news

Kris Aquino on Willie Revillame's remark: "We accept his apology."

by Erwin Santiago posted on August 11, 2009  STATS: 119087 Views | 1046 Comments

 

"We are not MTRCB. We are not ABS-CBN. We are not KBP. But we are the Aquino family. And for our family, we take Willie's apology for what it is—an apology. And we accept the apology," says Kris Aquino about Wilie Revillame (inset).

Photo By: Noel Orsal

Limang araw pagkatapos mailibing ang mga labi ni dating Pangulong Corazon Aquino ay muling nagbalik sa trabaho ang bunsong anak niya na si Kris Aquino sa SNN (Showbiz News Ngayon) kagabi, Agosto 10.  Ang SNN ang late night showbiz-oriented show ng ABS-CBN na hinu-host ni Kris kasama si Boy Abunda.

Bukod sa pagpapahayag ni Kris ng kanyang saloobin at pagsisiwalat ng kanyang mga susunod na hakbang ngayong wala na ang kanyang pinakamamahal na ina, nagsalita rin ang TV host-actress tungkol sa kapwa niya Kapamilya na si Willie Revillame.

Muli na naman kasing nasa gitna ng kontrobersiya si Willie. Ito ay nag-ugat sa pagpapatanggal niya ng live feed ng procession ng paglilipat ng mga labi ni Pangulong Aquino mula sa La Salle Greenhills patungo sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila, noong Agosto 3.  Marami ang hindi nagkagusto sa paraan ng pagsasabi ni Willie na tanggalin ang live feed ng cortege habang umeere ang hinu-host niyang noontime show na Wowowee. (Click here to read related story.)

Maging ang chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board na si Ms. Consoliza Laguardia ay hindi nagustuhan ang ginawa ni Willie. Ayon sa MTRCB Chair, nilabag ni Willie ang broadcast code of ethics ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at ang Sec. 3 ng Presidential Decree 1986—"being objectionable and contrary to good customs and tradition."

Ilang grupo rin ng mga mamamahayag—National Press Club at Alyansa ng Filipinong Mamahayag (Afima)—ang kumondena sa naging pahayag ni Willie. Samantalang may mga online petition na rin sa Internet upang i-ban ang TV host sa telebisyon. (Click here to read related story.)

Subalit para sa pamilya Aquino, ayon kay Kris, pinapatawad nila si Willie sa ginawa niya.

Narito ang buong pahayag ni Kris sa SNN kagabi tungkol kay Willie:


THE AQUINO FAMILY SPEAKS UP. "First of all, Friday [August 7] ko lang nalaman lahat," simula ni Kris. "Hindi natin alam kung ano ang mga nagaganap, kasi nandun ka sa sitwasyon na 'yon [pagyao ni President Aquino]. Friday, it so happened na mag-aayos kami ng mga gamit ng Mom sa Times [Street, tahanan ng mga Aquino]. So si Ate Ballsy [panganay sa magkakapatid] at Pinky [pangalawa sa pinakamatanda] went to the house.

"So I said... Thursday night [August 6] kasi nakausap ko si Willie. Pero vague, I mean, hindi klaro. So, Friday namin pinanood sabay-sabay sa YouTube [yung statement ni Willie sa Wowowee]... We didn't really get to talk about it much kasi nagpunta na kami ng Times at nag-ayos na kami ng mga things ni Mom.

"But on our way—so this is Friday—Willie asked, 'Puwede ko bang makausap yung mga kapatid mo?' So, kinausap niya si Pinky. Si Pinky yung una niyang nakausap. And then, sinabi ni Willie sa kanya na nagsu-sorry siya talaga. What Pinky said was, 'Alam mo, napanood namin at nakikita naman namin na hindi yung intensiyon ang masama. Yung pamamaraan ng pagsabi no'n ang puwedeng maka-offend sa ilan. Pero Willie, naiintindihan ka namin.'

"Sorry siya nang sorry kay Pinky, and Pinky said, 'As far as I am concerned Willie, it's finished, let's move on. Okay, we accept your apology.'

"Sunday [August 9], nagla-lunch kami, nag-text si Willie and he said, 'Puwede bang makausap ko kayong lahat?' So, feeling ko naman, in our family, si Ate ang dapat makausap niya talaga. So, I gave Ate the phone. Again, Willie explained and said he was sorry.

