news

Kris Aquino on Willie Revillame's remark: "We accept his apology."

by Erwin Santiago posted on August 11, 2009  STATS: 119230 Views | 1046 Comments

 

"We are not MTRCB. We are not ABS-CBN. We are not KBP. But we are the Aquino family. And for our family, we take Willie's apology for what it is—an apology. And we accept the apology," says Kris Aquino about Wilie Revillame (inset).

Photo By: Noel Orsal

Limang araw pagkatapos mailibing ang mga labi ni dating Pangulong Corazon Aquino ay muling nagbalik sa trabaho ang bunsong anak niya na si Kris Aquino sa SNN (Showbiz News Ngayon) kagabi, Agosto 10.  Ang SNN ang late night showbiz-oriented show ng ABS-CBN na hinu-host ni Kris kasama si Boy Abunda.

Bukod sa pagpapahayag ni Kris ng kanyang saloobin at pagsisiwalat ng kanyang mga susunod na hakbang ngayong wala na ang kanyang pinakamamahal na ina, nagsalita rin ang TV host-actress tungkol sa kapwa niya Kapamilya na si Willie Revillame.

Muli na naman kasing nasa gitna ng kontrobersiya si Willie. Ito ay nag-ugat sa pagpapatanggal niya ng live feed ng procession ng paglilipat ng mga labi ni Pangulong Aquino mula sa La Salle Greenhills patungo sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila, noong Agosto 3.  Marami ang hindi nagkagusto sa paraan ng pagsasabi ni Willie na tanggalin ang live feed ng cortege habang umeere ang hinu-host niyang noontime show na Wowowee. (Click here to read related story.)

Maging ang chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board na si Ms. Consoliza Laguardia ay hindi nagustuhan ang ginawa ni Willie. Ayon sa MTRCB Chair, nilabag ni Willie ang broadcast code of ethics ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at ang Sec. 3 ng Presidential Decree 1986—"being objectionable and contrary to good customs and tradition."

Ilang grupo rin ng mga mamamahayag—National Press Club at Alyansa ng Filipinong Mamahayag (Afima)—ang kumondena sa naging pahayag ni Willie. Samantalang may mga online petition na rin sa Internet upang i-ban ang TV host sa telebisyon. (Click here to read related story.)

Subalit para sa pamilya Aquino, ayon kay Kris, pinapatawad nila si Willie sa ginawa niya.

Narito ang buong pahayag ni Kris sa SNN kagabi tungkol kay Willie:


THE AQUINO FAMILY SPEAKS UP. "First of all, Friday [August 7] ko lang nalaman lahat," simula ni Kris. "Hindi natin alam kung ano ang mga nagaganap, kasi nandun ka sa sitwasyon na 'yon [pagyao ni President Aquino]. Friday, it so happened na mag-aayos kami ng mga gamit ng Mom sa Times [Street, tahanan ng mga Aquino]. So si Ate Ballsy [panganay sa magkakapatid] at Pinky [pangalawa sa pinakamatanda] went to the house.

"So I said... Thursday night [August 6] kasi nakausap ko si Willie. Pero vague, I mean, hindi klaro. So, Friday namin pinanood sabay-sabay sa YouTube [yung statement ni Willie sa Wowowee]... We didn't really get to talk about it much kasi nagpunta na kami ng Times at nag-ayos na kami ng mga things ni Mom.

"But on our way—so this is Friday—Willie asked, 'Puwede ko bang makausap yung mga kapatid mo?' So, kinausap niya si Pinky. Si Pinky yung una niyang nakausap. And then, sinabi ni Willie sa kanya na nagsu-sorry siya talaga. What Pinky said was, 'Alam mo, napanood namin at nakikita naman namin na hindi yung intensiyon ang masama. Yung pamamaraan ng pagsabi no'n ang puwedeng maka-offend sa ilan. Pero Willie, naiintindihan ka namin.'

"Sorry siya nang sorry kay Pinky, and Pinky said, 'As far as I am concerned Willie, it's finished, let's move on. Okay, we accept your apology.'

"Sunday [August 9], nagla-lunch kami, nag-text si Willie and he said, 'Puwede bang makausap ko kayong lahat?' So, feeling ko naman, in our family, si Ate ang dapat makausap niya talaga. So, I gave Ate the phone. Again, Willie explained and said he was sorry.

"TINATANGGAP NAMIN ANG APOLOGY MO." "This is the part I would like to share with everybody," patuloy ni Kris, "I got certain text messages before coming here na kung ide-defend ko daw si Willie, parang binastos ko na ang Mom. Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na Willie can very well defend himself. Pero ito po ang namagitan between him and our family.

