Piolo Pascual hurt by comments that he is courting KC Concepcion only for the camera

Rose Garcia
Friday, August 21, 2009 @ 06:40PM  |  47940 views

 

"Kasi, mahirap kapag sinasabi nilang parang huwag manligaw sa camera. I'm being asked. Kaya nga sabi ko, kesa sa masaktan ako, kesa sabihin kong 'no comment', hindi na lang ako magsasalita kesa masabihan ako na para akong nanliligaw sa camera. So, ingat na lang. Kasi, ayoko namang masabihang suplado ako. I always say what is coming from my heart...," says Piolo Pascual about comments that he is courting leading lady KC Concepcion merely for show.

Photo By: Noel Orsal













Kahapon, August 20, nagkaroon ng press conference para sa producers ng bagong film outfit na Spring Films sa Max's restaurant sa Roces Ave., Quezon City. Ang naturang production outfit ang nag-produce ng launching movie ni Eugene Domingo na Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme, na ipalalabas na sa mga sinehan sa September 2.

Dito nga ini-announce ng mga bumubuo sa Spring Films na sina Piolo Pascual, Joyce Bernal, at Erik Raymundo na ang Solar Films na ang magdi-distribute ng Kimmy Dora at hindi na ang Star Cinema.

Paliwanag ni Piolo, "Through the help of Tita Malou Santos of Star Cinema, sa kagandahang-loob din niya na huwag na kaming madamay sa conflict of Star Cinema and SM [Cinemas]. Hindi naman po kasi kami produced ng Star Cinema, it's Spring Films and we need more exposure. Siya na rin po ang may sabi na, 'Lumapit na lang kayo sa iba para maipalabas kayo sa SM.'"

Pero hindi naman ikinakaila ni Piolo ang mga nagawa na ng Star Cinema para sa Kimmy Dora.

"Sobra-sobrang dami na po," sabi ng actor-producer. "Nakikita n'yo naman po ang suporta nila sa promo namin, mga promo namin sa ABS-CBN. Nagpapasalamat po ako. Malaki ang utang na loob ko, galing sa grupo namin sa ABS. Kay Tita Cory [Vidanes] dahil kausap ko siya palagi. Malaki po ang pasasalamat ko. Gapang lang, which is, hindi nila ako binibigo kapag lumalapit ako. Mahirap lang kasing lumapit as myself at hindi bilang artista na nakikiusap din."

HOSTING WOWOWEE. Habang wala si Willie Revillame sa Wowowee, ilang Kapamilya actors na ang halinhinan na nag-pinch-hit kay Willie bilang host. Isa raw sa hinihintay rito ay si Piolo, pero hindi yata siya palaging natutuloy. Bakit?

"Dapat magho-host ako ng Tuesday, kaso may presscon dito for Max's for the new menu. Dapat ngayon, pero may presscon ulit for Spring Films. And then, M-W-F naman po, taping ako for Lovers in Paris.

"But since mula nang mag-leave si Kuya Willie, they've been asking for me to host, gusto ko po talaga. Yun nga lang, may conflict sa schedule. But you know, given the chance, of course, gusto ko. Ilang beses na rin akong nag-host ng Wowowee," saad ni Piolo.

MOVIE WITH SANTINO. May lumalabas na balitang baka gawan ng remake ang pelikulang Ang Nanay Kong Tatay (1978) ni Dolphy. Ang gaganap daw sa role ni Dolphy ay si Diether samantalang si Zaijian Jaranilla ng May Bukas Pa ang gaganap sa role noon ni Niño Muhlach.

"Nabasa ko... nabasa ko... si Diet, right?" banggit ni Piolo. "Gusto niyang tanungin si Tito Dolphy. But I think I'm going to do a movie first with Zaijian Jaranilla. Star Cinema rin, inaayos na po ang script. I think, mag-start na kami ni Zaijian anytime soon.

Sa pangyayaring yun, parang na-preempt ba yung wish ni Diether na i-remake ang pelikula ni Dolphy with Zaijian as his son?

"Hindi ko alam, hindi naman ako sinabihan ni Diet," sabi ni Piolo. "Pero if ever na may ganun, oo naman! Kaibigan ko naman si Diet. Nakakatuwa nga na sa kanya mismo nanggaling yun. Pero hindi pa nga lang kami nagkausap. But if ever it pushes through, oo naman, tutulungan ko si Diet dun."

ANGEL-LUIS RUMORED BREAKUP. Ang isa pang kaibigan ni Piolo at naging katambal niya na si Angel Locsin ay balitang nakipag-break na diumano sa boyfriend nitong si Luis Manzano. Ano ang masasabi ni Piolo  sa balitang ito?

"Nabasa ko lang din, hindi ko alam," aniya. "Kung ganun man, it's sad...very sad kasi matagal na sila. Bago pa man lumipat si Angel sa ABS, sila na ni Manzano, so nakaka-sad because kaibigan ko sila pareho. Ewan ko... para sa ikabubuti ng dalawa. Pero kung hindi naman, may investment na rin kasi, di ba? So, I hope hindi pa tapos."

Hindi pa raw sila nagkakausap ni Angel kaya hindi pa raw niya ito nakukumusta.

1  2  Next »

Related Articles

406 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name