Richard Gutierrez reunites with director Yam Laranas in horror film Patient X

Nora Calderon
Sunday, August 16, 2009 @ 09:02AM  |  13741 views

 

"Nakita ko na it's even better now. In-apply niya ang mga natutunan niya noong nasa Hollywood siya sa ginagawa namin ngayon.  Nag-research siya tungkol sa isinulat niyang story at nandoon din ako sa mga meetings at brainstorming," says Richard Gutierrez (in photo) about working with director Yam Laranas again.

Photo By: Noel Orsal













"Request po ni Direk Yam na huwag muna naming ipaalam kung ano ang story ng movie na mangyayari lang in 24 hours. Allowed lang akong sabihin kung ano ang character ko dito at ang mga kasama ko sa movie," sabi ni Richard.

Kasama ni Richard sa Patient X si Heart Evangelista na gaganap bilang aswang. Ito ang first team-up nila sa pelikula at ito rin ang unang pelikula ni Heart sa GMA Films. Gaya ni Richard, si Heart ay mina-manage ni Annabelle Rama.

"Isang acting piece sa kanya ito. Patient ko siya at may sikreto siya na ako lang ang nakakaalam," sabi ni Richard tungkol sa role ni Heart.

Kasama rin daw sa pelikula si TJ Trinidad bilang pulis, at ang mga kapatid ni Richard na sina Rocky at Elvis, at Ritchie Paul. Lahat ng mga ito ay mina-manage din ni Annabelle Rama.

"Sina Rocky at Elvis, mga aswang sila. Si Elvis ang leader ng mga aswang. Si Ritchie Paul ay nurse na kasama ko sa hospital."

May love angle ba sa kanila ni Heart sa story?

"All I can say is it is not a love story, pero may connection ang character namin ni Heart. Yun lang muna ang puwede kong masabi. Gusto ni Direk, by October na lang namin sabihin ang kabuuan ng story ng movie."

SIGNOS. Ano ang ginawa niya nang matapos ang taping niya ng huling primetime series niya sa GMA-7, ang Zorro?

"Nakapahinga lang ako ng three days. Sa bahay lang ako, hindi ako lumalabas, bumawi ako ng tulog," sabi niya.

Bukod dito ay pumunta raw si Richard sa Cebu para sa taping ng part two ng GMA-7 documentary na Signos.

"This time, more involved ako sa project at pumupunta talaga ako sa mga locations. Dahil ang ipakikita naman namin ang positive side ng ating bansa, na we are blessed to have great natural resources, the beauty of the Philippines. 

"Nagpunta kami sa Alcoy Forests na three hours drive from mainland Cebu at sa Malapascua Island na five hours away naman from Cebu. Next week, pupunta rin kami sa Batangas at sa Davao. Excited ako talaga dahil parang nalilibot ko na ang Pilipinas sa pamamagitan nito. By September ang airing nito."

Kailan naman siya magte-taping para sa next primetime series niya sa GMA-7, ang Pinoy adaptation ng Koreanovela na Full House?

"Wala pa sa focus ko ang bago kong soap," sagot niya. "Naka-focus muna ako sa Signos 2 at sa Patient X, dahil bibigyan din ako ng chance ni Direk Yam na matutunan ang editing sa isang movie. Pang-Halloween offering kasi ang Patient X," saad ni Richard.

« Prev  1  2  

Related Articles

129 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name