Limang araw pagkatapos mailibing ang mga labi ni dating Pangulong Corazon Aquino ay muling nagbalik sa trabaho ang bunsong anak niya na si Kris Aquino sa SNN (Showbiz News Ngayon) kagabi, Agosto 10. Ang SNN ang late night showbiz-oriented show ng ABS-CBN na hinu-host ni Kris kasama si Boy Abunda.
Bukod sa pagpapahayag ni Kris ng kanyang saloobin at pagsisiwalat ng kanyang mga susunod na hakbang ngayong wala na ang kanyang pinakamamahal na ina, nagsalita rin ang TV host-actress tungkol sa kapwa niya Kapamilya na si Willie Revillame.
Muli na naman kasing nasa gitna ng kontrobersiya si Willie. Ito ay nag-ugat sa pagpapatanggal niya ng live feed ng procession ng paglilipat ng mga labi ni Pangulong Aquino mula sa La Salle Greenhills patungo sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila, noong Agosto 3. Marami ang hindi nagkagusto sa paraan ng pagsasabi ni Willie na tanggalin ang live feed ng cortege habang umeere ang hinu-host niyang noontime show na Wowowee. (Click here to read related story.)
Maging ang chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board na si Ms. Consoliza Laguardia ay hindi nagustuhan ang ginawa ni Willie. Ayon sa MTRCB Chair, nilabag ni Willie ang broadcast code of ethics ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at ang Sec. 3 ng Presidential Decree 1986—"being objectionable and contrary to good customs and tradition."
Ilang grupo rin ng mga mamamahayag—National Press Club at Alyansa ng Filipinong Mamahayag (Afima)—ang kumondena sa naging pahayag ni Willie. Samantalang may mga online petition na rin sa Internet upang i-ban ang TV host sa telebisyon. (Click here to read related story.)
Subalit para sa pamilya Aquino, ayon kay Kris, pinapatawad nila si Willie sa ginawa niya.
Narito ang buong pahayag ni Kris sa SNN kagabi tungkol kay Willie:
THE AQUINO FAMILY SPEAKS UP. "First of all, Friday [August 7] ko lang nalaman lahat," simula ni Kris. "Hindi natin alam kung ano ang mga nagaganap, kasi nandun ka sa sitwasyon na 'yon [pagyao ni President Aquino]. Friday, it so happened na mag-aayos kami ng mga gamit ng Mom sa Times [Street, tahanan ng mga Aquino]. So si Ate Ballsy [panganay sa magkakapatid] at Pinky [pangalawa sa pinakamatanda] went to the house.
"So I said... Thursday night [August 6] kasi nakausap ko si Willie. Pero vague, I mean, hindi klaro. So, Friday namin pinanood sabay-sabay sa YouTube [yung statement ni Willie sa Wowowee]... We didn't really get to talk about it much kasi nagpunta na kami ng Times at nag-ayos na kami ng mga things ni Mom.
"But on our way—so this is Friday—Willie asked, 'Puwede ko bang makausap yung mga kapatid mo?' So, kinausap niya si Pinky. Si Pinky yung una niyang nakausap. And then, sinabi ni Willie sa kanya na nagsu-sorry siya talaga. What Pinky said was, 'Alam mo, napanood namin at nakikita naman namin na hindi yung intensiyon ang masama. Yung pamamaraan ng pagsabi no'n ang puwedeng maka-offend sa ilan. Pero Willie, naiintindihan ka namin.'
"Sorry siya nang sorry kay Pinky, and Pinky said, 'As far as I am concerned Willie, it's finished, let's move on. Okay, we accept your apology.'
"Sunday [August 9], nagla-lunch kami, nag-text si Willie and he said, 'Puwede bang makausap ko kayong lahat?' So, feeling ko naman, in our family, si Ate ang dapat makausap niya talaga. So, I gave Ate the phone. Again, Willie explained and said he was sorry.
"TINATANGGAP NAMIN ANG APOLOGY MO." "This is the part I would like to share with everybody," patuloy ni Kris, "I got certain text messages before coming here na kung ide-defend ko daw si Willie, parang binastos ko na ang Mom. Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na Willie can very well defend himself. Pero ito po ang namagitan between him and our family.
