Sa taped interview ng Startalk kay Dra. Vicki Belo noong Sabado, August 15, nagpahayag ng katuwaan ang cosmetic surgeon dahil na-lift na raw ang watch-list order sa kanya ng Bureau of Immigration, at malaya na siyang makalabas-pasok ng bansa.
Matatandaang iniligay ng Bureau of Immigration sa watch list si Dra. Belo—kasama sina Eric Johnson Chua, Dr. Bistek Rosario, at Princess Velasco—kaugnay ng sex-video scandal ng dating boyfriend niyang si Dr. Hayden Kho.
Ayon sa pahayag ni Dra. Belo sa Startalk, hanggang August 15 lang talaga ang watch list order sa kanya.
"Actually, ang watch list ko is until August 15, and by August 19, pupunta kami sa Amerika at magbibigay ako ng mga talks sa Florida," saad niya.
Ipinaliwanag ng legal counsel ni Dra. Belo na si Atty. Adel Tamano ang tungkol sa naturang watch-list order. Aniya, "It is only a court of law that can issue yung tinatawag na hold-departure order. Ang watch list naman, may lifespan 'yan, it's only 60 days. That's why she can already leave and no case filed against her."
Pero napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang reliable source na hindi raw natuloy ang pag-alis ng bansa ni Dra. Belo kahapon, August 19, dahil sa panibagong watch-list order ng Department of Justice (DOJ) sa Bureau of Immigration.
Ayon sa aming source, totoo raw na for a certain period of time ay na-lift na ang watch list kay Dra. Belo. Pero sa panahon na yun ay hindi raw nito nagamit ang pagkakataon na magbiyahe. Ang huling biyahe raw ng cosmetic surgeon sa labas ng bansa ay noong last week of May ng taong kasalukuyan.
Napag-alaman ng PEP na nag-file ng request for watch-list extension sa lahat ng involved sa kaso, kabilang na si Dra. Belo, na isinampa ng aktres na si Katrina Halili. Base sa impormasyon na nakalap ng PEP, after office hours daw kahapon ay muling sumailalim sa watch list ng Bureau of Immigration sina Dra. Belo at Dr. Kho, kaya hindi nakaalis ng bansa ang cosmetic surgeon.
Napag-alaman din ng PEP na may letter na isinumite ang kampo ni Dra. Belo upang i-lift ang watch-list order sa kanya. Pero hindi raw ito pinagbigyan ng Bureau of Immigration.






Matanong ko lang, si Vilma Santos ba nagpaparetoke rin? Kasi kahit turning 56 na sya, ganda pa rin nya, especially compared kay Belo. Saka yung leeg nya di naman ganon kakulubot, ok pa rin.
His intentions were in good faith - it was in respect with Tita Cory. Si Willie pa, eh mahal niyan si Tita Cory at Kris and James Jr. and Josh.
Mabait ba iyang si Belo? Kung mabait talaga iyan, sana pinagamot na niya si Nocum noong nagkaproblema ito
sa operasyon na gawa ng Belo.Eh halos mamatay na yung tao, di pa nila tinulungan. Gumastos pa yung pobre sa kanyang pagpagamot.
Mabait lang itong si Vicky Belo pag nagagamit niya para sa kanyang motibo. Lolita Solis at iba pa , para makapagsulat ng pabor sa kanya, mga artista para walking advertisement niya at si Willie at iba pa..para mabanggit banggit ang ngalan niya on air. Tuso iyan. Manggagamit ..kung magagamit ka niya para sa ikayayamanan pa niya..mabait sa iyo.Pero sa mga pobreng kliyente niya..h
Matanda na si Vicky so hayaan na yan maging masaya sa natitira nyang life on earth. And if she really is the mastermind of the uploading of the SV's I think she wont be punish in the law of man but for sure in God's law she cannot get away from it. Kaya umpisahan na dapat ni Vicky ang magpakabuti at iwasan ang maka mundong gawain.What she feels for Hayden is purely lustful and obsession not love.Dapat ang mga anak nya ang minamahal nya hindi ang isang unworthy pervert.Bigyan nya sana ng kahihiyan ang mga anak nya.
May ina rin ako at kahit na siguro kasing yaman at kasing popular sya ni Belo shameful parin.
As we grow older, we could age gracefully naman diba. when the time comes na puro wrinkles na mukha natin, carry pa rin..besides, grey hair and wrinkles shows wisdom..kung may pinagkatandaan man..
Right naman ni Vicki magpabotox and everything, she has the money and technology..kaya lang..at her age at nasasangkot pa sia sa mga ganitong eskandalo..very demeaning..
sana merong siyang photo nung bata siya at side-by-side posting para ma-compare.