news

Kris Aquino on Willie Revillame's remark: "We accept his apology."

by Erwin Santiago posted on August 11, 2009  STATS: 119093 Views | 1046 Comments

 

"We are not MTRCB. We are not ABS-CBN. We are not KBP. But we are the Aquino family. And for our family, we take Willie's apology for what it is—an apology. And we accept the apology," says Kris Aquino about Wilie Revillame (inset).

Photo By: Noel Orsal

Limang araw pagkatapos mailibing ang mga labi ni dating Pangulong Corazon Aquino ay muling nagbalik sa trabaho ang bunsong anak niya na si Kris Aquino sa SNN (Showbiz News Ngayon) kagabi, Agosto 10.  Ang SNN ang late night showbiz-oriented show ng ABS-CBN na hinu-host ni Kris kasama si Boy Abunda.

Bukod sa pagpapahayag ni Kris ng kanyang saloobin at pagsisiwalat ng kanyang mga susunod na hakbang ngayong wala na ang kanyang pinakamamahal na ina, nagsalita rin ang TV host-actress tungkol sa kapwa niya Kapamilya na si Willie Revillame.

Muli na naman kasing nasa gitna ng kontrobersiya si Willie. Ito ay nag-ugat sa pagpapatanggal niya ng live feed ng procession ng paglilipat ng mga labi ni Pangulong Aquino mula sa La Salle Greenhills patungo sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila, noong Agosto 3.  Marami ang hindi nagkagusto sa paraan ng pagsasabi ni Willie na tanggalin ang live feed ng cortege habang umeere ang hinu-host niyang noontime show na Wowowee. (Click here to read related story.)

Maging ang chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board na si Ms. Consoliza Laguardia ay hindi nagustuhan ang ginawa ni Willie. Ayon sa MTRCB Chair, nilabag ni Willie ang broadcast code of ethics ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at ang Sec. 3 ng Presidential Decree 1986—"being objectionable and contrary to good customs and tradition."

Ilang grupo rin ng mga mamamahayag—National Press Club at Alyansa ng Filipinong Mamahayag (Afima)—ang kumondena sa naging pahayag ni Willie. Samantalang may mga online petition na rin sa Internet upang i-ban ang TV host sa telebisyon. (Click here to read related story.)

Subalit para sa pamilya Aquino, ayon kay Kris, pinapatawad nila si Willie sa ginawa niya.

Narito ang buong pahayag ni Kris sa SNN kagabi tungkol kay Willie:


THE AQUINO FAMILY SPEAKS UP. "First of all, Friday [August 7] ko lang nalaman lahat," simula ni Kris. "Hindi natin alam kung ano ang mga nagaganap, kasi nandun ka sa sitwasyon na 'yon [pagyao ni President Aquino]. Friday, it so happened na mag-aayos kami ng mga gamit ng Mom sa Times [Street, tahanan ng mga Aquino]. So si Ate Ballsy [panganay sa magkakapatid] at Pinky [pangalawa sa pinakamatanda] went to the house.

"So I said... Thursday night [August 6] kasi nakausap ko si Willie. Pero vague, I mean, hindi klaro. So, Friday namin pinanood sabay-sabay sa YouTube [yung statement ni Willie sa Wowowee]... We didn't really get to talk about it much kasi nagpunta na kami ng Times at nag-ayos na kami ng mga things ni Mom.

"But on our way—so this is Friday—Willie asked, 'Puwede ko bang makausap yung mga kapatid mo?' So, kinausap niya si Pinky. Si Pinky yung una niyang nakausap. And then, sinabi ni Willie sa kanya na nagsu-sorry siya talaga. What Pinky said was, 'Alam mo, napanood namin at nakikita naman namin na hindi yung intensiyon ang masama. Yung pamamaraan ng pagsabi no'n ang puwedeng maka-offend sa ilan. Pero Willie, naiintindihan ka namin.'

"Sorry siya nang sorry kay Pinky, and Pinky said, 'As far as I am concerned Willie, it's finished, let's move on. Okay, we accept your apology.'