"Nung nagsu-sorry si Willie kay Ate, I didn't even know this, Boy... Sinabi ni Ate sa kanya, 'Alam mo Willie, nung time na nagkaroon ng problema yung puso mo, we were here—in Ate's house dun sa lanai—kakakain namin ng dinner, naka-on yung TV sa TV Patrol. Niyayaya na namin si Mom na pumasok sa kuwarto kasi time na para mag-rosaryo.' Kasi every night, sabay-sabay silang nagpe-pray. And then Mom said, 'Wait, I want to know kung kumusta si Willie.' And then, Ate told Willie, 'Alam mo, Mom really loved you. She really appreciated the fact na ang bait mo sa mga anak ni Kris.' And sinabi ni Ate sa kanya, 'Willie, as far is our family is concerned, nag-sorry ka na, tinatanggap namin ang apology mo.'

"We are not MTRCB. We are not ABS-CBN. We are not KBP. But we are the Aquino family. And for our family, we take Willie's apology for what it is—an apology. And we accept the apology.

"Wala po sa kamay namin ang mangyayari in the future. Pero I can speak on behalf of myself, my sisters, and my brother, we accept his apology."

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1046 Comments

  • 306  pko322

    08/11/2009 | 08:02 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 305  benson

    08/11/2009 | 08:02 AM
    A rogante B astos S anggano

    C??? B??? N??? esep esep muna hehehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 304  kalila

    08/11/2009 | 08:01 AM
    yung iba OA magreact ha pwde ba tumugil na kayo hindi niyo ikayayaman yan... kung ako sa inyo maghanap nlng kayo ng trbaho,,, para yumaman kayo tulad ni willie or gumawa rin kayo ng tula at makisawsaw.... inggit lang yata si JDL e kc wala syang building like wil....ang yung dating sidekick nya na binabatukbatukan nya mas sikat at mayaman p sa knya....sana hingan din ng reaction ang aquino family regarding JDL's pakikisawsaw....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 303  totoy_15

    08/11/2009 | 08:00 AM
    Unfortuanately, this forum has deteriorated into nothing but gutter-speak , no rational rhyme nor reason to speak of. Getter get out of here now, before I become infected.
    So long kids, live good lives !!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 302  aysusmaryosep2

    08/11/2009 | 08:00 AM
    cont...mas feel niya ang pagkamatay ni pres aquino kaysa kay joey.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 301  aysusmaryosep2

    08/11/2009 | 07:59 AM
    I do not subscribe to TFC..I do not watch any pilipino tv show. Among all the movie stars, I like Vilma Santos the most...kasi yon ang kapanahunan ko. Going back to willie...all i can say is what is there to sorry for. Sorry for what? If you really have good comprehension..you will surely understand that he actually meant well. Siguro hindi siya smooth talker but his intentions were good. Di katulad ng iba..na smooth talker..pero plastik. I've always like Joey and if I had to choose kung sino ang mas may talent..I'd pick him. But in this situation...I believe..maling-mali siya. And as usual...the Filipinos are once again practicing the mob mentality. We are again ganging up on someone na wala namang ginawang masama. What is kabastusan is to continue showing cory's coffin while wowowee's dancers are performing their sexy dance moves. Kung di man pino ang pagkasabi ni Willie...his intentions were good. Between willie and joey...willie was closer to Cory Aquino...meaning mas feel niya ang pagkamatay ni
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 300  chikibabes

    08/11/2009 | 07:58 AM
    sana matutu na willie,,tamang pananlita lang naman talaga,,,eh kasi naman un asta niya talaga sobra,,,pero d na rin cguro makaklimutan ng mga tao na sa last time ni tita cory medyo na bastos sya ni willie..kakalungkot lang poww,,peace
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 299  kalila

    08/11/2009 | 07:58 AM
    yung iba OA magreact ha pwde ba tumugil na kayo hindi niyo ikayayaman yan... kung ako sa inyo maghanap nlng kayo ng trbaho,,, para yumaman kayo tulad ni willie or gumawa rin kayo ng tula at makisawsaw.... inggit lang yata si JDL e kc wala syang building like wil....ang yung dating sidekick nya na binabatukbatukan nya mas sikat at mayaman p sa knya....sana hingan din ng reaction ang aquino family regarding JDL's pakikisawsaw....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 298  totoy_15

    08/11/2009 | 07:55 AM
    274
    kapusol

    It's amazing how twisted your line of reason is. You urge people to forgive Revillame, and in the same breath blast De Leon. I'm no fan of both, mind you, I'm just biased against stupidity whenever I see it, especially when it's being sugarcoated with conciliatory double speak.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 297  kalila

    08/11/2009 | 07:52 AM
    sana si joey de leon tumigil nrin sya ewan ko ba kung bakit pag may issue about willie lage syang may sagot... bakeeettt??? wag nrin nya sana gamitin si cory para tirahin ng todo si willie.... mali rin db? bkait si joey ayaw nila punahin sa pakikisawsaw nya?? nagaapoy pa pinapagapoy pa lalo e... alam ni willie nagkamali sya amp; nakasakit sya kaya nga siya ng leave db? db gsto nya ng reflection.... lets give him a chance.... isipin nlang ntin n marami sya mtutulungan n kababayan ntin tru his show...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 296  rbrosario

