related story.)

Subalit para sa pamilya Aquino, ayon kay Kris, pinapatawad nila si Willie sa ginawa niya.

Narito ang buong pahayag ni Kris sa SNN kagabi tungkol kay Willie:


THE AQUINO FAMILY SPEAKS UP. "First of all, Friday [August 7] ko lang nalaman lahat," simula ni Kris. "Hindi natin alam kung ano ang mga nagaganap, kasi nandun ka sa sitwasyon na 'yon [pagyao ni President Aquino]. Friday, it so happened na mag-aayos kami ng mga gamit ng Mom sa Times [Street, tahanan ng mga Aquino]. So si Ate Ballsy [panganay sa magkakapatid] at Pinky [pangalawa sa pinakamatanda] went to the house.

"So I said... Thursday night [August 6] kasi nakausap ko si Willie. Pero vague, I mean, hindi klaro. So, Friday namin pinanood sabay-sabay sa YouTube [yung statement ni Willie sa Wowowee]... We didn't really get to talk about it much kasi nagpunta na kami ng Times at nag-ayos na kami ng mga things ni Mom.

"But on our way—so this is Friday—Willie asked, 'Puwede ko bang makausap yung mga kapatid mo?' So, kinausap niya si Pinky. Si Pinky yung una niyang nakausap. And then, sinabi ni Willie sa kanya na nagsu-sorry siya talaga. What Pinky said was, 'Alam mo, napanood namin at nakikita naman namin na hindi yung intensiyon ang masama. Yung pamamaraan ng pagsabi no'n ang puwedeng maka-offend sa ilan. Pero Willie, naiintindihan ka namin.'

"Sorry siya nang sorry kay Pinky, and Pinky said, 'As far as I am concerned Willie, it's finished, let's move on. Okay, we accept your apology.'

"Sunday [August 9], nagla-lunch kami, nag-text si Willie and he said, 'Puwede bang makausap ko kayong lahat?' So, feeling ko naman, in our family, si Ate ang dapat makausap niya talaga. So, I gave Ate the phone. Again, Willie explained and said he was sorry.

"TINATANGGAP NAMIN ANG APOLOGY MO." "This is the part I would like to share with everybody," patuloy ni Kris, "I got certain text messages before coming here na kung ide-defend ko daw si Willie, parang binastos ko na ang Mom. Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na Willie can very well defend himself. Pero ito po ang namagitan between him and our family.

"Nung nagsu-sorry si Willie kay Ate, I didn't even know this, Boy... Sinabi ni Ate sa kanya, 'Alam mo Willie, nung time na nagkaroon ng problema yung puso mo, we were here—in Ate's house dun sa lanai—kakakain namin ng dinner, naka-on yung TV sa TV Patrol. Niyayaya na namin si Mom na pumasok sa kuwarto kasi time na para mag-rosaryo.' Kasi every night, sabay-sabay silang nagpe-pray. And then Mom said, 'Wait, I want to know kung kumusta si Willie.' And then, Ate told Willie, 'Alam mo, Mom really loved you. She really appreciated the fact na ang bait mo sa mga anak ni Kris.' And sinabi ni Ate sa kanya, 'Willie, as far is our family is concerned, nag-sorry ka na, tinatanggap namin ang apology mo.'

"We are not MTRCB. We are not ABS-CBN. We are not KBP. But we are the Aquino family. And for our family, we take Willie's apology for what it is—an apology. And we accept the apology.

"Wala po sa kamay namin ang mangyayari in the future. Pero I can speak on behalf of myself, my sisters, and my brother, we accept his apology."

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1046 Comments

  • 626  BopolEngot

    08/11/2009 | 12:21 PM
    wazi

    ang news walang pinpiling oras kasi may freedom ang news obligation yan ng mga journalist. to bring the news

    bopol ako pero siguro naman nag-aral ka ng journalism.

    alam mo, nakakatawa si willie kasi hindi nga nacut ung show nya ng abs news ang ginawa pinagsalo na lang. dapat pa nga sya matuwa.

    patunayan mong hindi breaking news yon para hindi bumagay sa iyo username ko.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 625  flameheart888

    08/11/2009 | 12:21 PM
    tama na! sobra na! maiba naman tayo
    Darna Rocks! ang galing ng Darna the best... ang story di tulad ng May Bukas pa , hinahaluan na ng fantaserye hahahaha.. parang nauubusan na ng ideas..GMA the best talaga....kaya accept na si Willie at watch na lang kayo ng DARNA!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 624  dulcinea

    08/11/2009 | 12:21 PM
    577
    abs4everfan
    August 11, 2009
    12:13 PM

    ---

    by what you said, IF YOU CANNOT FORGIVE, MALEDUCATED ka na?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 623  tonieng

    08/11/2009 | 12:19 PM
    Uy mga mapaghusgang c0mmentators jan..Ito bato o,kng cnu sa inyo ang wlang kasalan kau unang mgpukol ng bato ky willie..Geh go!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 622  jose623

    08/11/2009 | 12:18 PM
    O diba kahit Aquino family offended sa pamamaraan na ginawa ni Willie at yun naman ang issue. Hindi maganda ang intensyon pero offending parin yung way...Aquino Family does not speak for all those who were offended...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 621  BopolEngot

    08/11/2009 | 12:18 PM
    patunayan mong hindi breaking news yon dali... mangangamote ka

    kaya nga yamot na yamot si willie kasi nabreak ang show nya nyahaha


    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 620  verjon

    08/11/2009 | 12:18 PM
    alam nyo ba sa ginawa ng willie na iyan.. apektado tuloy ang subscription ng TFC ko dahil hindi na rin nag-renew ang mga friends ko... siguro hindi lang dito sa Saudi Arabia kundi sa ibang parte din ng bansa .. sa ginawa ng baboy na iyan lumakas tuloy ang subscription ng Orbit/GMA... naghahari-harian kasi ang bastos na iyan eh... akala mo kanya ang TFC...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 619  wazi

    08/11/2009 | 12:17 PM
    you just answered ur dorky argument, sabi mo newscasters, meaning hindi nagpapatawa may sensitivity at lalong walang almost naked na sumasayaw!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 618  BopolEngot

    08/11/2009 | 12:15 PM
    572
    wazi
    August 11, 2009
    12:11 PM namannnnn, sus ur argument is based on joey's poem? hindi pala factual! di ka nga dapat patulan!!

