news

Kris Aquino on Willie Revillame's remark: "We accept his apology."

by Erwin Santiago posted on August 11, 2009  STATS: 119091 Views | 1046 Comments

 

"We are not MTRCB. We are not ABS-CBN. We are not KBP. But we are the Aquino family. And for our family, we take Willie's apology for what it is—an apology. And we accept the apology," says Kris Aquino about Wilie Revillame (inset).

Photo By: Noel Orsal

Limang araw pagkatapos mailibing ang mga labi ni dating Pangulong Corazon Aquino ay muling nagbalik sa trabaho ang bunsong anak niya na si Kris Aquino sa SNN (Showbiz News Ngayon) kagabi, Agosto 10.  Ang SNN ang late night showbiz-oriented show ng ABS-CBN na hinu-host ni Kris kasama si Boy Abunda.

Bukod sa pagpapahayag ni Kris ng kanyang saloobin at pagsisiwalat ng kanyang mga susunod na hakbang ngayong wala na ang kanyang pinakamamahal na ina, nagsalita rin ang TV host-actress tungkol sa kapwa niya Kapamilya na si Willie Revillame.

Muli na naman kasing nasa gitna ng kontrobersiya si Willie. Ito ay nag-ugat sa pagpapatanggal niya ng live feed ng procession ng paglilipat ng mga labi ni Pangulong Aquino mula sa La Salle Greenhills patungo sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila, noong Agosto 3.  Marami ang hindi nagkagusto sa paraan ng pagsasabi ni Willie na tanggalin ang live feed ng cortege habang umeere ang hinu-host niyang noontime show na Wowowee. (Click here to read related story.)

Maging ang chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board na si Ms. Consoliza Laguardia ay hindi nagustuhan ang ginawa ni Willie. Ayon sa MTRCB Chair, nilabag ni Willie ang broadcast code of ethics ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at ang Sec. 3 ng Presidential Decree 1986—"being objectionable and contrary to good customs and tradition."

Ilang grupo rin ng mga mamamahayag—National Press Club at Alyansa ng Filipinong Mamahayag (Afima)—ang kumondena sa naging pahayag ni Willie. Samantalang may mga online petition na rin sa Internet upang i-ban ang TV host sa telebisyon. (Click here to read related story.)

Subalit para sa pamilya Aquino, ayon kay Kris, pinapatawad nila si Willie sa ginawa niya.

Narito ang buong pahayag ni Kris sa SNN kagabi tungkol kay Willie:


THE AQUINO FAMILY SPEAKS UP. "First of all, Friday [August 7] ko lang nalaman lahat," simula ni Kris. "Hindi natin alam kung ano ang mga nagaganap, kasi nandun ka sa sitwasyon na 'yon [pagyao ni President Aquino]. Friday, it so happened na mag-aayos kami ng mga gamit ng Mom sa Times [Street, tahanan ng mga Aquino]. So si Ate Ballsy [panganay sa magkakapatid] at Pinky [pangalawa sa pinakamatanda] went to the house.

"So I said... Thursday night [August 6] kasi nakausap ko si Willie. Pero vague, I mean, hindi klaro. So, Friday namin pinanood sabay-sabay sa YouTube [yung statement ni Willie sa Wowowee]... We didn't really get to talk about it much kasi nagpunta na kami ng Times at nag-ayos na kami ng mga things ni Mom.

"But on our way—so this is Friday—Willie asked, 'Puwede ko bang makausap yung mga kapatid mo?' So, kinausap niya si Pinky. Si Pinky yung una niyang nakausap. And then, sinabi ni Willie sa kanya na nagsu-sorry siya talaga. What Pinky said was, 'Alam mo, napanood namin at nakikita naman namin na hindi yung intensiyon ang masama. Yung pamamaraan ng pagsabi no'n ang puwedeng maka-offend sa ilan. Pero Willie, naiintindihan ka namin.'

"Sorry siya nang sorry kay Pinky, and Pinky said, 'As far as I am concerned Willie, it's finished, let's move on. Okay, we accept your apology.'

"Sunday [August 9], nagla-lunch kami, nag-text si Willie and he said, 'Puwede bang makausap ko kayong lahat?' So, feeling ko naman, in our family, si Ate ang dapat makausap niya talaga. So, I gave Ate the phone. Again, Willie explained and said he was sorry.

"TINATANGGAP NAMIN ANG APOLOGY MO." "This is the part I would like to share with everybody," patuloy ni Kris, "I got certain text messages before coming here na kung ide-defend ko daw si Willie, parang binastos ko na ang Mom. Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na Willie can very well defend himself. Pero ito po ang namagitan between him and our family.

