Lovi Poe still hurting over Rosanna Roces's harsh words

Rose Garcia
Thursday, August 20, 2009 @ 05:45PM  |  65339 views

 

"Tumahimik lang po ako kasi alam ko, si Jolo at ang pamilya niya, yung pamilya ni Ms. O, ayoko nang makisama pa kaya ayoko nang palakihin pa sana. Kaso, nasobrahan lang ako. Kasi parang ang point ko, pinalaki ako nang maayos ng magulang ko, tapos tatawagin akong ganun. Ako, okey lang na sabihan ako ng ganun. But it's not fair for my mom and for my dad [the late Fernando Poe, Jr.] because my parents were the best parents, ever!" says Lovi Poe about her encounter with Rosanna Roces.

Photo By: Noel Orsal













Maayos na ipinaliwanag ni Lovi Poe sa press conference ng Show Me Da Manny last Tuesday, August 18, kung ano talaga ang nangyari at na-late siya sa shooting ng indie film na Familia Sagrada. Dahilan para mabalita na nasigawan daw siya ng direktor ng pelikula na si Joel Lamangan

Ayon kay Lovi, hindi naman siya nagdamdam sa pangyayari. Alam niyang nasa kanya talaga ang naging pagkukulang dahil sa hindi maiiwasang bagay.

Paliwanag niya, "Actually, ang aga kong nagising nang araw na yun. Kaso, ang nangyari, hindi dumating ang driver ko. Hindi ko ma-start ang kotse ko, so ako na lang ang magda-drive papuntang Pampanga. Parang I took the risk na ako ang magda-drive, pero hindi nag-start ang kotse ko.

"So, tumawag ako kay Tito Leo [Dominguez, Lovi's manager]. I said, 'Tito Leo, please, kailangan ko ng driver. Kailangan ko ng sasakyan.' So, biglang naghanap ng sasakyan si Tito Leo. Kaso yung driver, late, so mangiyak-ngiyak na ako! Naghanap pa ko ng rent-a-car.  

"Kasama ko pa yung kaibigan ko para tumulong. To the point na nakaaway pa ng kaibigan ko yung guard dun sa office ni Tito Leo. So, something went wrong that day na muntik pang magbunot ng baril yung guard sa kaibigan ko. Halos umiiyak na 'ko bago pumunta dun. Parang everything went wrong that day. Hindi ko alam kung bakit, kasi pinaghandaan ko ang araw na yun, tapos ganoon," mahabang lahad ni Lovi.

First time lang daw niyang makakatrabaho si Direk Joel kaya talagang pinaghandaan daw niya ito. At kahit nasigawan daw siya, hindi raw siya nagdamdam.

"Hindi ko po dinamdam kasi alam ko naman kung ano ang pagkakamali ko. At the same time, hindi ko po dinamdam kasi alam ko po na late na po talaga akong dumating  So, parang ako, inihanda ko na po yung sarili ko. Hindi ko po dinamdam kasi alam ko po na-late ako at may nangyari po talaga sa akin at hindi dahil na-late lang ako ng gising. In-explain ko naman po nang maayos kay Direk at after naman po nun, okey na siya."

Nakaharap daw halos lahat ng tao sa location nang sigawan siya.

"Tinanggap ko po yun, kasi wala po akong ginawang mali. Nagkataon lang na lahat ng nangyari sa paligid ko, mali," aniya.

ENCOUNTER WITH OSANG. Hindi pa rin naman maiwasan ni Lovi na maging emosyunal kapag tinatanong sa kanya ang namagitan sa kanila ng aktres na si Rosanna Roces sa taping dati ng Lipgloss, na ngayon ay wala na sa ere. Gumanap bilang mag-ina sina Lovi at Osang sa naturang youth-oriented show ng TV5.

"Ayoko na po...ayoko na po. Kasi, nasasaktan lang ako at baka mas lalo pa akong masaktan. Grabe!" napapailing niyang sabi.

Ano nga ba ang naging pakiramdam ng mommy niya na si Rowena Moran sa pangyayaring yun?

"Yung mom ko, nasasaktan siya. Ang sabi lang niya, dapat... Kasi nga, merong mga threats na ginagawa sa akin. Kaya ang sabi lang niya, huwag lang siyang makadampi ng kahit ano or something," saad ni Lovi.

Ayaw nang direktang sabihin ni Lovi ang mga salitang ibinato raw sa kanya ni Osang. Pero base sa lumalabas, nandiyan ang mga salitang "haliparot" at "ingungudngod" daw siya.

"Ang sa akin po, may respeto pa rin ako sa kanya," sabi ni Lovi. "Ang point ko po, we never had the chance to speak to each other, to actually clarify each side. So, para po sa akin, ayoko pong mag-comment ng masama tungkol sa kanya, kasi hindi ko naman po alam kung ano po talaga ang side ng istorya niya."

1  2  3  Next »

Related Articles

88 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name