"Sunday [August 9], nagla-lunch kami, nag-text si Willie and he said, 'Puwede bang makausap ko kayong lahat?' So, feeling ko naman, in our family, si Ate ang dapat makausap niya talaga. So, I gave Ate the phone. Again, Willie explained and said he was sorry.

"TINATANGGAP NAMIN ANG APOLOGY MO." "This is the part I would like to share with everybody," patuloy ni Kris, "I got certain text messages before coming here na kung ide-defend ko daw si Willie, parang binastos ko na ang Mom. Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na Willie can very well defend himself. Pero ito po ang namagitan between him and our family.

"Nung nagsu-sorry si Willie kay Ate, I didn't even know this, Boy... Sinabi ni Ate sa kanya, 'Alam mo Willie, nung time na nagkaroon ng problema yung puso mo, we were here—in Ate's house dun sa lanai—kakakain namin ng dinner, naka-on yung TV sa TV Patrol. Niyayaya na namin si Mom na pumasok sa kuwarto kasi time na para mag-rosaryo.' Kasi every night, sabay-sabay silang nagpe-pray. And then Mom said, 'Wait, I want to know kung kumusta si Willie.' And then, Ate told Willie, 'Alam mo, Mom really loved you. She really appreciated the fact na ang bait mo sa mga anak ni Kris.' And sinabi ni Ate sa kanya, 'Willie, as far is our family is concerned, nag-sorry ka na, tinatanggap namin ang apology mo.'

"We are not MTRCB. We are not ABS-CBN. We are not KBP. But we are the Aquino family. And for our family, we take Willie's apology for what it is—an apology. And we accept the apology.

"Wala po sa kamay namin ang mangyayari in the future. Pero I can speak on behalf of myself, my sisters, and my brother, we accept his apology."

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1046 Comments

  • 526  PinkButterfly

    08/11/2009 | 10:51 AM
    apology accepted by the aquino family, but still as per kris' statement they are not mtrcb, not the kbp, not abs... offense was made not just to the aquino family but to the filipino people as well, that is why there is an uproar... siguro dapat na ding mabigyan na leksyon si willie para di na nya ulit-ulitin ang kanyang di magandang gawi... para mahumble sya kc tingin nya sa sarili nya untouchable kc malakas kapit nya...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 525  rona_nvc

    08/11/2009 | 10:49 AM
    apology accepted --- YES.
    BUT we have to undestand and accept the fact that Willie should learn his lessons. He's not being a good example to the young ones. Malawak pa naman ang impluwensya niya coz he's being watched everyday ex Sunday.
    Yun lang po.... ;-
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 524  celinski

    08/11/2009 | 10:49 AM
    move on ka na wala pa ngang resolution? Wait ko ang move na gagawin ng ABS, KBP, at MTRCB. Ilabas ang popcorn!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 523  kibitzer

    08/11/2009 | 10:49 AM
    We are awaiting the MTRCB sanction. Dapat ang ABS-CBN may sanction din. Si Cristy Fermin sinuspinde nila, mas masahol pa ang ginawa ni Willie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 522  real_scores

    08/11/2009 | 10:49 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 521  adoboworld

    08/11/2009 | 10:46 AM
    Wag nang pabalikin si Willie,ever.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 520  celinski

    08/11/2009 | 10:46 AM
    takot din ABS kay willie, tamo di pinalitan, dati pag wala siya, si john lloyd, randy or john nagsa-sub.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 519  joyride321

    08/11/2009 | 10:44 AM
    chinatowngirl

    sa tingin mo sino ang may idea na ganun ang maging itsura ng mga dancers? c willie kaya o anna feliciano,kasi naaawa din ako sa kanila parang ang cheap na lalo na pag pinapasayaw sila ni willie ng giling up down... up down..tapos tatagalan pa pag nakaupo na sila habang nagiling.Wala lang siguro sila magawa kasi baka sila hiyain ni willie pag di sila sumunod
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 518  real_scores

    08/11/2009 | 10:44 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 517  lilac0808

