news

Kris Aquino on Willie Revillame's remark: "We accept his apology."

by Erwin Santiago posted on August 11, 2009  STATS: 119227 Views | 1046 Comments

 

"We are not MTRCB. We are not ABS-CBN. We are not KBP. But we are the Aquino family. And for our family, we take Willie's apology for what it is—an apology. And we accept the apology," says Kris Aquino about Wilie Revillame (inset).

Photo By: Noel Orsal

Limang araw pagkatapos mailibing ang mga labi ni dating Pangulong Corazon Aquino ay muling nagbalik sa trabaho ang bunsong anak niya na si Kris Aquino sa SNN (Showbiz News Ngayon) kagabi, Agosto 10.  Ang SNN ang late night showbiz-oriented show ng ABS-CBN na hinu-host ni Kris kasama si Boy Abunda.

Bukod sa pagpapahayag ni Kris ng kanyang saloobin at pagsisiwalat ng kanyang mga susunod na hakbang ngayong wala na ang kanyang pinakamamahal na ina, nagsalita rin ang TV host-actress tungkol sa kapwa niya Kapamilya na si Willie Revillame.

Muli na naman kasing nasa gitna ng kontrobersiya si Willie. Ito ay nag-ugat sa pagpapatanggal niya ng live feed ng procession ng paglilipat ng mga labi ni Pangulong Aquino mula sa La Salle Greenhills patungo sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila, noong Agosto 3.  Marami ang hindi nagkagusto sa paraan ng pagsasabi ni Willie na tanggalin ang live feed ng cortege habang umeere ang hinu-host niyang noontime show na Wowowee. (Click here to read related story.)

Maging ang chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board na si Ms. Consoliza Laguardia ay hindi nagustuhan ang ginawa ni Willie. Ayon sa MTRCB Chair, nilabag ni Willie ang broadcast code of ethics ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at ang Sec. 3 ng Presidential Decree 1986—"being objectionable and contrary to good customs and tradition."

Ilang grupo rin ng mga mamamahayag—National Press Club at Alyansa ng Filipinong Mamahayag (Afima)—ang kumondena sa naging pahayag ni Willie. Samantalang may mga online petition na rin sa Internet upang i-ban ang TV host sa telebisyon. (Click here to read related story.)

Subalit para sa pamilya Aquino, ayon kay Kris, pinapatawad nila si Willie sa ginawa niya.

Narito ang buong pahayag ni Kris sa SNN kagabi tungkol kay Willie:


THE AQUINO FAMILY SPEAKS UP. "First of all, Friday [August 7] ko lang nalaman lahat," simula ni Kris. "Hindi natin alam kung ano ang mga nagaganap, kasi nandun ka sa sitwasyon na 'yon [pagyao ni President Aquino]. Friday, it so happened na mag-aayos kami ng mga gamit ng Mom sa Times [Street, tahanan ng mga Aquino]. So si Ate Ballsy [panganay sa magkakapatid] at Pinky [pangalawa sa pinakamatanda] went to the house.

"So I said... Thursday night [August 6] kasi nakausap ko si Willie. Pero vague, I mean, hindi klaro. So, Friday namin pinanood sabay-sabay sa YouTube [yung statement ni Willie sa Wowowee]... We didn't really get to talk about it much kasi nagpunta na kami ng Times at nag-ayos na kami ng mga things ni Mom.

"But on our way—so this is Friday—Willie asked, 'Puwede ko bang makausap yung mga kapatid mo?' So, kinausap niya si Pinky. Si Pinky yung una niyang nakausap. And then, sinabi ni Willie sa kanya na nagsu-sorry siya talaga. What Pinky said was, 'Alam mo, napanood namin at nakikita naman namin na hindi yung intensiyon ang masama. Yung pamamaraan ng pagsabi no'n ang puwedeng maka-offend sa ilan. Pero Willie, naiintindihan ka namin.'

"Sorry siya nang sorry kay Pinky, and Pinky said, 'As far as I am concerned Willie, it's finished, let's move on. Okay, we accept your apology.'

"Sunday [August 9], nagla-lunch kami, nag-text si Willie and he said, 'Puwede bang makausap ko kayong lahat?' So, feeling ko naman, in our family, si Ate ang dapat makausap niya talaga. So, I gave Ate the phone. Again, Willie explained and said he was sorry.

"TINATANGGAP NAMIN ANG APOLOGY MO." "This is the part I would like to share with everybody," patuloy ni Kris, "I got certain text messages before coming here na kung ide-defend ko daw si Willie, parang binastos ko na ang Mom. Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na Willie can very well defend himself. Pero ito po ang namagitan between him and our family.

