news

Kris Aquino on Willie Revillame's remark: "We accept his apology."

by Erwin Santiago posted on August 11, 2009  STATS: 119076 Views | 1046 Comments

 

"We are not MTRCB. We are not ABS-CBN. We are not KBP. But we are the Aquino family. And for our family, we take Willie's apology for what it is—an apology. And we accept the apology," says Kris Aquino about Wilie Revillame (inset).

Photo By: Noel Orsal

Limang araw pagkatapos mailibing ang mga labi ni dating Pangulong Corazon Aquino ay muling nagbalik sa trabaho ang bunsong anak niya na si Kris Aquino sa SNN (Showbiz News Ngayon) kagabi, Agosto 10.  Ang SNN ang late night showbiz-oriented show ng ABS-CBN na hinu-host ni Kris kasama si Boy Abunda.

Bukod sa pagpapahayag ni Kris ng kanyang saloobin at pagsisiwalat ng kanyang mga susunod na hakbang ngayong wala na ang kanyang pinakamamahal na ina, nagsalita rin ang TV host-actress tungkol sa kapwa niya Kapamilya na si Willie Revillame.

Muli na naman kasing nasa gitna ng kontrobersiya si Willie. Ito ay nag-ugat sa pagpapatanggal niya ng live feed ng procession ng paglilipat ng mga labi ni Pangulong Aquino mula sa La Salle Greenhills patungo sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila, noong Agosto 3.  Marami ang hindi nagkagusto sa paraan ng pagsasabi ni Willie na tanggalin ang live feed ng cortege habang umeere ang hinu-host niyang noontime show na Wowowee. (Click here to read related story.)

Maging ang chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board na si Ms. Consoliza Laguardia ay hindi nagustuhan ang ginawa ni Willie. Ayon sa MTRCB Chair, nilabag ni Willie ang broadcast code of ethics ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at ang Sec. 3 ng Presidential Decree 1986—"being objectionable and contrary to good customs and tradition."

Ilang grupo rin ng mga mamamahayag—National Press Club at Alyansa ng Filipinong Mamahayag (Afima)—ang kumondena sa naging pahayag ni Willie. Samantalang may mga online petition na rin sa Internet upang i-ban ang TV host sa telebisyon. (Click here to read related story.)

Subalit para sa pamilya Aquino, ayon kay Kris, pinapatawad nila si Willie sa ginawa niya.

Narito ang buong pahayag ni Kris sa SNN kagabi tungkol kay Willie:


THE AQUINO FAMILY SPEAKS UP. "First of all, Friday [August 7] ko lang nalaman lahat," simula ni Kris. "Hindi natin alam kung ano ang mga nagaganap, kasi nandun ka sa sitwasyon na 'yon [pagyao ni President Aquino]. Friday, it so happened na mag-aayos kami ng mga gamit ng Mom sa Times [Street, tahanan ng mga Aquino]. So si Ate Ballsy [panganay sa magkakapatid] at Pinky [pangalawa sa pinakamatanda] went to the house.

"So I said... Thursday night [August 6] kasi nakausap ko si Willie. Pero vague, I mean, hindi klaro. So, Friday namin pinanood sabay-sabay sa YouTube [yung statement ni Willie sa Wowowee]... We didn't really get to talk about it much kasi nagpunta na kami ng Times at nag-ayos na kami ng mga things ni Mom.

"But on our way—so this is Friday—Willie asked, 'Puwede ko bang makausap yung mga kapatid mo?' So, kinausap niya si Pinky. Si Pinky yung una niyang nakausap. And then, sinabi ni Willie sa kanya na nagsu-sorry siya talaga. What Pinky said was, 'Alam mo, napanood namin at nakikita naman namin na hindi yung intensiyon ang masama. Yung pamamaraan ng pagsabi no'n ang puwedeng maka-offend sa ilan. Pero Willie, naiintindihan ka namin.'

"Sorry siya nang sorry kay Pinky, and Pinky said, 'As far as I am concerned Willie, it's finished, let's move on. Okay, we accept your apology.'

"Sunday [August 9], nagla-lunch kami, nag-text si Willie and he said, 'Puwede bang makausap ko kayong lahat?' So, feeling ko naman, in our family, si Ate ang dapat makausap niya talaga. So, I gave Ate the phone. Again, Willie explained and said he was sorry.

