news

Kris Aquino on Willie Revillame's remark: "We accept his apology."

by Erwin Santiago posted on August 11, 2009  STATS: 119086 Views | 1046 Comments

 

"We are not MTRCB. We are not ABS-CBN. We are not KBP. But we are the Aquino family. And for our family, we take Willie's apology for what it is—an apology. And we accept the apology," says Kris Aquino about Wilie Revillame (inset).

Photo By: Noel Orsal

Limang araw pagkatapos mailibing ang mga labi ni dating Pangulong Corazon Aquino ay muling nagbalik sa trabaho ang bunsong anak niya na si Kris Aquino sa SNN (Showbiz News Ngayon) kagabi, Agosto 10.  Ang SNN ang late night showbiz-oriented show ng ABS-CBN na hinu-host ni Kris kasama si Boy Abunda.

Bukod sa pagpapahayag ni Kris ng kanyang saloobin at pagsisiwalat ng kanyang mga susunod na hakbang ngayong wala na ang kanyang pinakamamahal na ina, nagsalita rin ang TV host-actress tungkol sa kapwa niya Kapamilya na si Willie Revillame.

Muli na naman kasing nasa gitna ng kontrobersiya si Willie. Ito ay nag-ugat sa pagpapatanggal niya ng live feed ng procession ng paglilipat ng mga labi ni Pangulong Aquino mula sa La Salle Greenhills patungo sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila, noong Agosto 3.  Marami ang hindi nagkagusto sa paraan ng pagsasabi ni Willie na tanggalin ang live feed ng cortege habang umeere ang hinu-host niyang noontime show na Wowowee. (Click here to read related story.)

Maging ang chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board na si Ms. Consoliza Laguardia ay hindi nagustuhan ang ginawa ni Willie. Ayon sa MTRCB Chair, nilabag ni Willie ang broadcast code of ethics ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at ang Sec. 3 ng Presidential Decree 1986—"being objectionable and contrary to good customs and tradition."

Ilang grupo rin ng mga mamamahayag—National Press Club at Alyansa ng Filipinong Mamahayag (Afima)—ang kumondena sa naging pahayag ni Willie. Samantalang may mga online petition na rin sa Internet upang i-ban ang TV host sa telebisyon. (Click here to read related story.)

Subalit para sa pamilya Aquino, ayon kay Kris, pinapatawad nila si Willie sa ginawa niya.

Narito ang buong pahayag ni Kris sa SNN kagabi tungkol kay Willie:


THE AQUINO FAMILY SPEAKS UP. "First of all, Friday [August 7] ko lang nalaman lahat," simula ni Kris. "Hindi natin alam kung ano ang mga nagaganap, kasi nandun ka sa sitwasyon na 'yon [pagyao ni President Aquino]. Friday, it so happened na mag-aayos kami ng mga gamit ng Mom sa Times [Street, tahanan ng mga Aquino]. So si Ate Ballsy [panganay sa magkakapatid] at Pinky [pangalawa sa pinakamatanda] went to the house.

"So I said... Thursday night [August 6] kasi nakausap ko si Willie. Pero vague, I mean, hindi klaro. So, Friday namin pinanood sabay-sabay sa YouTube [yung statement ni Willie sa Wowowee]... We didn't really get to talk about it much kasi nagpunta na kami ng Times at nag-ayos na kami ng mga things ni Mom.

"But on our way—so this is Friday—Willie asked, 'Puwede ko bang makausap yung mga kapatid mo?' So, kinausap niya si Pinky. Si Pinky yung una niyang nakausap. And then, sinabi ni Willie sa kanya na nagsu-sorry siya talaga. What Pinky said was, 'Alam mo, napanood namin at nakikita naman namin na hindi yung intensiyon ang masama. Yung pamamaraan ng pagsabi no'n ang puwedeng maka-offend sa ilan. Pero Willie, naiintindihan ka namin.'

"Sorry siya nang sorry kay Pinky, and Pinky said, 'As far as I am concerned Willie, it's finished, let's move on. Okay, we accept your apology.'

"Sunday [August 9], nagla-lunch kami, nag-text si Willie and he said, 'Puwede bang makausap ko kayong lahat?' So, feeling ko naman, in our family, si Ate ang dapat makausap niya talaga. So, I gave Ate the phone. Again, Willie explained and said he was sorry.

"TINATANGGAP NAMIN ANG APOLOGY MO." "This is the part I would like to share with everybody," patuloy ni Kris, "I got certain text messages before coming here na kung ide-defend ko daw si Willie, parang binastos ko na ang Mom. Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na Willie can very well defend himself. Pero ito po ang namagitan between him and our family.