"TINATANGGAP NAMIN ANG APOLOGY MO." "This is the part I would like to share with everybody," patuloy ni Kris, "I got certain text messages before coming here na kung ide-defend ko daw si Willie, parang binastos ko na ang Mom. Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na Willie can very well defend himself. Pero ito po ang namagitan between him and our family.

"Nung nagsu-sorry si Willie kay Ate, I didn't even know this, Boy... Sinabi ni Ate sa kanya, 'Alam mo Willie, nung time na nagkaroon ng problema yung puso mo, we were here—in Ate's house dun sa lanai—kakakain namin ng dinner, naka-on yung TV sa TV Patrol. Niyayaya na namin si Mom na pumasok sa kuwarto kasi time na para mag-rosaryo.' Kasi every night, sabay-sabay silang nagpe-pray. And then Mom said, 'Wait, I want to know kung kumusta si Willie.' And then, Ate told Willie, 'Alam mo, Mom really loved you. She really appreciated the fact na ang bait mo sa mga anak ni Kris.' And sinabi ni Ate sa kanya, 'Willie, as far is our family is concerned, nag-sorry ka na, tinatanggap namin ang apology mo.'

"We are not MTRCB. We are not ABS-CBN. We are not KBP. But we are the Aquino family. And for our family, we take Willie's apology for what it is—an apology. And we accept the apology.

"Wala po sa kamay namin ang mangyayari in the future. Pero I can speak on behalf of myself, my sisters, and my brother, we accept his apology."

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1046 Comments

  • 606  ngudoymo

    08/11/2009 | 12:06 PM
    the offense is not only on the aquino family, but to the filipino people as a whole. it is a case of REVILLAME VS. THE PEOPLE OF THE PHILIPPINES. every filipino has the right to demand justice for what he has done.

    Ang kapatawaran ng pamilyang Aquino ay di sapat,
    Bagkos sa bawat Filipino dapat syang mahinahon at makatotohanang magtapat.
    Paghingi sa kanila nang tawad ay syang tunay na nararapat
    Sapagkat para sa sambayanan si Cory ay bayani, dakila at alamat.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 605  tonieng

    08/11/2009 | 12:05 PM
    Hoy!!! Real_score,ang kapal ng mukha mu!!!Tska wg ka mxadng epal mrun0ng kpa sa mga anak ni hnd ka nga kadugo.. Kng c God nga ngpa2twd kau pa eh isa dn kaung mkasalanan,..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 604  wazi

    08/11/2009 | 12:05 PM
    bopol engot

    you live up to your name! it was not a breaking news! actually insensitive yung newsroom ng abs-cbn, alam naman nila na solemn yung moment, bakit isisingit sa malaswang giling-giling ng wowoweee!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 603  twozerofive

    08/11/2009 | 12:03 PM
    ebeb
    nakakatuwa ka! si pres. cory maka-DIYOS at mahal nya ang lahat, hindi lang si willie...esep esep ka muna ha! at isa pa, oo matanda na si joey, may pagka bastos at may pagkamayabang din, pero ang tanong ko, kelan ipinagyabang ni joey ang yaman nya? anak nga nyang may honor sa new york di nya masyadong sinabi sa press, kaya lang nailabas dahil may mga press na makulit, hindi mo alam yan noh!? oo totoong matanda na si joey, pero ganon pa man, kahit na 62 na sya, work pa din sya, may show sa tv5, may 3 o 4 ata na shows sa gma7, tapos nagsusulat pa sya sa philippine star, eh ang willie nyo? may wowowee na inamin nyang hirap si willie sa paghawak nito at may yacth, may buildings, may ilang bahay at kung anu-ano pang kayabangan na puedeng ilagay sa news, yan ang willie mo de bah!?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 602  tonieng

    08/11/2009 | 12:02 PM
    Hoy!!! Real_score,ang kapal ng mukha mu!!!Tska wg ka mxadng epal mrun0ng kpa sa mga anak ni hnd ka nga kadugo.. Kng c God nga ngpa2twd kau pa eh isa dn kaung mkasalanan,..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 601  Weslia

    08/11/2009 | 12:00 PM
    Kulang ang suspended sa kanya dapat yan mawala na sa television para magising sya sa kayabangan nya nakakakilabot sya huwag natin gawing tama ang mali apologise is not the key para malimutan na lang ang lahat kailangan may magtanda.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 600  BopolEngot

