Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang first shooting day ni Richard Gutierrez para sa bago niyang pelikula, ang horror movie na Patient X, sa Forest Farms sa Antipolo City, nung Biyernes, Agosto 14. Kinunan ang eksena sa isa sa mga model houses ng executive village doon, na kunwari ay bahay ni Richard sa pelikula.
Ang Patient X ay unang venture ni Richard bilang producer, through his Iced Out Productions, sa pakikipagtulungan ng GMA Films at Viva Films.
"Nang tanggapin ito ng GMA Films, nagsabi na ako kay Atty. Annette [Gozon-Abrogar, president of GMA Films] na gusto kong makipag-co-produce sa kanila ng Viva Films—ang Iced Out Productions ko. Pumayag naman sila kaya tatlo kaming producer dito. Equal ang sharing namin," lahad ni Richard.
Ano naman ang pakiramdam na gumanap bilang duktor sa pelikula?
"Exciting, dahil first time kong gaganap ng isang doctor," wika ni Richard. "Hindi ba napakalaking responsibilities ng isang doctor? You have to help people live and survive."
YAM LARANAS. Ang Patient X ay nagsisilbi ring reunion project nila ni Yam Laranas, na nagdirek kay Richard sa isa pang horror movie, ang Sigaw. May Hollywood version na rin ang Sigaw, na pinamagatang The Echo, na idinirek din ni Yam at pinagbibidahan ni Jesse Bradford. Kasama rin sa cast ng Hollywood remake ng Sigaw si Iza Calzado, na nasa original version din ng naturang Pinoy horror movie.
Ani Richard, "Excited din ako dahil four or five years ago pa ang first horror movie na ginawa ko, under Direk Yam, ang Sigaw. Kaya sort of a reunion ito sa amin ni Direk Yam."
How is it working again with Direk Yam?
"Nakita ko na it's even better now," sagot niya. "In-apply niya ang mga natutunan niya noong nasa Hollywood siya sa ginagawa namin ngayon. Nag-research siya tungkol sa isinulat niyang story at nandoon din ako sa mga meetings at brainstorming.
"Nakikita kong he is inspired at nararamdaman ko ang pagiging passionate worker niya. Hindi lang siya direktor at scriptwriter, siya rin ang nag-iilawat director of photography."
BACK TO HORROR GENRE. Bakit horror movie ang napili niyang gawin pagkatapos ng sunud-sunod na romantic movies na ginawa niya?
"Matagal ko nang sinabi sa GMA Films na kapag may gagawin akong movie this year, gusto ko naman horror movie. I've been wanting to make a horror movie. Tamang-tama naman Direk Yam is in town at mayroon pala siyang ginawang horror story.
"After naming um-attend ni Direk Yam ng Los Angeles International Scream Festival in 2006, few times na lang kaming nakapag-communicate dahil pareho na rin kaming naging busy. Ginawa niya kasi ang The Echo. Pero without us talking ni Direk Yam, may isinulat na nga siyang horror movie na para raw talaga sa akin. Kaya tamang-tama."
Tungkol ba saan ang Patient X?






Palibhasa super yabang ka...wala ka nang gaanong fans dong!
Palaos ka na!
For sure flop naman ito. Wala ka nang rapport sa tao dong. Ipasok mo nanay mo sa mental hospital.
Kulang sa cast si RUFFA! dapat sya ang nurse of fraud.
Flop ito for sure. Hoy Richard, makulong ka na sana. Isa kang kriminal at mayabang.
pagpinanood niyo to, lalo lang kikita si annabel at lalo lang yayabang.. kaya hindi na lang dapat panoorin. Wala na bang ibang artista?????
Dalawa tayo...ako din is exciting already sa movie nila.