    ---
    last week ko pang sinasabing breaking news yon walang naniniwala sa mga matalinong kapalms.

    ngayon nagulat ako na sa tula ni joey nabanggit na breaking news yon

    nyahahahha pahiya

    magtanong ka kung hindi breaking news yon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 617  gummibear_38

    08/11/2009 | 12:14 PM
    palitan n'yo na si willie sa kanyang show! dapat ang ipalit si kris aquino kasi bagay naman kay kris ang ganitong show mahilig din siyang mag-interview sa mahihirap di ba? alisin na si willie sa kanyang show para wala na siyang pera! para hindi na niya maipagpatuloy ang mansion niya at ang ipinagyayabang niyang mall! alisin si willie!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 616  dulcinea

    08/11/2009 | 12:14 PM
    541
    real_scores
    August 11, 2009
    11:35 AM

    ----

    tama ka kapatid, we honor and respect her mother.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 615  abs4everfan

    08/11/2009 | 12:13 PM
    hindi sa walang kwenta ang galit ng iba...

    it is just that the AQUINO family are just educated and learned people who knows how to forgive...

    which everybody should have if we are really educated in that sense...

    just like God, He always forgive our sins and who are we to not forgive others if they really meant to say sorry and ask for forgiveness?

    so we have to wake up people... we do hve the right to give our own opinions...but we don't hve the right to condemn others...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 614  BopolEngot

    08/11/2009 | 12:13 PM
    pagkakaiba lang nung namatay si michael may CAPTION na BREAKING NEWS

    lols

    ako pa raw ang di dapat patulan
    tanongin mo nanay mo.

    kaya pala news team ang sinisisi ni willie at johnny kasi hidni breaking news nyahahahahah

    kamote
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 613  verjon

    08/11/2009 | 12:12 PM
    sa pagkaka-alam ko kapag na-indefinite ka ang susunod na eh ICU... next in line na ang bastos na willie na iyan... kahit na paulit-ulit patawarin yang bastos na iyan nasa ugat at dugo na nya ang pagiging magaspang at baboy ang pag-uugali... dapat sa mga nagpa-power trip dapat ilublob sa imburnal para matuto
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 612  lxp

    08/11/2009 | 12:11 PM
    I agree with most of the comments.. The acceptance of Willie's apology by the Aquino's family should not be the end of this..

    I believe the Management of ABS CBN is partly at fault. They should have chosen to show the funeral instead of Willie's show.. Money talks? not worth it! and now the management has been mum about it since..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 611  BopolEngot

    08/11/2009 | 12:11 PM
    nung namatay si michael jackson

    lahat ng cable channels

    may BREAKING NEWS na live inset ng video coverage habang ang main window nasa mga newscasters

    itong kay willie ang main eh ang wowowee ang ang inset ng breaking news eh kay tita cory.

    lols bops pa ang nagturo sa matalino
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 610  wazi

    08/11/2009 | 12:11 PM
    namannnnn, sus ur argument is based on joey's poem? hindi pala factual! di ka nga dapat patulan!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 609  gummibear_38

    08/11/2009 | 12:11 PM
    masyado nang mayabang at bastos itong willie! ka imposiblehan na hindi nakikita nang mga head sa DOS ang pagmamaltrato niya on air sa mga co-workers niya sa show? hindi lang mahawakan ang pinapahawakan niyang cd niya akala mo kung pagsalitaan niya ang mga cameraman at mga iba pa akala mo siya na ang nagpapasuweldo! tama naman ang sinabi ni kris napatawad na nila si willie pero hindi sila ang MTRCB dapat sila ang magbigay nang lesson dito kay willie na bisugo! lalo na pag laitin niya si rico j puno on air di ba? akala mo hindi siya pangit,eh,mas malaks pa ang dating ni rico j puno kesa kanya! di na niya iniisip na may mga anak si rico j. na masasaktan sa tatay nila?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 608  ngudoymo

    08/11/2009 | 12:09 PM
    the offense is not only on the aquino family, but to the filipino people as a whole. it is a case of REVILLAME VS. THE PEOPLE OF THE PHILIPPINES. every filipino has the right to demand justice for what he has done.

    Ang kapatawaran ng pamilyang Aquino ay di sapat,
    Bagkos sa bawat Filipino dapat syang mahinahon at makatotohanang magtapat.
    Paghingi sa kanila nang tawad ay syang tunay na nararapat
    Sapagkat para sa sambayanan si Cory ay bayani, dakila at alamat.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 607  BopolEngot

    08/11/2009 | 12:08 PM
    lols hindi raw breaking news yon

    basahin mo ang tula ni joey

    it's breaking news wala nga lang caption ng BREAKING NEWS

    balita yon coming from the news team ng abs

    nagpapatawa ka yata

    akala ko ako bops
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About