"Nung nagsu-sorry si Willie kay Ate, I didn't even know this, Boy... Sinabi ni Ate sa kanya, 'Alam mo Willie, nung time na nagkaroon ng problema yung puso mo, we were here—in Ate's house dun sa lanai—kakakain namin ng dinner, naka-on yung TV sa TV Patrol. Niyayaya na namin si Mom na pumasok sa kuwarto kasi time na para mag-rosaryo.' Kasi every night, sabay-sabay silang nagpe-pray. And then Mom said, 'Wait, I want to know kung kumusta si Willie.' And then, Ate told Willie, 'Alam mo, Mom really loved you. She really appreciated the fact na ang bait mo sa mga anak ni Kris.' And sinabi ni Ate sa kanya, 'Willie, as far is our family is concerned, nag-sorry ka na, tinatanggap namin ang apology mo.'

"We are not MTRCB. We are not ABS-CBN. We are not KBP. But we are the Aquino family. And for our family, we take Willie's apology for what it is—an apology. And we accept the apology.

"Wala po sa kamay namin ang mangyayari in the future. Pero I can speak on behalf of myself, my sisters, and my brother, we accept his apology."

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1046 Comments

  • 926  madmax_2

    08/12/2009 | 02:21 PM
    Me and my friends really really wonder kung bakit ang lakas ni Willy sa Dos. Hmmm.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 925  madmax_2

    08/12/2009 | 02:20 PM
    Willie did not offend the Aquino's but the millions of viewers around the world. He is too unprofessional and really displayed arrogance. its not just the manner of verbalizing his thoughts but the timing...hindi ba siya makapaghintay ng quot;gapquot;. The mere fact that he could not contain his emotions makes him so unprofessional. Bka nakakalimutan ni Willy kung pano nabalik sa mga Lopezes ang ABS CBN.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 924  ennayram

    08/12/2009 | 01:01 PM
    Kasi naman Willie, medyo alisin mo kasi ang pagiging mayabang mo...ok! Ayan tuloy napahamak ka naman. Mahirap talaga kapag pinaiiral ang kayabangan. So, kahit ano pa ang sabihin mo, super bastos talaga ang ginawa mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 923  betterbe8774

    08/12/2009 | 11:37 AM
    bessie331, alam mo ito na ang culture nating mga pilipino, ang bumatikos kung may babatikusin,kung hindi ka nasisiyahan sa binabasa mo,eh di wag kang magbasa!pamilya mo na lang ang intindihin mo, wag mo kaming intindihin dito, ok lang kami!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 922  macs5609

    08/12/2009 | 11:29 AM
    SURPRISED LANG AKO SA MGA KAPWA KO PINOY, NOONG BUHAY SI FORMER PRES. CORY AT PINAG-RERESIGN NIYA SI PRES. ARROYO, AT NAG JOIN PA NG RALLY WITH JUN LOZADA, IT LOOK LIKE HER POWER IS GONE, WALANG NAGRESPOND NOW SHE'S DEAD DOON LANG MARAMING NAGMAMAHAL DAW SA KA KANYA, WHY EVERYBODY DID NOT GIVE THEIR FULL SUPPORT WHEN SHE WAS STILL ALIVE... ?????????????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 921  betterbe8774

    08/12/2009 | 11:28 AM
    Tingnan ninyo ang pagiging arogante talaga ni puppy dog, bakit sa mga aquino lang siya nag apologized,dapat mag apologize din siya kina erick,sa DJ,kay anna at sa iba pang nilait niya. Public apology rin ang gawin niya sa mga ito! At i-rehire sina Rhoy at Pheggy na pinatalsik niya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 920  esperancilla

    08/12/2009 | 10:12 AM
    Willie has shown a lot of misdemeanor and tactlessness on cam. It's a shame that the whole world can see those inappropriate acts of him and can hear too much of his bragging about what he has or owns. It's so easy for him to say sorry but he never learns from those unacceptable behavior. He is old enough to know the difference of right from wrong and what can hurt the feelings of others.