"Nung nagsu-sorry si Willie kay Ate, I didn't even know this, Boy... Sinabi ni Ate sa kanya, 'Alam mo Willie, nung time na nagkaroon ng problema yung puso mo, we were here—in Ate's house dun sa lanai—kakakain namin ng dinner, naka-on yung TV sa TV Patrol. Niyayaya na namin si Mom na pumasok sa kuwarto kasi time na para mag-rosaryo.' Kasi every night, sabay-sabay silang nagpe-pray. And then Mom said, 'Wait, I want to know kung kumusta si Willie.' And then, Ate told Willie, 'Alam mo, Mom really loved you. She really appreciated the fact na ang bait mo sa mga anak ni Kris.' And sinabi ni Ate sa kanya, 'Willie, as far is our family is concerned, nag-sorry ka na, tinatanggap namin ang apology mo.'

"We are not MTRCB. We are not ABS-CBN. We are not KBP. But we are the Aquino family. And for our family, we take Willie's apology for what it is—an apology. And we accept the apology.

"Wala po sa kamay namin ang mangyayari in the future. Pero I can speak on behalf of myself, my sisters, and my brother, we accept his apology."

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1046 Comments

  • 466  adoboworld

    08/11/2009 | 10:01 AM
    Kahit pinatawad na sya ng pamiliyang Aquino which is expected, dahil sobrang babait nila, hindi lang ito ang instance kung saan nag-init ang ulo ni Willie at nanigaw sya on cam. Actually yong traffic ang sinigawan nya telling them to remove the footage. Araw-araw nalang, walang sawa sa pagbubulyaw si Willie sa mga staff nya which is a form of Verbal Abuse and Public Humiliation na punishable talaga. Hindi ito acceptable under KBP at MTRCB rules. Hindi sya karapat dapat mag host ng live kung bastos ang bibig nya. Dapat taped para ma edit. Pero nagsawa na ang mga tao ng pag pasensya dahil parang di naman sya nagsisisi at paulit ulit nyang ginagawa ito sa show nya kahit sinabihan na sya ni Mr M na hindi magandang mag init ng ulo on cam. Tama lang na palitan na sya bago pa madamay ang station at buong show. Mas relax at ok ang show ng wala sya dahil kitang kita na masaya ang mga staff at audience dahil wala silang bully na kinakatakutan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 465  BopolEngot

    08/11/2009 | 10:00 AM
    422
    snow_country
    August 11, 2009
    09:48 AM What would Tita Cory do?

    She'll accept the apology that's for sure!

    ---
    bwahahahahahah kulang ito!

    She'll accept the apology that's for sure! but she will ask you to step down.

    anong petsa na marcos and gloria na presidente nagawa nya yan.


    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 464  aysusmaryosep2

    08/11/2009 | 10:00 AM
    What will cory do? She will say you don't need to apologize coz you didn't do anything wrong. She will suggest however na si willie mag-enroll sa isang finishing school ha ha ha para mag-karoon ng kaunting finesse. Kay joey, she will say...bakit ikaw ang nagagalit? Tama na ang pakikisawsaw. Make poems against GMA and ERAP na super kurakot. Ang bastos hindi nakakamatay...ang magnanakaw ay nakakamatay.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 463  sylvester

    08/11/2009 | 09:58 AM
    im sure may tampo ang aquino family kc alam nila may kasalanan c willie, tingnan nyo nga pinaubaya nila sa kung ano ang dapat mangyari kay willie, obviously kc may nilabag sya, apology accepted, konsensya nalang ni willie ang huhusga sa kanya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 462  leetzeyen

    08/11/2009 | 09:58 AM
    bakit mga friends ko dito sa taiwan na
    dream sattilite users eh mostly channel 2 ang pinapanood......
    pag boring ang pinapanood nila syempre ilipat nila sa cartoons para may mapanood mga anak nila.....
    yon ngang may nag guest dito sa taipie na kapuso stars na ewan ko kung ano show yon eh nilalangaw.....
    sino daw yong artistang yon.....
    kaya sino kayang mga artista ang mas kilala ngayon.....
    di lang naman TFC lang.....
    yung mga galing ng pinas ng laging nanonood ng 7 syempre ang may nakakilala.....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 461  BopolEngot

    08/11/2009 | 09:58 AM
    mabuti naman at lumugar si kris
    sa tingin ko eh napagsabihan ng mga kapatid...

    kasi kung makikialam sya jan at isave si willie, kakawala pa lang ni tita cory masisira na agad ang mga pamana nito.

    pag mali dapat batikusin, pag sobra na dapat pababain sa pwesto.