    08/11/2009 | 12:00 PM
    kailan pa hindi naging mali pag
    naka-offend ka ng isang tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 599  kapamilya247

    08/11/2009 | 11:57 AM
    hindi matatanggal yan si willie kasi mas maraming sumusuporta diyan! kawawang JDL hindi na naman magtatagumpay this time. hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 598  marianlabandera

    08/11/2009 | 11:57 AM
    mahina ang editor ng pep... dapat ang title ay

    kris to willie: we are not mtrcb, abs-cbn, kbp

    search nyo sa youtube yan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 597  BopolEngot

    08/11/2009 | 11:56 AM
    mali raw ang abscbn don eh ilang dekada na nila ginagawa ang live inset ng lahat ng bagat na importante.

    press freedom
    kahit anong oras sa kahit na anong occasion tradition na yon lalo pa sa bansang malaya na sinimulan ni cory.

    si willie ang mali don hindi abs news team.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 596  trinanico

    08/11/2009 | 11:54 AM
    akala ko ba dapat magpatawad.. nung lumapit ang mga marcos puro pagpapatawad ang sinasabi ng ilan dito na dapat magpatawad tapos ngayon nag sorry na and inadmit na ni willie na nagkamali siya hindi pa din maka move on!! ang double standard nga naman!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 595  BopolEngot

    08/11/2009 | 11:54 AM
    walang mali ang news team don
    it was a breaking news na OVER TO THE MAX NA NAPAKAIMPORTANT...

    ang sabihin nyo ayaw ni willie itabi ang cortege ni cory kasi hindi sya ang papanoorin.

    kaya nga ang tingin ng NPC at AFIMA
    ung ginawa nya eh para lang sa sariling pabor.

    sino ang makitid ang utak lols
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 594  titobhoy

    08/11/2009 | 11:53 AM
    narinig nyu ba opinion ni noynoy???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 593  ako_ito

    08/11/2009 | 11:51 AM
    dadi37..

    mas improtanteng mg-apologize kung naka-offend ka, kahit pa naniniwala kang wala kang pagkakamali. yun ang ginawa ni willie..

    even the Aquino's said, they think yung delivery ni willie ang mali.

    i am not supporting willie, i believe it was a mistake by ABS-CBN to air the wake beside wowowee. pero di excuse yun para mg-power tripping si willie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 592  luckyyorker1

    08/11/2009 | 11:51 AM
    Buti naman at na suspinde si Willie sa Wowowee..sana for good na..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 591  palachika08

    08/11/2009 | 11:50 AM
    it's like saying that sa batas ng Diyos ay napawalang sala na si willie...pero sa batas ng tao ito ay dapat nyang panagutan...apology accepted ng aquino family...paano naman ang mga milyong tao nasaktan nya para ke tita cory?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 590  librarian

    08/11/2009 | 11:48 AM
    r2kin2...
    hindi na ipinaaasa ng pamilya AQUINO ang mga statements nila kay Dedee ba yun? yung spokeperson nila.
    remember kahit nung labas pasok si Pres. Cory sa hospital, si Kris na ang nagsasalita. even nung pumanaw sya, the statement came from Noy.

    I think Deedee should know now san na ang lugar nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 589  twozerofive

    08/11/2009 | 11:48 AM
    isa lang ang gustong iparating ni kris, ibasura ang issue, kasi naman, si willie lang yan, hindi ibababa ng aquino family ang level nila sa isang katulad ni willie...kaya gusto na nila tapusin ang issue...yun yon!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 588  A_Cross_Between_The_Two

    08/11/2009 | 11:47 AM
    523
    ako_ito
    August 11, 2009
    11:18 AM

    -we have the same stand. Thank God at may mga open-minded pa rin dito sa pep at hindi makikitid ang utak ng gaya ng iilan..basta ang alam ko, ang pagkakamali ay hindi maitutuwid ng isa pang pagkakamali.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 587  change4abetter

    08/11/2009 | 11:45 AM
    Think we filipino should move on.... instead put too much stress to Willie to drop him in ABS... concentrate na lang tayo sa mga bagay/trabaho that help us to make much better person and life to the best!

    Pinatawad nga sya/Willie ng mga AQUINO family... tayo pa can't forgive him? at hindi naman criminal yan na pinatay nya ang kapwa tao or nagnakaw ng pera ng bayan.
    Marami naman sya natulungan na mga tao sa Wowewee.

    People think and peace all. Be positive in life rather bitter.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About