news

Kris Aquino on Willie Revillame's remark: "We accept his apology."

by Erwin Santiago posted on August 11, 2009  STATS: 119060 Views | 1046 Comments

 

"We are not MTRCB. We are not ABS-CBN. We are not KBP. But we are the Aquino family. And for our family, we take Willie's apology for what it is—an apology. And we accept the apology," says Kris Aquino about Wilie Revillame (inset).

Photo By: Noel Orsal

Limang araw pagkatapos mailibing ang mga labi ni dating Pangulong Corazon Aquino ay muling nagbalik sa trabaho ang bunsong anak niya na si Kris Aquino sa SNN (Showbiz News Ngayon) kagabi, Agosto 10.  Ang SNN ang late night showbiz-oriented show ng ABS-CBN na hinu-host ni Kris kasama si Boy Abunda.

Bukod sa pagpapahayag ni Kris ng kanyang saloobin at pagsisiwalat ng kanyang mga susunod na hakbang ngayong wala na ang kanyang pinakamamahal na ina, nagsalita rin ang TV host-actress tungkol sa kapwa niya Kapamilya na si Willie Revillame.

Muli na naman kasing nasa gitna ng kontrobersiya si Willie. Ito ay nag-ugat sa pagpapatanggal niya ng live feed ng procession ng paglilipat ng mga labi ni Pangulong Aquino mula sa La Salle Greenhills patungo sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila, noong Agosto 3.  Marami ang hindi nagkagusto sa paraan ng pagsasabi ni Willie na tanggalin ang live feed ng cortege habang umeere ang hinu-host niyang noontime show na Wowowee. (Click here to read related story.)

Maging ang chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board na si Ms. Consoliza Laguardia ay hindi nagustuhan ang ginawa ni Willie. Ayon sa MTRCB Chair, nilabag ni Willie ang broadcast code of ethics ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at ang Sec. 3 ng Presidential Decree 1986—"being objectionable and contrary to good customs and tradition."

Ilang grupo rin ng mga mamamahayag—National Press Club at Alyansa ng Filipinong Mamahayag (Afima)—ang kumondena sa naging pahayag ni Willie. Samantalang may mga online petition na rin sa Internet upang i-ban ang TV host sa telebisyon. (Click here to read related story.)

Subalit para sa pamilya Aquino, ayon kay Kris, pinapatawad nila si Willie sa ginawa niya.

Narito ang buong pahayag ni Kris sa SNN kagabi tungkol kay Willie:


THE AQUINO FAMILY SPEAKS UP. "First of all, Friday [August 7] ko lang nalaman lahat," simula ni Kris. "Hindi natin alam kung ano ang mga nagaganap, kasi nandun ka sa sitwasyon na 'yon [pagyao ni President Aquino]. Friday, it so happened na mag-aayos kami ng mga gamit ng Mom sa Times [Street, tahanan ng mga Aquino]. So si Ate Ballsy [panganay sa magkakapatid] at Pinky [pangalawa sa pinakamatanda] went to the house.

"So I said... Thursday night [August 6] kasi nakausap ko si Willie. Pero vague, I mean, hindi klaro. So, Friday namin pinanood sabay-sabay sa YouTube [yung statement ni Willie sa Wowowee]... We didn't really get to talk about it much kasi nagpunta na kami ng Times at nag-ayos na kami ng mga things ni Mom.

"But on our way—so this is Friday—Willie asked, 'Puwede ko bang makausap yung mga kapatid mo?' So, kinausap niya si Pinky. Si Pinky yung una niyang nakausap. And then, sinabi ni Willie sa kanya na nagsu-sorry siya talaga. What Pinky said was, 'Alam mo, napanood namin at nakikita naman namin na hindi yung intensiyon ang masama. Yung pamamaraan ng pagsabi no'n ang puwedeng maka-offend sa ilan. Pero Willie, naiintindihan ka namin.'

"Sorry siya nang sorry kay Pinky, and Pinky said, 'As far as I am concerned Willie, it's finished, let's move on. Okay, we accept your apology.'

"Sunday [August 9], nagla-lunch kami, nag-text si Willie and he said, 'Puwede bang makausap ko kayong lahat?' So, feeling ko naman, in our family, si Ate ang dapat makausap niya talaga. So, I gave Ate the phone. Again, Willie explained and said he was sorry.

"TINATANGGAP NAMIN ANG APOLOGY MO." "This is the part I would like to share with everybody," patuloy ni Kris, "I got certain text messages before coming here na kung ide-defend ko daw si Willie, parang binastos ko na ang Mom. Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na Willie can very well defend himself. Pero ito po ang namagitan between him and our family.