    someone or some people texted kris daw reminding na parang binastos nya mom nya kung idedefend nya si willie.

    sino yong nagtext? close relative or close friend yon. yari ka willie.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 460  shelley_18

    08/11/2009 | 09:57 AM
    cool na cool nga si joey eh. pasimpleng tirada lang.. gigil na gigil na ang willie. ahahahaha.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 459  soltero

    08/11/2009 | 09:56 AM
    sana when the Aquino family accepted willie's apology,binigyan sya ng kondisyon na kailangan nya um-attend sa pagdarasal ng rosaryo with the Aquinos.para naman magkaroon sya ng manners at decency.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 458  BopolEngot

    08/11/2009 | 09:53 AM
    magngingitngit si joey?

    pag nasa tv si willie nag eenjoy si joey, ngayon pang nagleave si willie magngingitngit si jdl.

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 457  lali_28

    08/11/2009 | 09:53 AM
    bopolengot

    pariham ng line mo ha...
    TAMA NA...SOBRA NA...PALITAN NA!
    logo ni tita cory
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 456  leetzeyen

    08/11/2009 | 09:52 AM
    kahit mag log-in kayo ng ilang beses at mag vote syempre tataas ang poll results.......
    kahit ako may nakitang may mali din
    si willie bakit ko pag aksayahan ang vote ko na di naman yan galing sa kapamilya network.......
    syempre sa karibal network na nakikisawsaw sa inyung ito.......
    basta pag kapamilya issue daming mag react....
    hmmmmm bakit kaya
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 455  nugget

    08/11/2009 | 09:52 AM
    mas tataas ang rating ng wowowee kung papalitan si Willy.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 454  streetsmart

    08/11/2009 | 09:51 AM
    pareho naman talagang bastos si willie at joey pero sino ba ang may mali sa article nato? sino ba ang panay sorry at nag leave dahil guilty? siguradong inunahan lang ni willie ang abs mgmt na sabihan siya to go on indefinite leave. dapat dyan sibakin na! walang ethics na noontime host.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 453  birtwal

    08/11/2009 | 09:50 AM
    ok inaccept na pala ang apology eh lalong magngingitngit c joey niyan kasi hindi niya nakuha yung gusto niyang totally kamuhian c willie ng mga aquinos hehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 452  vel715

    08/11/2009 | 09:50 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 451  fanatic21067

    08/11/2009 | 09:50 AM
    Okey ... nagkamali si wellie , kong ang Diyos nga naka pagpatawad tayo pa kayang tao lamang ? Ano ba ang tinuturo sa CHURCH nyo ? Patawarin ang makasalanan hindi bitayin at patayin. Tingnan nyo ang sarili nyo ? Ang mang lait nang kapwa ay malaking kasalan sa Diyos . Kong may kasalan si Wellie wag nyo nang insultuhin dahil kasalanan din yon. Malalaki nakayo , May kanyang pag-iisip na hindi pwedeng diktahan. If alam nyong mali e di wag nyong panuorin. Hindi yong nanood ka yo nang wowowie tapos galit kayo.. para kayong SIRA! . Kasi walang sirang tao if walang nagpapaka sira ! Kong ang Aquino family nga hindi naman Diyos nagpapatawad kayo pa ? Paano malalaman nang isang tao na hindi maganda ang ginagawa nya if hindi nya ito na experience ? Ngayon alam na ni Wellie kong saan sya nagkamali then bigyan natin nang chance nag bago . Di ba yan ang sabi nang diyos ... ang taong makasalanan wag batuhin nag bato kundi tinapay. If masama si Wellie tulungan natin syang magbago huwag husgahan. Si Joey halos patayin nya c Wel
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 450  agness

    08/11/2009 | 09:49 AM
    Yes, Pilipino gising! Lahat tayo may pagkakamali, but everybody deserves a second chance.Kung ang mga Aquino nakapagpatawad, bakit kayo hindi? The door is always open for changes.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 449  snow_country

    08/11/2009 | 09:48 AM
    What would Tita Cory do?

    She'll accept the apology that's for sure!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 448  BopolEngot

    08/11/2009 | 09:48 AM
    maraming viewers ang wowowee

    nagpapatawa sila

    ilang beses na pinamigay ni willie ang ratings kasi hindi nila makuha ang rating supremacy. kumikita lang ang wowowee sa scheduled guests nitong mga tfc subscribers.

    nasa states na rin ang gma7 kaya malapit na kayong mangamote
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 447  benson

    08/11/2009 | 09:48 AM
    tfc usa and canada ---call 1-800-345-2465...press 1 for usa 2 for canada then press 1 call is free. call in your petition now!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About