"TINATANGGAP NAMIN ANG APOLOGY MO." "This is the part I would like to share with everybody," patuloy ni Kris, "I got certain text messages before coming here na kung ide-defend ko daw si Willie, parang binastos ko na ang Mom. Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na Willie can very well defend himself. Pero ito po ang namagitan between him and our family.

"Nung nagsu-sorry si Willie kay Ate, I didn't even know this, Boy... Sinabi ni Ate sa kanya, 'Alam mo Willie, nung time na nagkaroon ng problema yung puso mo, we were here—in Ate's house dun sa lanai—kakakain namin ng dinner, naka-on yung TV sa TV Patrol. Niyayaya na namin si Mom na pumasok sa kuwarto kasi time na para mag-rosaryo.' Kasi every night, sabay-sabay silang nagpe-pray. And then Mom said, 'Wait, I want to know kung kumusta si Willie.' And then, Ate told Willie, 'Alam mo, Mom really loved you. She really appreciated the fact na ang bait mo sa mga anak ni Kris.' And sinabi ni Ate sa kanya, 'Willie, as far is our family is concerned, nag-sorry ka na, tinatanggap namin ang apology mo.'

"We are not MTRCB. We are not ABS-CBN. We are not KBP. But we are the Aquino family. And for our family, we take Willie's apology for what it is—an apology. And we accept the apology.

"Wala po sa kamay namin ang mangyayari in the future. Pero I can speak on behalf of myself, my sisters, and my brother, we accept his apology."

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1046 Comments

  • 446  kapamilyangigorot81

    08/11/2009 | 09:47 AM
    Willie and Joey de Leon pareho lang sila.... kung sinasabi ng marami na di magandang example si Willie sa kabataan, tingin nyo si Joey good example? joey was accused of being a rapist and pareho rin ni Willie na walang modo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 445  younisoman

    08/11/2009 | 09:47 AM
    magisip kasi muna si Willie next time pag magbibitiw ng salita siguro naman matututo na siya ng leksyon niyan,tutal napatawad ka na naman ng pamilya Aquino ewan ko na lang sa taong bayan na nakapanood just move on and pray...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 444  pepperland

    08/11/2009 | 09:46 AM
    Lessons learned here, especially for Willie. Sikat na sya... super... and his every action is being watched. So he should think over sa bakasyon nyang ito. Move na mga kapatid. Nag sorry na si Willie and the Aquinos accepted it. Dapat tayo rin mag move on na. End of story na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 443  BopolEngot

    08/11/2009 | 09:46 AM
    tama na sobra na palitan na - cory
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 442  caljam

    08/11/2009 | 09:45 AM
    vdp:
    I agree - in a noontime show, you should entertain viewers instead of using the show for ego tripping - the same goes to Joey, do not use anyone to promote his show, Willie-bashing is part of his ego tripping!

    Kung tingin niya eh wala namang nanonood sa WWW, why does he care so much na maging bad influence sa mga nanonood? di ba he claims na taob sa rating dahil wala namang nanonood?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 441  leetzeyen

    08/11/2009 | 09:45 AM
    mga engot din pala ang iba dito....
    syempre naman may pipila kung may pa premyo....
    bakit wala bang pa premyo sa eat bulaga
    syempre mayron din......
    ang kaso mas may marami pa ring viewers
    ang wowowee....pinalaki nyo lang ang isyu dahil sa kapalpakang ginawa ni willie.....
    mag move nalang at gamitin nyo remote control nyo kung anong gustong channel ang panoorin nyo.......
    nasa atin naman yan kung anong gustong panoorin........kahit wala ng willie sa wowowee dami pa ring viewers ang dos
    sus ko sa dami kong friendster friends na puro TFC subscribers ganon din react nila na naiinis sila kay willie
    ganon din ako but it doesnt mean na di na kami manood ng wowowee
    malaki lang ang galit nyo sa wowowee
    di wag kayong manood.....wala namang nagpilit sa inyo kayo lang naman
    ginawa nyo lang big deal dahil sa kapalpakang ginawa ni willie.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 440  BopolEngot