"Nung nagsu-sorry si Willie kay Ate, I didn't even know this, Boy... Sinabi ni Ate sa kanya, 'Alam mo Willie, nung time na nagkaroon ng problema yung puso mo, we were here—in Ate's house dun sa lanai—kakakain namin ng dinner, naka-on yung TV sa TV Patrol. Niyayaya na namin si Mom na pumasok sa kuwarto kasi time na para mag-rosaryo.' Kasi every night, sabay-sabay silang nagpe-pray. And then Mom said, 'Wait, I want to know kung kumusta si Willie.' And then, Ate told Willie, 'Alam mo, Mom really loved you. She really appreciated the fact na ang bait mo sa mga anak ni Kris.' And sinabi ni Ate sa kanya, 'Willie, as far is our family is concerned, nag-sorry ka na, tinatanggap namin ang apology mo.'

"We are not MTRCB. We are not ABS-CBN. We are not KBP. But we are the Aquino family. And for our family, we take Willie's apology for what it is—an apology. And we accept the apology.

"Wala po sa kamay namin ang mangyayari in the future. Pero I can speak on behalf of myself, my sisters, and my brother, we accept his apology."

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1046 Comments

  • 386  packrat14

    08/11/2009 | 09:10 AM
    agree. its not really what you have said but how you said it that offended the people. I believe that the Aquino family sincerely accepted the apology. Sila na nagsabi na napakabait ni Willie sa mga anak ni Kris. Para bastusin ng ganun ni Willie? Nagkamali lang talaga si Willie
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 385  shelley_18

    08/11/2009 | 09:09 AM
    si pres. cory very forgiving. at alam un ng mga anak nya. it's not really proper to hold grudges, especially if someone has already apologized.

    pero sana maging aral na ito kay willie. hindi lahat ng tao pare-pareho. at hindi lahat kaya siyang maintindihan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 384  leetzeyen

    08/11/2009 | 09:09 AM
    kahit ano pang paninira nyo sa wowowee
    dami pa ring pumipila kahit wala si willie.....
    di lang naman si willie ang host ng wowowee....mag isip isip din kayo....
    gusto nyo na sa eat bulaga kami manood
    NO WAY as in NO WAY kesa mukha lang ni tanda ang bubulaga doon....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 383  Gscele22

    08/11/2009 | 09:09 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 382  aysusmaryosep2

    08/11/2009 | 09:09 AM
    it is so funny na yong mga willie bashers actually know kung ano ang nangyayari sa wowowee. Kung ayaw ninyo kay willie...why do you watch him? Bakit ninyo ginagalit ang mga sarili ninyo by watching him? Sino ang sira? siya o kayo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 381  BopolEngot

    08/11/2009 | 09:08 AM
    sana naman matuto si willie sa susunod...

    ilang ulit na, natututo ba?

    dati ang tv malinis ngayon sumobra na dumi. dati may tuksuhan na sa tv
    pero alam ng lahat na tuksong competition lang...

    roderick amy perez vs joey de leon
    anjo yllana vs joey
    rico puno vs joey
    apo vs joey
    etc

    nasan na ngayon mga katuksuhan ni joey
    guest na ng eat bulaga at si anjo host pa ng eat bulaga, si buboy ng apo guest sa nuts E.

    kay willie lang gumulo ang tv.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 380  dadi37

    08/11/2009 | 09:07 AM
    may apology , meaning may pagkakamali sa part ni wil-lie......

    nakaleave pala ang aroganteng si willie...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 379  zhobeezmania

    08/11/2009 | 09:07 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 378  swiper

    08/11/2009 | 09:06 AM
    They accepted his apology but it did not say if they forgave him.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 377  aysusmaryosep2

    08/11/2009 | 09:06 AM
    unicahija, read all the articles so you understand what really happened. Yang sinasabi mo that willie should just have given way....that was what he suggested before all this happened....na i-tape na lang ang show...abs management agreed at first but changed their mind.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 376  dulcinea

    08/11/2009 | 09:05 AM
    dapat kay willie mag-pa-theraphy para sa ANGER MANAGEMENT AT ETHICS.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 375  shelley_18

    08/11/2009 | 09:04 AM
    mabuti na rin un. pagnilay-nilayan nya ang nagawa nya at iwasan ang uminit ang ulo on air.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 374  an2ni

    08/11/2009 | 09:03 AM
    let karma take its toll on wawawi hahaha!

