news

Sitti admits relationship with non-showbiz boyfriend is "shaky"
by Archie de Calma posted on August 14, 2009  STATS: 16609 Views | 18 Comments

 

"Medyo magulo. Inaayos namin. We're just giving each other time away from each other—indefinitely. Matagal na kaming on-off-on-off. Partly, tungkol sa career, but it's more of time issues, yung communication," says Bossa Nova Queen Sitti about the status of her current relationship.

Photo By: Mark Angelo Ching

Nagpupursigi si Sitti sa kanyang career kaya naman hanggang ngayon ay naririyan pa rin siya. In fact, naniniwala siyang dahil sa pagkakasali niya sa ASAP Sessionistas ay lalong uminit ang pangalan niya sa mundo ng pop music.

Ang ASAP Sessionistas ay binubuo ng mga sikat na singers na linggu-linggong nagpe-perform ng mga acoustic numbers sa musical-variety show ng ABS-CBN. Bukod kay Sitti, kasama rin sa grupo sina Richard Poon, Aiza Seguerra, Nina, Duncan, at ang MYMP.

Ngayon nga ay iniintriga na rin si Sitti dahil sa comment niya tungkol sa baguhang aktres na si Maricar Reyes, na nababalutan daw ng bitterness at selos. Si Maricar ang diumano'y kinahuhumalingan ni Richard ngayon pagkatapos nilang magkasama sa music video ng crooner. (Click here to read related story.)

"I believe that Maricar is one of the hottest. Nakita ko ang [music] video nina Richard at Maricar. Kung mai-invite si Maricar sa concert, maganda sigurong idea na pumasok si Maricar while Richard is singing 'You And I.' Wala namang bitterness at selos yun. Parang production value lang yung nakikita ko," paglilinaw ni Sitti sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Being close to Richard, naramdaman ba ni Sitti na may katotohanan ang pagkaka-link ngayon ni Richard kay Maricar?

"Sinabi naman ni Richard, mesmerized siya kay Maricar," sagot ng bossa nova singer. "Sino ba naman ang hindi mame-mesmerize sa kanya? Wala pang naikukuwento si Richard sa amin tungkol sa bagay na 'yan.

"Sigurado lang ako, may nararamdaman 'yang si Richard kay Maricar. Kung lalake talaga, mayroong mararamdaman kay Maricar, at bahala na lang sila kung ano yun. Maganda si Maricar, and during the height of the controversy [Hayden Kho sex-video scandal], sa ASAP 'pag nag-uusap yung mga lalake, nakakatawa sila. Inilalagay na nila si Maricar Reyes sa isang pedestal. Iba ang naging tingin sa kanya. Isang babaeng todo pala kung magmahal. 'Tapos, ang ganda-ganda pa niya." 

SHAKY RELATIONSHIP. Marami kasi ang nakakapansin sa closeness nila ni Richard, at sinasabing ito ang naging dahilan kung bakit nagiging shaky ang current relationship na kinasasangkutan ni Sitti.

"Hindi si Richard ang dahilan, pero shaky talaga," at tila naiyak pa si Sitti. "Medyo magulo. Inaayos namin. We're just giving each other time away from each other—indefinitely. Matagal na kaming on-off-on-off. Partly, tungkol sa career, but it's more of time issues, yung communication.

"Nagpapaka-busy na lang ako para makalimutan ko ang problema. Ginagawa ko na lang ang dapat gawin, moment by moment. Hindi ko lang talaga kaya. Basta huwag lang iisipin, okey naman ako. Magulo kasi."

May pagbubuntung-hiningang sinabi ng Bossa Nova Queen sa kinahinatnan ng kanyang lovelife with a non-showbiz guy, "Nangyayari na lang siguro ito para makapag-focus na rin ako sa kung ano ang dapat kong tutukan. Kung ma-realize ko na wala na talaga, e, ganoon na lang yun. Pero ako, I will just cross the bridge kung nariyan na."

Tanggap ni Sitti ang kinatatayuan ng kanyang lovelife, pero nilinaw niya na walang third party involved.

Habang ipinu-promote ang concert na Sessionistas, na itatanghal sa Araneta Coliseum sa August 28, nailunsad na sa Eastwood last month ang latest album ni Sitti, pinamagatang Contagious. Napaka-positive daw, ayon sa kampo ni Sitti, ng response ng marami rito.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

18 Comments

  • 18  makahiyas

    08/15/2009 | 06:29 PM
    basta ang masasabi ko lang hintuan na niya makiride sa iba. ang hilig hilig nyang makiride sa ibang tao. una nagpatsismis na syota ni noynoy aquino niligawan daw Hello mahilig si NOYNOY sa mestika di sa baluga tulad nya, 2nd inaaway nya si regine velasquez kesyo mas magalng daw HELLO!!!, 3rd si aiza keyso nangliligaw naman at ngayon nakikiride kay Maricar. pwede naman no comment diba . hay naku pati concert nakikiride she cant have her own concert puro saling pusa kay richard poon at ngayon silang asap sessionista . di tulad ng mymp they their own concert na in araneta n nina ilang serious sa music museum.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  uwillneverbeme