    08/11/2009 | 07:51 AM
    I am watching re-run of the Aug 10 SNN where Kris came back after her mother's funeral. I want to see personally Kris' reactions about Willie. Iba kasi ang binabasa keysa sa napapanood, di ba?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 295  zabeth58

    08/11/2009 | 07:51 AM
    i admire kris for being so cool and nice to explain and accept the apology of willie. i believe she tried to conceal her true feelings that she was at all hurt by the arrogance and attitude of willie at that time. since willie asked for apology, he knew for a fact that he was at fault and sorry seems to be the best and easiest word for him to say ...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 294  twozerofive

    08/11/2009 | 07:49 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 293  sharonn

    08/11/2009 | 07:46 AM
    Advise lang kay Willy mag-attend sya ng Anger Management Training Course.Sana Tita Cory will intercede with Willy para maging mapagkumbaba.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 292  kapusol

    08/11/2009 | 07:45 AM
    naku naman ang iba dito sobrang OA na ang ang mga reactions...ang aquino family nga nag patawad na kay willie kayo pa na mga sumawsawsaw lg sa issue mag pakatotoo nga kayo...para naman kayong mga perpekto nyan kung magsalita...ano ba ang akala nyo sa mga sarili nyo diyos mga holy at walang mga kasalanan ano pa ba ang gusto nyong gawin ng taong tanggap na nagkamali sya at humingi ng kapatawaran mag pakamatay para sumaya kayo????wag namang ganyan tao lg tayo na nagkakamali din kaya please lets move on....salamat sa aquino family for having a big heart di tulad ng kapusong joey de leon...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 291  kalila

    08/11/2009 | 07:45 AM
    nakapanood ako ng wowowee 1 time... ang kung ako rin nmn si willie bgla nlng ako mgagalit pag live show kc magaslaw ang mga staffs nya...puro mali...khit super rehearsal sila before the show ang pauli ulit nlng gnun ang eksena....parepareho nmn ang gngwa nila pero mali p rin...well siguro may mali rin sya like pagalitan nya on air...alam ko darating din ang time na magbabago sya ng tuluyan... marami ngmamahal sa knya and natitiwala kaya hangang ngyon hawak p rin nya ang show nya... sa kabila ng lahat....taong bayan p rin ang huhusga kung karapat dapat p sya sa pwesto nya...sya ang lage napapansin kc sikat sya.... sya lage ang binabato dahil mabungga sya... kaya dapat doble ingat kc sikat na sikat sya...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 290  sharonn

    08/11/2009 | 07:44 AM
    At pakiramdam ko rin na itong si Willy kahit marami syang pera eh hindi rin sya masaya sa buhay nya dahil nga walang lovelive. Tingin ko apektado sya na hindi nya maligawan si Lara Quigaman or walang gusto sa kanya si Lara, kaya palaging mainit ang ulo nya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 289  kalila

    08/11/2009 | 07:41 AM
    nakapanood ako ng wowowee 1 time... ang kung ako rin nmn si willie bgla nlng ako mgagalit pag live show kc magaslaw ang mga staffs nya...puro mali...khit super rehearsal sila before the show ang pauli ulit nlng gnun ang eksena....parepareho nmn ang gngwa nila pero mali p rin...well siguro may mali rin sya like pagalitan nya on air...alam ko darating din ang time na magbabago sya ng tuluyan... marami ngmamahal sa knya and natitiwala kaya hangang ngyon hawak p rin nya ang show nya... sa kabila ng lahat....taong bayan p rin ang huhusga kung karapat dapat p sya sa pwesto nya...sya ang lage napapansin kc sikat sya.... sya lage ang binabato dahil mabungga sya... kaya dapat doble ingat kc sikat na sikat sya...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 288  dakilangina

    08/11/2009 | 07:41 AM
    okey napatawad na ng aquino family si willie, pero the mere fact na bastos talaga pagkasabi niya, yun ang point dito, kaya tama lang nag leave ka willie, para maanalyze mo sa sarili mo na next time wag masyado arrogante kasi mas maraming viewers and hindi lahat ng viewers tanggap ugali mo. Fine, maganda na nagiging honest ka but mas maganda kung ang pagiging honest is in a different way di ba?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 287  sharonn

    08/11/2009 | 07:41 AM
    Well knowing Tita Cory, I'm sure pinatawad na din nya si Tita Cory. Let's move one. As long as alam na ni Willy na nagkamali sya, iyong manner na pag-kakasabi nya, at sana ngayong on vacation sya eh makapag-isip isip cya. Ang sa akin tinitingnan ko na lang iyong aspeto na maraming natutulungan ang show nya. Na may capacity sya na like mag-sabi kay Villar na mag-bigay ng bahay para sa ilang mga OFW, at iba pang bagay. At iyong mga nakikisawsaw like Joey De Leon, alam ko naman na may personal kang galit kay Willy kaya pati si Tita Cory eh ginagamit mo pa. Ikaw rin mag-tino ka na rin.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About