    I just hope, when he comes back to his hosting in Wowowee, he becomes more humane and extra careful with he says to his co-workers, guests and viewers. He needs to know the broader meanings of the words RESPECT and HUMILITY.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 919  shayneloveskrisperiod

    08/12/2009 | 08:40 AM
    meron din palang letter si ninoy kay pinky. search nyo sa google
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 918  lilac0808

    08/12/2009 | 08:35 AM
    ikaw ba pag tinanggap mo ang ang apology, it means na di mo pa rin pinatatawad? Ang labo mo naman... pinakikitid mo isip mo... pag tumanggap ka ng apology it means napatawad ka na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 917  heaven_31007

    08/12/2009 | 07:31 AM
    reminder lang po sa mga willie defenders who say that the aquino family has forgivrn willie... well, if you read the article carefully, one will note that kris never said the word - forgive. she only said WE ACCEPT WILLIE'S APOLOGY FOR WHAT IT IS AN APOLOGY... so, please do not put words into kris aquino's lips.
    hintayin na lang natin ang mga organizations like mtrcb or kbp if they will impose sanctions or punishments. kung parusahan nila si willie, that only means meron linabag na regulasyon talaga si willie at dapat lang niyang harapin ito.
    Huwag ijustify ng wilie fans ang ginawa niya kasi si willie mismo panay ang hingi ng sorry sa mga aquinos. willie knows na meron sya talagang nagawang kasalanan... lahat tayo nagkakasala pero kung marunong kang aminin at humingi ng tawad eh siguradong papatawarin ka ng Doyos.
    pero, si willie, humihingi nga ng tawad pero meron element of justifying what he did na pinapalabas pa rin niya na tama ang ginawa niya... so, where is willie's true remorse??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 916  pinoyako24

    08/12/2009 | 07:29 AM
    bessie31

    Obviously, isa ka rin sa mga taong hindi nakakakita sa mga pinaggagawa niyang si Willie Revillame. Hindi naman 'to tungkol lang kay Presidente Cory e tungkol din 'to sa pagiging arogante ni Willie Revillame, ang pagiging bastos niya sa telebisyon, ang pamamahiya niya sa mga contestants at sa mga staffs niya sa show niya... Siya na rin mismo ang nagsabi na kapag di na siya gusto ng mga tao siya mismo ang aalis sa show niya... Hindi na siya gusto ng mga tao kaya dapat na nga siyang umalis!!!! Masyado mong pinoprotektahan si Willie Revillame!!! Ano ba ang apelyido mo??? Bessie Revillame ka ba???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 915  bessie31

    08/12/2009 | 06:59 AM
    one more thing, iba ang kaso ni cristy fermin at ang issue against willy. those are two different matters, ok. kaya walang asenso ang mga pilipino, kasi parang mga kongresista at mga senador na 'holier than thou'! mag-isip nga kayo mga kababayan kong mga pilipino!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 914  bessie31

    08/12/2009 | 06:56 AM
    tigilan na ninyo ang 'oust movement' against willie. kahit hindi na magtrabaho si willie, mabubuhay. why don't you just mind your own business, enrish yourselves, whether materially or spiritually! yan ang mahirap sa inyong mga pilipino, ang hihilig ninyong mag-judge, mag-comment pero tingnan nyo muna ang mga sarili ninyo, 'no.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 913  bessie31

    08/12/2009 | 06:54 AM
    please lang, tigilan na nating si willie! kung matitino kayong mga filipino sa pilipinas, sumunod kayong lahat sa batas, lalo na sa traffic at baka sakaling magkaroon pa ng pag-asa ang pilipinas! puro kayo tsismis! tama na, sobra na, ika nga ni tita cory! parang ang gagaling ninyong lahat!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 912  bessie31

    08/12/2009 | 06:51 AM
    It is quite ironic how some Filipinos are dip their fingers in this 'issue' about Willy R being disrespectful to Mrs. Cory Aquino. The Aquino family, through Kris already said that they accepted Willie's apology. If you have nothing to do but read all the negative comments about Willy, aba eh think of something else to do for the country kung ganyang lahat pala kayo eh matitino! I am thinking that everybody who hates Willie I am not an avid fan, anyway hates him because of inggit! Inggit because he is very rich now. Just take a look at Joey de Leon. If you wanna look back, during their heydays, ganun na lang kung bastusin ni Tito, Vic and Joey and mga contestants sa Ms. Eat Bulaga! So my advise to everybody, humarap kayo sa salamin, 'no!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 911  susiecute

    08/12/2009 | 06:16 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 910  kaynan

    08/12/2009 | 06:12 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 909  jologsANGmarimartalaga

    08/12/2009 | 06:07 AM
    natatawa ako sa mga bumabatikos kay willie. ang vovovo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 908  iluvbro

    08/12/2009 | 05:41 AM
    wala na nga siya sa ere hindi pa kayo tumigil sa kababato sa kanya. ano pa ba ang gusto niyo, pinarusahan na nga siya naghihimutok pa kayo sa galit diyan. hindi niyo ba alam na bihusan lang ng gasolina ang issue ng mga kumakalaban sa kanya para mawala ang threat sa competition. maghunos dili kayo at huwag sana kayong magpagamit sa kanila.. respetuhin niyo rin sana ang mga sarili niyo.. bow!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 907  kaynan

    08/12/2009 | 05:41 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About