    08/15/2009 | 11:57 AM
    bagay sila ni richard poon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  pilyaako143

    08/15/2009 | 04:49 AM
    there;s nothin wron' with what sitti said about maricar... i guess thats all true... just sayin what she heard and what she thought about maricar... i guess some should read the article again...nothin' foul that will hurt maricar....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  pilyaako143

    08/15/2009 | 04:46 AM
    good attitude sitti...maricar is pretty and shes a nice person...shes just a victimsex video... sitti and richard possibly will make a good couple... they can blend together...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  MinDFreaK

    08/15/2009 | 04:03 AM
    sus, walang interesting n kwento kaya kung sino sinong has been na lang ang nandito
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  pepato

    08/15/2009 | 01:19 AM
    What the...ang jologs naman ng comment ni Sitti about Maricar. She's very tactless.

    Maybe Sitti's just envious kasi si Maricar pinagkakaguluhan at pinag-uusapan unlike her . . . ELK! =P
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  whattawhatta

    08/15/2009 | 12:49 AM
    spells like insecurity...sitti dear, that's really a foul mouth...next time be tactful and gracious...your also a girl...right???..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  makahiyas

    08/14/2009 | 09:54 PM
    basta ang masabi ko lang yang sitsiritsit na yan aka sitti nakikiride kay maricar. feeling maganda ang pangit pangit naman, naku i mention ba naman scandal ni maricar eh. ANG LAKI LAKI NG PANGA!!! Feeling sosyal. CHE! im sure maricar will not even know her name!!! a has been. one hit wonder. tapos na bossa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  frozenfire_0728

    08/14/2009 | 08:57 PM
    dpat ang title ng article n2 eh ung phayag nya bout maricar xe di nman catchy ung SHAKY relaxnshp issue
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • frozenfire_0728

    08/14/2009 | 08:56 PM
    quot;Sigurado lang ako, may nararamdaman 'yang si Richard kay Maricar. Kung lalake talaga, mayroong mararamdaman kay Maricar, at bahala na lang sila kung ano yun. Maganda si Maricar, and during the height of the controversy [sex-vide scandal], sa ASAP 'pag nag-uusap yung mga lalake, nakakatawa sila. Inilalagay na nila si Maricar Reyes sa isang pedestal. Iba ang naging tingin sa kanya. Isang babaeng todo pala kung magmahal. 'Tapos, ang gand-ganda pa niya,quot; pahayag ni Sitti.

    weeeh! careless! careless bossa!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • frozenfire_0728

    08/14/2009 | 08:53 PM
    ang weird...
    bkt ngrelease ng gnyng statemnt c sitti bout maricar... hmmm...
    careless tongue
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hkmutya

    08/14/2009 | 08:07 PM
    Sitti and Richard? WHO ARE THEY?!
    Singers na walang appeal sa masa ang music nila kaya hindi sumisikat!
    Sa yo nalang si Richard, Sitti. Im sure hindi type ni Maricar yan kasi malamya.
    Sitti, very indonesian ang name mo day at wala ka talagang dating.At huwag mo ng gamitin si Maricar para may article ka.Wala namang connect sayo epal ka gusto mo lang magpa controversial kaya si Maricar ang naisip mong pag-usapan anyway ano ba naman ang pag-uusapan sayo keber namin sa lovelife mo day!.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    QueenRoxy611
    05/18/2013 | 11:34 PM
    so, are you trying to imply that the 'masa' has high-class taste? just because you've got huge appeal to masses doesn't mean that the 'masa' has sosyal taste, and that they make intelligent choices. also, Sitti is a muslim word for 'princess', yun ang explanation niya.
  • bastet

    08/14/2009 | 07:15 PM
    well.. mas maganda pa kasi ang bakla sa kanya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • l8stchez

    08/14/2009 | 07:07 PM
    during the height,pag naguusap mga lalake nakakatawa sila..hey gurl! mas funny ka huh! mas funny ang voice mo..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • cheekadorasback

    08/14/2009 | 06:10 PM
    ano daw sabi?... 'at bahala na sila kung ano yun'... well, babae ako pero kung choice between Maricar and yung boses ibon bossanova kuno, e dun na ako kay Maricar!

    weno ngayon kung shaky kayo.... as if naman interested ang masa... hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • black_bacarra

    08/14/2009 | 05:58 PM
    Medyo in bad taste ang comment niya about Maricar. Kung lalaki talaga may mararamdaman kay Maricar? That statement is mean due to the fact na may SV nga si Maricar. parang implied niya pinagpipiyestahan at nabababoy si Maricar.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • beautylovesme

    08/14/2009 | 05:05 PM
    i better choose maricar so what if meron scandal si maricar?lahat naman tao me scandal sa buhay....Sino bang tao walang scandal?inggit lang kau...!!!!!!1
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shrekky

    08/14/2009 | 04:50 PM
    Inggit itong si Sitti kay Maricar..

    Don't like her, di mo maintindihan ang lyrics pag kumakanta.. trying hard Bossa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About