    08/11/2009 | 10:43 AM
    move on na lang... mas madaming issue sa bayan kesa dito kay willie. mahiya naman kayo OA na masyado di naman kayo mga aquino, dugong filipino lang... kung iyong tunay na may dugo eh napatawad na siya tayo pa kaya, di ba napaka OA naman?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 516  celinski

    08/11/2009 | 10:42 AM
    mga ka pepsters, iba naman ang forgiven sa apology accepted.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 515  adoboworld

    08/11/2009 | 10:41 AM
    Mas ok pa si Pokwang at Chokoliet at idagdag pa si Poo talagang bongang bongga ang katatawanan dahil mga tunay na komedyante ang mga ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 514  trav

    08/11/2009 | 10:41 AM
    maniphils,

    if thats what you believe in, then i respect it... but from my unbias reaction and basing from what i normally read here, some people's agenda here is not merely to express their opinion about the matter; instead, they tend to make somebody's name ill... kasi sa negosyo more damages done to the competitor more customers will transfer to you. i don't need to elaborate. have a great day! :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 513  bellacaya

    08/11/2009 | 10:39 AM
    Bow! Buong sambayanan napukaw ang kamalayan. Kuro-kuro dito, kuro-kuro doon, lahat pinag-iispan, SINO ang TAMA, SINO ang MALI, dapat bang PARUSAHAN o HAYAAN na lamang. Sa mga nagdaang araw, mamamayan ay nagka-isa, ngunit dahil sa isang iglap na pamamahayag bigla'y bigkis sinubukan. Pamilyang nasaktan nagka-isang ibigay sa sakdal ang ina-asam asam. Kay sarap pakinggan, KAPATAWARANG walang hanggan', sa palagay ko ito rin ang gusto nang inang nang-iwan. O hayan, hayagan pagsisiwalat, sana'y tanggapin din nang sambayanan para paghilom ay makamtam , TAMA na ang BANGAYAN, dahil ito ay WALANG KAHIHINATNAN! Talino sa kuro-kuro, ibaling na lang sa ibang paraan na may pakinabang! Bow!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 512  celinski

    08/11/2009 | 10:39 AM
    if you read between kris' statement, wala naman siyang sinabi na ina-absolve nila si willie.. Passing the ball to MTRCB, ABS, KBP is the subtlest way to handle this issue. She did not mention either na walang kasalanan si WR. Kung ang ibang tao nga, felt bad sa ginawa ni WR, sila pang pamilya. Minsan kc, dpat ilugar ang kayabangan at powertripping. Ex-pres kaya yung pinapatanggalan niya ng coverage.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 511  siete_haba

    08/11/2009 | 10:36 AM
    Maganda na napatawad na nila.

    At least, klaro na wala sa kamay nila ang desisyon ng MTRCB, KBP at ABS-CBN. Desisyonan na yan para maparusahan!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 510  soltero

    08/11/2009 | 10:34 AM
    siguro tuwang-tuwa din yung si ERIC sa nangyari kasi para na din sya nakaganti kay willie sa pangbubusabos sa kanya on air.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 509  maria_francesca

    08/11/2009 | 10:34 AM
    willie everyone deserves a second chance but indi na ata to second chance sau kc kadami mo nto nagawa eh way back MTb pa....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 508  BopolEngot

    08/11/2009 | 10:33 AM
    ang problema jan sa abs... walang balls ang mga head para makialam sa show.

    one good example is jose manalo
    may kasi ang asawa kaya ang ginawa
    nina tony tuviera tinanggal muna
    para hindi masira ang pangalan ng show at hindi makaladkad ang mga kasama nitong host.

    yon wala non ang abs at wowowee

    si johnny m nga kinunsinti pa si willie
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 507  kibitzer

    08/11/2009 | 10:31 AM
    Naging dahilan ang pagkamatay ni Tita Cory para makita ng tao ang kabastusan at kahambugan ni Williw. Huwang hayaang mawalang saysay ang pagkamatay ni Tita Cory.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About