When AJ Dee couldn't find anyone to show him the money, he transferred management and station. Now he can be seen every Sunday in GMA-7's Show Me Da Manny, starting tomorrow, August 23.

 

Photo: Noel Orsal

Masaya si AJ Dee ngayon. And the latest about AJ, isa na siyang Kapuso.

Isa siya sa mga stars ng Show Me Da Manny ng GMA-7 tuwing Linggo na pinagbibidahan nina Manny Pacquiao at Marian Rivera.

Kamusta si AJ ngayong Kapuso na siya?

"Okay naman, masaya ako ngayon dito sa Kapuso [network], lalo na ngayon na may show na ako. Itong Show Me Da Manny yung first show ko sa GMA," sinabi ni AJ sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ang nagma-manage na ngayon ng career niya ay si Popoy Caritativo na manager rin nina Marian, Mart Escudero at Dennis Trillo.

NEW MANAGER. Paano siya naging talent ni Popoy?

"Nagkakilala kami, then nagkausap kami. From there dumami yung times ng pag-uusap namin, hanggang nakapag-decide ako and tinanong ko siya na 'What if magpa-manage ako sa 'yo?' It turned out well naman so, 'eto nandito na ako ngayon."

Wala nang contract si AJ sa ABS-CBN. "Natapos ang kontrata ko sa ABS-CBN February 2009, nito lang. Nung nagpaalam ako pinayagan naman ako. Maganda at maayos ang paghihiwalay namin ng ABS.

"Nagpaalam ako nang maayos and sabi naman nila, anytime na gusto kong bumalik, walang problema. At wala akong iniisip na nakasakit ako or may ginawa akong mali, so okay yung pag-transfer ko dito sa GMA."

Dati ay pinamamahalaan siya ng Talent Center ng Dos at ni Boy Abunda. Paano siya nagpaalam kay Kuya Boy?

"Kinausap ko siya, sabi niya, 'Walang problema. Kung magiging mas maganda yung career mo, why not?' Sabi pa niya, 'Siyempre, I'm happy kung anuman yung ma-achieve mo.' Hindi siya nagalit, si Tito Boy pa, more on kaibigan ko rin, e, more than manager."

Ang huling TV project ni AJ sa Dos ay ang Eva Fonda.

NO SIBLING RIVALRY WITH ENCHONG. Bakit siya nag-decide magpalit ng manager at ng TV station?

"Sa akin kasi medyo hindi ako nakapag-work nang maayos, hindi na ako nagkakaroon ng show. So sabi ko kailangan kong magtrabaho, kumbaga ang importante naman makapag-trabaho ako."