"Nung nagsu-sorry si Willie kay Ate, I didn't even know this, Boy... Sinabi ni Ate sa kanya, 'Alam mo Willie, nung time na nagkaroon ng problema yung puso mo, we were here—in Ate's house dun sa lanai—kakakain namin ng dinner, naka-on yung TV sa TV Patrol. Niyayaya na namin si Mom na pumasok sa kuwarto kasi time na para mag-rosaryo.' Kasi every night, sabay-sabay silang nagpe-pray. And then Mom said, 'Wait, I want to know kung kumusta si Willie.' And then, Ate told Willie, 'Alam mo, Mom really loved you. She really appreciated the fact na ang bait mo sa mga anak ni Kris.' And sinabi ni Ate sa kanya, 'Willie, as far is our family is concerned, nag-sorry ka na, tinatanggap namin ang apology mo.'

"We are not MTRCB. We are not ABS-CBN. We are not KBP. But we are the Aquino family. And for our family, we take Willie's apology for what it is—an apology. And we accept the apology.

"Wala po sa kamay namin ang mangyayari in the future. Pero I can speak on behalf of myself, my sisters, and my brother, we accept his apology."

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1046 Comments

  • 966  rosabellz2008

    08/12/2009 | 11:26 PM
    sana makita nag management ng abs na ayaw na ng mga tao kay pareng willi. iba nalang ilagaya sa wowowie. yong hindi hambog at bastos. yong walang hangin sa ulo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 965  kaynan

    08/12/2009 | 11:04 PM
    TO ALL ABS CBN EXEC.WALA BA KAYO PAKIRAMDAM,GUSTO NA NG MGA TAO MAWALA SI WILLIE SA INYO.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 964  kaynan

    08/12/2009 | 11:02 PM
    APOLOGY ACCEPTED BUT NOT FORGIVEN.TAMA KA DYAN!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 963  winterfire

    08/12/2009 | 10:57 PM
    peppeestar..hindi mahalaga sa akin ang pagkatao ni willie noh..kung matanggal sya or not..

    ang punto ko, pinaglalaban ko ang tamang kaisipan sa insedente.. hindi mali ang suplahin ang isang footage na may nagsasayaw at may kabaong...whether he sounds stupid para sa inyo.. kasi yon talaga ang nararapat.

    huwag mo akong ihalintulad sa punto mo na kapareho nila...isa ka pa..dagdag sa kanilang baluktot na pagiisip. hahahaha
    sige, magsayaw ka ron ng itaktakmo sa gilid ng kabaong ng mga mahal mo sa buhay.
    hahahahaha..huwag ka mag-aalala. hindi ka nila susuplahin..

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 962  peppeestar

    08/12/2009 | 10:55 PM
    hoyyyy winterfire!!!ang EATBULAGA 30yrssssssssssssssssssssss na!!!FYI..baka d mo alam...at for 30yrsssssssssssssssssss...hindi cla nang uuto ng tao at humihingi ng pera sa ibang bansa para itulong sa mga tao...eh ung ASO mo!!!magaling mang uto at mag DRAMA!!!kaya nauuto nya at pneperahan ang taga TFC..CORRUPT!!un ang aso mo...at kunware binibigay sa mga poor..binili pala ng yacht at dalawa pa!!!ang galing talaga na ASO MO!!!KTA MO LAGI XANG KINAKARMA!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 961  peppeestar

    08/12/2009 | 10:41 PM
    hoy winterfire dont worry i am soooo sure babalik ang idol mo!!hello!!??ang taas taas kaya ng kapit non..VP lng naman ng pilipinas..kita mo sobra ka yabangan ng aso mo..feeling feelingan na talaga yan ang aso mo..kala mo may ari ng network..KAWAWA TALAGA ANG ABS-CBN..ung ASO lng talaga nagpapasama sa kanila..hayyyy mag ddrama nanaman yan ang aso pag bumalik na..kaya huwag kana malungkot winterfire..babalik ung pet aso mo..bwahahahahahahahahahahaha :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 960  betterbe8774

    08/12/2009 | 10:40 PM
    meridithlopez.. kris said,the aquino accepted the apology,but she didn't say they,forgiven him! Naiintindihan mo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 959  meridithlopez