    08/11/2009 | 09:44 AM
    pep poll results

    981 votes

    79 percent negative
    21 percent positive for willy

    lahat ba yang negative sawsaw lols
    kahit itrend nyo yan baka abutin nyan 10 percent lang ang pabor kay willie

    mulat nyo mata nyo
    linisin ang tenga
    suminga

    totoong buhay to hindi showbiz
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 439  devoted_kapuso

    08/11/2009 | 09:44 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 438  devoted_kapuso

    08/11/2009 | 09:44 AM
    korek wala sa mga aquino kung san pupunta ang career mo willie maraming tao ang bumabatikos sau,,,lets wait and see kung anong kalalabasan ng lahat ng pagmamalabis ng isang willie .
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 437  pepperland

    08/11/2009 | 09:43 AM
    Lessons learned here, especially for Willie. Sikat na sya... super... and his every action is being watched. So he should think over sa bakasyon nyang ito. Move na mga kapatid. Nag sorry na si Willie and the Aquinos accepted it. Dapat tayo rin mag move on na. End of story na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 436  vdp

    08/11/2009 | 09:43 AM
    In this article it was mentioned how Tita Cory cares for him. Pero ano ang iginanti nya sa paglisan, ang hwag ipakita ang video pagdaan ni Tita Cory. Hind naman nakakaabala yon sa show nila, kasi inaabangan namin. It shows na wala sya utang na loob sa kagandahang loob ni Tita Cory sa kanya. Kaya he is suffering the consequences on pagiging wlang utang na llob nya kay Tita Cory.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 435  spicy1

    08/11/2009 | 09:42 AM
    tama na! sobra na! lets all move on!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 434  BopolEngot

    08/11/2009 | 09:40 AM
    nasama ang bible
    mangangamote ang iba pag sinama ang bible... kalimutan nyo na...

    may 10 commandments ang tao
    ang tao may law at rules to follow
    ang tv may law rin na dapat ipatupad

    lahat ng bagay binibigyan ng rules na paglumabag ka, may parusa

    anong school nyo bakit hindi tinuro sa inyo. NO ID nga di ba NO ENTRY
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 433  dadi37

    08/11/2009 | 09:39 AM
    may apology meaning may pagkakamali
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 432  vdp

    08/11/2009 | 09:39 AM
    Yes, pinatawad sya ng Aquino family, but then because of his attitude, he has no right to host a noontime show who should possessed decency in looks, words,..In a nnontime show, you should entertain people instead of using it for your ego tripping.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 431  shelak

    08/11/2009 | 09:39 AM
    pagkalibing kay pres.cory, ang inatupag ng karamihan ng mga pilipino ay ang pag-initan si willie imbes ang pagbabago.haay, gigising ka pa ba,pilipino?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 430  zabeth58

    08/11/2009 | 09:39 AM
    willie knew that he was at fault and asked for apology to the aquino family. in return, they accepted his apology. but it doesn't end here, i think, willie should be given a lesson for his disrespectful actions by the concerned management and authorities. sad to say, willie lacks humility and respect. he became swell headed and arrogant amidst the success and vast fortune he had. as a fellow christian, i have my unsolicited advise for willie, just be humble and be sensitive about the feelings of others. it is important for a tv host like you to be a good model to all especially the youth.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 429  shelley_18

    08/11/2009 | 09:36 AM
    kanya-kanyang point of view lang yan... ako, i base my comments sa nakikita kong inaasta ni willie.

    bastos, arogante, walang modo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 428  BopolEngot

    08/11/2009 | 09:35 AM
    kailangan may parusa
    para hindi gawin kahit ni vic at joey ang ginawa ni willie

    malas nyo lang kasi hindi na mgagawa ni vic at joey yon kay cory
    si macapagal naman related kay joey
    si erap kaibigan nina vic si ramos walang kinalaman sa eat bulaga

    kaya malas nyo sa host nyo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 427  agassi

    08/11/2009 | 09:33 AM
    sobra naman maka pag condemn ang mga tao dito... kung ang aquino naka pag patawad tayo pa kaya... Kung si Cory buhay at kay ninoy nangyari yung malamang ganun din ang sasabihin ni cory apologies accepted... Yung iba dito sawsaw nalang sa issue kasi galit sila lay willie... grow up people... the bible say for give your brother not 7 times but 77 times... meaning paulit ulit mo syang i forgive...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About