Big band crooner Richard Poon has all the reasons to be happy about the forthcoming concert Sessionistas. Itatanghal ang much-awaited first concert nila—kasama ang mga kapwa niya ASAP '09 Sessionistas na sina Duncan, Aiza Seguerra, Sitti, Nina, at ang MYMP—sa Araneta Coliseum sa August 28.
Sa press launch na ginanap kahapon, August 12, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN compound, ang naging topic of controversy kay Richard ay ang pagkaka-link niya kay Maricar Reyes, ang controversial newcomer na nasangkot sa sex video scandal ni Dr. Hayden Kho. Pero tahimik na humahataw ang kasikatan ni Maricar dahil sa magandang suporta ng ABS-CBN sa kanya.
"Sobrang poise under pressure pagkatapos ng controversy that she has to face," sabi ni Richard tungkol kay Maricar. "That is something which even the whole nation has been moved by—her poise, and that's something very admirable. Not even on the romantic level, but as just a person to person, hahangaan mo talaga."
Nagkasama ang dalawa sa isang music video na kailan lang ay kinunan, at isang buong araw yun na nagkatrabaho sila sa Batangas. Sa kabuuan, magandang experience daw yun para kay Richard, and he has gained a friend in Maricar.
In fact, naging usap-usapan sila dahil sa paglitaw ni Richard sa premiere night ng And I Love You So, kung saan sinabi niyang sinusuportahan niya ang kaibigang si Sam Milby. Pero ang talaga raw gustong makita ng singer ng gabing yun ay si Maricer. Mula pala nang magkasama sila doon sa music video, they have been exchanging text messages.
"Pero talagang friends lang kami ni Maricar," giit ni Richard sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "At kahit naman sinong lalaki ang tanungin mo, name-mesmerize sa kanya. Lalo na kapag nami-meet na siya, mabubura yung negative impression, and, in turn, mas makaka-empathize ka pa sa kanya.
"Yung text messages, hindi naman yung nagpapadala na ako ng sweet nothings. Just hi and hello, pero iba na kapag laging naggi-greet ako sa kanya. Hindi naman ganoon. So, I guess, hindi masasabing romantic feeling na yun."
SESSIONISTAS. Ang concert simply entitled Sessionistas, na pino-produce ng partners na sina Jojo Romualdo at Edgar Mangahas ng MJM Entertainment, ay nabuo sa ASAP '09 at nag-transcend into a different kind of barkadahan habang nagtatagal.
"Gusto kong pasalamatan si Dido Camara [concert director] na nakapag-isip talaga na pagsama-samahin kami," sabi ni Richard.
Patuloy niya, "Just how normally it happened... Noong una, nagkakailangan kami. Minsan, song ni Aiza, gusto kong mag-backup, pero baka sabihin nang-eepal ako. Eventually, we talked, kami ni Sitti, lagi ko siyang nakakapareha. I ask her, 'Can we do this?' Tapos, nagbaba-backup na ako sa kanya.
"Tapos, si Aiza, I want to thank her also kasi siya yung comic person. Si Juris [of MYMP], natutuwa na sa kanya. Si Aiza ang parang ice breaker sa grupo, kaya everybody's talking to each other na after that. Until, hayun, nagkakayayaan nang lumabas. After ASAP, everybody would go. We laugh and talk about life.
"Mayroong isa sa amin, nagkamali minsan, medyo feeling down. Aiza would tell us a story, yung worst performance niya. So, over lunch, nag-bond kami. Kaya yung nakikita ninyo sa stage, sa TV, napakasaya niya. Truly, na-build yung friendly relationships, at hindi yung naririto lang kami just to work."
Aside from music, ang totoong nagba-bond sa kanila ay pagkain. They all love eating together.
"Sina Aiza at Juris, laging nagyayaya," kuwento pa ni Richard. "Dahil gusto namin ang music, naghihiraman kami ng CDs. We talk a lot. I'm not a good dancer, so I would go to Duncan. Insecure ako sa ibang moves, I ask help from him. We have so much to talk about. Even relationships and failures. Halos lahat pinag-uusapan namin, kaya hindi lang ito umiikot lang sa pagkanta.
"Clueless kami, hanggang lumalapit na yung ibang co-artists namin sa ASAP and telling us, masaya ang grupo namin, natural sa screen, and we're just laughing it off the whole time. It's really friendship. At ang nag-start niyan, si Aiza, 'cause I would like to thank her for the jokes. Juris came in. Kami ni Sitti, nagsama na sa ibang shows. Pasok si Duncan. Super-saya!"





Ikaw ang le-che. huwag ka magmalinis. Baka mas Pok2 ka pa. Kahit ano pa ang ginawa ni Katrina, hindi siya dapat binastos ng ganun. Atsaka teka, may mas babastos ba sa kapamilya mong nasa Wowowee???? Este wala pala, naka-bakasyon.
callcentergir
l
August 14, 2009
11:25 AM oo nga.. yung iba dito insecure nlang kasi walang wenta sa kama. hehehehe. Tingnan mo Rosalinda.. karma. flop.
---------------------------------------
ikaw ba magaling sa kama? day, mag stick ka sa topic, wag kang magsasama ng iba, kung ayaw mong mabastos!
Kung nagpakamatay or nabaliw sina Maricar, Im sure puro awa at pakikidalamhati ang sasabihin natin. Tulad kina Franci M. at Jackson, noong nabubuhay sila ang daming controversy at mga kaso silang hinarap.Pero noong namatay buong bansa/mundo nakiramay.
Ganun kalupit ang mundo. Matira ang matibay dito.
And I believe matibay si Maricar kaya wala ng trials na hindi nya kakayanin.
Kahit hindi nya makamit ang justice ngayon dito sa mundo, in GOD's time she will get it.God will do HIS vengeance to the people who caused suffering to HIS children.
there was an OFW who has a bf whom she met online.They were chatting for more than two years and so the German guy proposed marriage to the girl and finally they decided to meet in person. THey were together for a week but the girl was unaware that on Day 1 the guy actually planted a hidden camera on thier hotel room.So syempre all throughout their entire moment together na-capture ng hidden cam. Gawain na pala ng guy ang makipag chat at kunan ng Sex video ang mga babae.Mabait at mukhang desente naman kaya walang duda ang girl at akala pakakasalan sya talaga.
After a week ,a relative called her and asked her to check out the internet dahil naka upload na ang SV nila! Gumuho ang mundo ng babae , umuwi ng Pinas dahil inatake sa Puso ang ama.Since then wala syang narinig sa guy.In the long run nabaliw din sya.
Im sure kung nabaliw or nagpakamatay sila puro awa at pakikidalamhati ang sasabihin natin.Kasi ang tao pag buhay at lumalaban pilit ibabagsak.Pero kung
Kung si Klaudia Koronel nga na dating G.R.O at boldstar nakahanap ng desenteng groom at marami pang mga babae na may pangit na nakaraan or background eh pinakasalan naman ng matinong lalaki.Eh diba si Osang nga na may 2 anak at G.R.O din noong pinakasalan ng dati nyang asawa na si Tito Molina.Si Cristina Gonzalez Romualdez dating sexy star at brunei beauty napangasawa si Cong.Alfred Romualdez na pamangkin ni Imelda Marcos.
Si Maricar pa ba na nakipagtalik sa bf nya at hindi sya sex worker tulad ng mga nabanggit kong artista.Sa showbiz ang daming nakikipag sex in favor of fame.
So sana huwag nyong husgahan si Maricar ng ganyan.What she did was purely out of love.