"Nung nagsu-sorry si Willie kay Ate, I didn't even know this, Boy... Sinabi ni Ate sa kanya, 'Alam mo Willie, nung time na nagkaroon ng problema yung puso mo, we were here—in Ate's house dun sa lanai—kakakain namin ng dinner, naka-on yung TV sa TV Patrol. Niyayaya na namin si Mom na pumasok sa kuwarto kasi time na para mag-rosaryo.' Kasi every night, sabay-sabay silang nagpe-pray. And then Mom said, 'Wait, I want to know kung kumusta si Willie.' And then, Ate told Willie, 'Alam mo, Mom really loved you. She really appreciated the fact na ang bait mo sa mga anak ni Kris.' And sinabi ni Ate sa kanya, 'Willie, as far is our family is concerned, nag-sorry ka na, tinatanggap namin ang apology mo.'
"We are not MTRCB. We are not ABS-CBN. We are not KBP. But we are the Aquino family. And for our family, we take Willie's apology for what it is—an apology. And we accept the apology.
"Wala po sa kamay namin ang mangyayari in the future. Pero I can speak on behalf of myself, my sisters, and my brother, we accept his apology."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
246 pinaysausa
245 dawhoyouare
244 182395
Ang saya pa rin ng Wowowee kahapon ... kudos sa mga girlalu na hosts.
243 aviatior
hindi komut marami ang nagsabi na hindi masipa sipa si willie e totoo na yun...uulitin ko...suspension lang ang binibigay ng mtrcb sa mga kaso ni willie...kumbaga sa judge...imbes na hatulan yan ng death penalty...1 month suspension lang baka nga may pyansa pa...sana ma gets...
what we can do is not watch his program...ganun lang naman yun...diba kapag walang nanunuod sinisibak...e di ganun ang gawin...
dun sa isa mo pang sinabi...babala lang ang binibigay ng mtrcb...warning...alam naman natin ang warning...warning lang...
242 182395
Mas excited ako ngayon sa reaction ni Kris sa mga drama ni sawsaw JDL.
241 aviatior
kasalanan din ng mtrcb at suspension lang ang kayang ihatol k willie...kahit sa skul..pag suspended ibig sabihin mawawala..pero babalik...iba ang suspension sa dismissal...which is ang dapat nating abangang hatol ng mtrcb k willie
at totoo...hindi nila matanggal si willie...bakit nga naman lakas kumita...e suspension lang naman lagi ang pinapagawa ng mtrcb
240 change4abetter
Peace all!
239 simplycez
238 simplycez
237 caramiel
236 pinoyako24
ilang beses na-suspend si willie pero nakakabalik pa rin siya... gaya ng mga ibang tao dito gusto ko rin masibak sa abs-cbn si willie sa mga pinaggagawa niya pero hindi gagawin ng abs-cbn yan kasi yan ang panlaban nila sa Eat Bulaga at malaking pera ang naibibigay ni Willie Revillame sa kanila.
235 totoy_15
234 pinoyako24
ilang beses na-suspend si willie pero nakakabalik pa rin siya... gaya ng mga ibang tao dito gusto ko rin masibak sa abs-cbn si willie sa mga pinaggagawa niya pero hindi gagawin ng abs-cbn yan kasi yan ang panlaban nila sa Eat Bulaga at malaking pera ang naibibigay ni Willie Revillame sa kanila.
233 aviatior
hindi kailangang masunod ang feelings mo...hindi komut iba ang feeling mo k kris e hindi na sya nag papakatotoo...get real...hindi kayo close
232 ahnn0709
231 daffodils87
230 aviatior
masyado mo sila minamaliit...dinamay mo pa si BRO...alam kong si BRO ang sinasabi mo dahil naka all caps ka pa...bakit mo naman nasabing di kayang sipain si willie...ilang beses na nga yang na suspend diba...iba kasi ngayon masyadong malaki...kaya tingnan natin...depende din yan kung sasali ang mtrcb at kbp
229 lali_28
228 jeralds21
but how about marcoses apology?
you know kris, magpakatotoo ka. hindi makaka-move on ang mga taong may itinatagong sakit ng kalooban. Be true to yourself.
yun lang. with all pa naman ng mga kapamilya stars, ikaw ang pinakagusto ko. more than sharon. more than maricel.
227 change4abetter
The very important thing is The AQUINO family accepted Willie apology!!!
Why still make it a big issue if just a plain misunderstanding?
TFC Subscriber
more comments