    threat daw si wawawi sa kabila??? established na dun ito puro ewan ang ginagawa!!!!

    gingamit pa ang mga damdamin ng contestant nya para pambenta sa show nya....ano w/ matching senti music at the background ba????

    mag esep esep!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 373  aysusmaryosep2

    08/11/2009 | 09:02 AM
    gscele22, bravo!!! Exactly...yong mga nagpapalaki nito are users and are the real bastos for using a dead person to further their agenda. Aquino family...you can put an end to this. If you let this go on...then you are desecrating the memory of your mother. HINDI SI WILLIE ANG KAAWAY NINYO DITO kundi yong mga gumagamit sa nanay ninyo para magalit ang tao kay willie. This people do not really care sa memory ng pres cory...gusto lang nilang gamitin siya para matumba ang kalaban nila. Aquino family, kulang kayo sa discernment kung di ninyo makita to!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 372  kuletski

    08/11/2009 | 09:02 AM
    Guilting guilty si willie kaya di sya mapakali....as usual apologize na naman....tama ang magpatawad pero for how MANY TIMES BA HA wILLIE EH WALA KA NAMAN KADALAAN EH!! Siguro its time to mend your ways....kahit kunsintihin ka ng mga kapamilya sa pinaggagawa mo....puro ka na lang sorry!! MAGBAGO ka kasi!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 371  unicahija

    08/11/2009 | 09:01 AM
    This just shows Willie's arrogance. Who does he think he is? Naisip ba niya na baka sa mga sandaling yon, si Pres Cory ang gustong panooring ng tao at hindi yung napaka corny niyang game? Siya na lang dapat ang nag off the air. He can do the show everyday, yung kay Pres Cory is history - hindi na mauulit muli. Wala kasing pinag-aralan. Yumaman lang dahil sa ka-plastikang maka-masa siya. Gusto lang naman siya ng tao becasue he gives 5000 masabi lang na gwapo siya. Sa hirap ng buhay, pati magsinungaling, ginagawa nang tao. Sayang din nga naman ang 5000. He needs to be put in his place.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 370  chowee143

    08/11/2009 | 09:01 AM
    dami makitid utak d2 ay sus!!! maliit na bagay wagna palakihin, tama un ung respeto kay tita cory , sa aquino family plsss, wagna gawin santa , kelan ng pinoy food, work at family planning pag mron nkagawa nyan na president , un ang gawing national hero, ssyado nmn kc gnagawang hero ang aquino family ehh, move on philippines!! move on kay willy!!! pra nmn umasenso ang pinas tigilan na sobrang drama... hehehehe opinyon ko lng po
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 369  BopolEngot

    08/11/2009 | 09:01 AM
    quot;We are not MTRCB. We are not ABS-CBN. We are not KBP. But we are the Aquino family. And for our family, we take Willie's apology for what it is—an apology. And we accept the apology.

    ---
    itong statement na ito
    kung marunong tayong umintindi
    eh simple lang naman

    accepted na apology nya pero hindi namin sya maisesave lols
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 368  crzyc4125

    08/11/2009 | 08:59 AM
    hndi rin ako agree s ginawa ni willie.. im not even a fan of his, pero naiintindihan ko nman ung ibig nyang sbhn nung nagsalita sya, pero mali ang pagsasabi nya.. so kung wla silang problema nina willie at aquino family, dapat tapusin n ntin ang gulong 2.. pero sna nman ma22o n si willie not 2 let his emotions get the best of him next tym.. at tungkol kay joey hdni n rin dpat magsalita.. inggit lng kc alam nya si willie ang pinapanood ni president cory nung buhay p sya so kunwari n dinedefend nya si pres.cory.. gus2 lng sumali s issue.. hoy! bulok style mo joey! mahiya n nman s ginagawa mo, matanda ka na! at isa p pareho lng kyo ni willie kung tutuosin kc s ginawa mong paggawa ng poem mas lumaki ang issue at pinakita mo wla k rin respeto kay pres.cory kc ayaw mo patahimikin ang kaluluwa nya.. s tingin ko ayaw ni pres. cory ang gulo n2. gus2 nya peace dba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 367  BopolEngot

    08/11/2009 | 08:59 AM
    malaking threat si willie sa kabila

    lahat ng nakalaban nila threat sa kabila, pero nasan na?

    lahat ng naging threat tinalo ang eat bulaga sa ratings pero nasan na.

    si willie lagi nang nasa hospital
    saka si willie laging palpak

    so paanong malaking threat?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About