Wala raw basehan ang akusasyon ng manunulat at blogger na si Angela Stuart Santiago sa ibinibintang nitong plagiarism sa kilalang TV personality na si Karen Davila. Ito ay ayon sa isang taong konektado sa News and Current Affairs ng ABS-CBN.
Inakusahan ni Santiago si Davila ng pangongopya sa libro niya, ang Himagsikan Sa EDSA—Walang Himala!, na ginamit diumano sa Laban Ni Cory documentary, na iprinodyus ng ABS-CBN. Si Karen ang isa sa mga hosts ng naturang documentary. (Click here to read related article.)
Ayon sa aming nakausap—na ayaw magpakilala dahil hindi raw siya ang official spokesperson ng News and Current Affairs ng ABS-CBN—kinuha ng network si Karen para mag-host ng Laban Ni Cory, kasama ang iba pang news personalities sa Kapamilya network, gaya nina Korina Sanchez at Ces Drilon. Bilang host lamang sa naturang programa, hindi raw si Karen ang sumulat ng kanyang sinabi sa show.
Tulad sa kanyang gabi-gabing paghahatid balita sa TV Patrol World sa ABS-CBN, binabasa lang daw ni Karen ang mga nire-report niya at wala siyang pahintulot galawin ang anumang nakasulat doon. Dumadaan pa raw ang report sa maraming proseso, saka aaprubahan ng mga nakakataas sa programa.
May sariling writers and researchers din daw ang Laban Ni Cory documentary, na siyang sumulat ng spiels ni Karen para sa kanyang segment. Pagkatapos gawin ang materyal, dumaan daw ang script sa ilang ehekutibo ng show, bago tuluyang inaprubahan at basahin sa ere.
Bagamat sa sarili niyang programa sa ABS-CBN, ang Saturday-morning show Wonder Mom, si Karen Davila ay nagkakaroon din ng pagkakataong magsulat ng binabasa niya, sa pagkakataong ito, ayon pa rin sa source, "Karen is just part of the show."
Dagdag pa ng aming source, bothered daw si Karen sa mga pangyayari dahil maingat daw ito sa kanyang "reputasyon at kredibilidad" bilang "nirerespetong newscaster sa telebisyon," kaya hindi nito magagawa ang ibinibintang sa kanya ng manunulat na si Santiago.
Ganunpaman, dahil kabaha-bahala ang charge na plagiarism—na pag-aako bilang sa iyo ang ninakaw at ikinalat na ideya at kataga ng iba—kinuhanan ng PEP ng statement ang head ng Corporate Communications ng ABS-CBN na si Bong Osorio. Ito ang payak na pahayag ng network executive:
"ABS-CBN does not condone plagiarism. We are currently investigating the serious allegation and will release our findings to the public."





Maala-ala mo kaya isang summa cumlaude kuno from UP na na baliw at dahil hindi makahanap ng trabaho.
Si Willie na nandadaya sa Willie of Fortune.
Meron pang isang contestant na nanalo nang bahay at lupa na hindi naman ibinigay. Eh kung hindi nagpa publish ang contestant eh hindi rin ibibigay ang house and lot na napanalunan.
Meron pang isang itong plagiarism na naman.
Ano pa ba? Hay naku ayaw ko ng magbilang..kakapagod! SIGH
Panay pa bandera ng ratings eh Mega Manila lang naman . . .
HINDI HO PURO MEGA MANILA LANG ANG BUONG PILIPINAS!
Yun lang . . .
I know I have a point!
That's why i don't believe sa GMA!
firebird
August 13, 2009
17:59 PM the BEST tlg ang GMA when it comes to News and Current Affairs.
-------
I am agree! spen a wen!
oo papaano kapams isang dagok naman at butata ang nasa isyo..
una kay willie noong binastos ang wake ni cory..
ngayon kay karen naman sa pamamagita ng plaiagerismz..
sino pa naman ang magtitiwala dyan kung yan ang statado ng ABS...
bye padaan lang po ako..
word for today:
everyone can rob a persons possesions but no one can rob her/his dignity...hindu saying
bye peace to all!
see yah...
146
isa lang ang ibig sabihin nyan alam niya na mali siya..kung nasa tama siya dapat siya mismo ang nagtanggol sa kanyang sarili..sa pamamagitan ng paglinaw..bakit dead ma..
silence means yes..
paano na yan karen nawala na ang dignidad mo..
paalala ko lang sa iyo noong 2004 sa presidential election,sinabon ka ni suusan roces noong nagbalita ka nga maling INFO..at sinabihan ka ni susan na BAKIT KAREN MAGKAANO BA ANG BAYAD PARA LANG MAGSABI NG TOTOO..remember umiyak kapa sa harap ng TV ant humingi ng paumanhin..
ngayon mukhang mauulit na naman...
iba talaga ang kapams..una kay willie binastos ang wake ni cory ngayon si karen na naman pliageerize na naman..
kawawang cory...