    08/12/2009 | 10:09 PM
    Mabuti pa sila Kris napatawad si Willie pero yung iba dyan akala mo kung sino manghusaga. ito naman si Joey ginamit pa talaga si pres. Cory para makacompose ng tula laban kay Willie.grabe...sana masaya ka na Joey at nakaganti kana naman kay Willie. Hayy naku ang naidudulot nga naman ng matinding INGGIT sa isang tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 958  kaynan

    08/12/2009 | 10:06 PM
    WILLIE YOURE SUCH A LOSER!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 957  kaynan

    08/12/2009 | 10:04 PM
    RESPECT EACH OTHERS COMMENT.PEACE
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 956  winterfire

    08/12/2009 | 09:51 PM
    emongski27.. ikaw na mag boycott.

    isa ka pang fallcious ang pananaw.. Alam mo ba anong Fallacy of reasoning yan? bwahahha

    mag research ka huh? Mag-aral ka ulit ng maayos para umayos ang pananaw mo sa buhay...

    Nasa inyo na nga ang kulang ng pagkakaintindi sa sitwasyon. So sige, sumama ka sa kanila, sumayaw sa gilid ng KABAONG.

    hahahahahahaa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 955  winterfire

    08/12/2009 | 09:46 PM
    nardong putik, kung noon pa hindi mo gusto si Willie kasi bastos.., ay hindi mo pwede ipasok ang rason doon sa pagpapatigil sa sumasayaw at may kabaong.. kasi ang tawag nya sa maling pagrarason ay..

    FALLACY OF CONVERSE ACCIDENT.

    Mag-aral ka ng Fallcy Nardo para tumuwid sa takbo ng mga basehan mo sa buhay huh?...



    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 954  emongski27

    08/12/2009 | 09:45 PM
    THERE IS NOTHING WE CAN DO NOW THAT THE AQUINO FAMILY HAS FORGIVEN WILLIE. THE ONLY OPTION THAT IS LEFT FOR US NOW IS THIS..LET US STOP PATRONIZING ALL THE PRODUCTS THAT WILLIE AND HIS SHOW ARE ENDORSING TO SHOW ARE DISGUST TO THAT ILL MANNERED SPECIE OTHERWISE ALL OF THESE EFFORT WERE EXERTING WILL BE TAKEN FOR GRANTED...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 953  winterfire

    08/12/2009 | 09:31 PM
    limmemmy ito magandang example huh,
    kunyari namatay mama mo. Sumayaw si nardong putik at chismwosa sa tabi ng kabaong ng mama mo sa tugtog ng ITAKTAK MO.

    Then sinuway ni winterfire sila. pinatigil.... sino ang bastos ngayon?...

    kung si winterfire ang bastos sa example sa tingin mo..baliktad nga utak mo. hahahahhaa sige sumayaw ka narin ng itaktak mo hanggang sa paglibing.

    hahahaha

    Kung bastos

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 952  winterfire

    08/12/2009 | 09:24 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 951  winterfire

    08/12/2009 | 09:20 PM
    chismwosa..see that is an example of personal bases. mas na cheapan ako sa iyo na hindi makuha kung alin ang tamang pag-aasal.

    Sumama ksa kanila na sumayaw sa tabi kabaong habang mama mo or papa mo ang namatay..Huwag mong pigilan huh?

    Yan ang ka cheapan na utak meron ka.. hahahahaha

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 950  limmemmy

    08/12/2009 | 09:09 PM
    correct ka dyan WANAWA paulit ulit din naman ginagawa ni wacky willy e,alam mo ba SAKIT NANIYA UN na wala ng kagalingan,,,masama ang asal bastos
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 949  limmemmy

    08/12/2009 | 09:06 PM
    hey mga kabayan wagkayung padala sa kagagawan ni wacky willy,kita niyo pati kayu nagaaway-away ng dahil sa kabastusan ng taong yan,BAKLA yang yang pinagtatangol niyo kala niyo ba,,,ang daldal e,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 948  chismwosa

    08/12/2009 | 08:24 PM
    winterfire kadiri ka ang cheap mo hahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 947  winterfire

    08/12/2009 | 08:21 PM
    ay inyong ipinaglalaban sa isang maling basehan na pagkatao ang nakikita..hindi ang tamang Values.

    Kung sa kabuuan ay hindi matino si Willie, well,t hat is out of the context at issue, at lahat may ugalign di matino. HINDI PAGKATAO ang labanan dito, kundi ang TAMANG KAUGALIAN na naaayon sa insedenteng nangyari. hmmppp.. kung bastos man yon, kayo na ang sumayaw na may kabaong at huwag suplahin. Gawin nyo yan sa kapuso nyo sa bahay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About