Nang tanungin uli siya ng PEP, ipinaliwanag niya ang sarili: "Ang isinampa ko pong kaso sa kanya, isa—criminal. Sa criminal [case] po, wala pong settlement doon. Wala, it's too late. Mahaba na 'yong two months, e, pero wala siyang ginawa... My lawyers are pro bono."
Ang "two months" na tinutukoy ni Lorayne ay ang panahon mula sa pagkamatay ni Nomar hanggang sa pagsampa niya ng kaso laban kay Richard. Sa panahong daw na iyon, walang ginawa si Richard upang ituwid ang pagkakamali. Sa tinukoy naman niyang "pro bono," ang ibig sabihin nito ay wala siyang ibinabayad sa abugado.
Sinegundahan ito ni Atty. Jainal: "As lawyers, it is incumbent upon us to render some free legal assistance, and this will be credited to my obligation because it is mandatory."
Ang free legal assistance ay ibinibigay sa mga taong walang kakayanang bayaran ang kanilang mga abugado, lalo na sa isang kasong malamang ay abutin sa korte ng maraming taon.
Nagkausap na ba sila ni Richard pagkatapos niyang isampa ang kaso?
"Wala kaming komunikasyon ni Richard. Wala, never kaming nagkausap," maikli uling sagot ni Lorayne.
May mensahe ba siyang nais iparating sa kampo ni Richard?
"Wala po," sagot ng biyuda ni Nomar.
Nang tanungin siya kung hindi siya mapapagod dahil matagal ang litigation process, mariing inulit ni Lorayne na lalaban siya hanggang huli.
"Para sa anak ko at para sa justice ng asawa ko, hindi ako mapapagod. Lalaban ako hanggang huli, hanggang makamtan ko ang hustisya para sa mga anak ko at para sa asawa ko. Dahil itong laban na ito, laban din ng mga anak ko at ng papa ni Nomar," saad ni Lorayne na seryoso at malungkot ang mga mata.
Ang ama ni Nomar ay si Mr. Ramon Pardo. Dalawa ang anak na iniwan ni Nomar kay Lorayne: sina Ezekiel, 3, at Don Enrique, 5.
"HINDI AKO NAGMAKAAWA." Samantala, isang live interview ni Annabelle Rama—ina at manager ni Richard na siyang regular na nagsasalita para sa anak sa kasong ito—ang ipinalabas sa Startalk noong Agosto 15 (click here to read article).
May isang bahagi doon na isinalaysay ni Annabelle na nagmakaawa raw si Mr. Pardo sa kanila upang mag-settle na lang. Ito raw ay ginawa sa pagtawag sa telepono ni Mr. Pardo kay Pilita Corrales—ang singer na malayong kamag-anak ni Mr. Pardo; dating amo ni Nomar; at ina ni Ramon Christopher, na anak niya kay Eddie Gutierrez, ang aktor na ngayon ay asawa ni Annabelle. Sinabi ni Annabelle na, ayon kay Pilita, hiningi raw ni Mr. Pardo na bigyan na lang sila ni Richard ng lump sum bilang kabayaran.
Ito ang sabi ni Annabelle sa telebisyon: "Yung lawyer na isa [Atty. Ombar Jainal], sasagutin ko 'yon... Sabi niya kanina, hindi siya umaasang settlement. Attorney, I'm sorry, hindi ako makikipag-settlement sa inyo. Baka hindi mo alam, yung client mo, yung tatay ni Nomar... yung tatay ni Nomar, tumawag kay Pilita last Tuesday [August 11], at nagmakaawa siya na kumbinsihin si Richard at saka ako. Kung puwede, yung three years na gustong itulong ni Richard, na suweldo ni Nomar, para do'n sa mga bata, i-lump sum na lang 'bigay at pipirma na sila kung anumang klaseng pipirmahan nilang waiver."
Sa tinurang ito ni Annabelle, walang narinig na sagot sa mga Pardo. May ilang manonood na nag-isip na bumigay na ang pamilya at nakikipag-settlement na. Inalam ng PEP kay Ramon Pardo kung ganoon nga.





Sad to say pero on that particular accident eh nagpaka inu tile ang SILANG POLICE. Nawalan ng gulugod ang pa sweldo ng bayan para proteksyunan ang sambayanan. Ang prinuteksyunan nila ung mayaman. Magkano kaya ang bumuhos na pera.
Thanks...
kasi as i've noticed, mas may publicity pa yung wilma vs. annabelle case kahit kung tutuusin naman di sila parehong artista... tsk, tsk.
samantalang si richard, ang artista na may kaso, parang walang coverage at all. news blackout ba ito? dapat nga itong kasong ito ang may media coverage...
LOL - sa mansanas at tinapa....there is indeed some truth to that....
naghambog pa cya sa media ha..hehe lols na lols ka tlga wala ka nmang etlogs!
sa tingin mo natutuwa si nomar na nilalait-lait ni annabelle ang asawa at ama nya sa media?
mas matimbang kaya ang pamilya kaysa sa friendship? sigurado akong papanigan ni nomar si lorayne at ang ama nya...
medyo related ang kaso nito dun sa batang namatay galing skul pero asan ung driver naikulong agad khit pa single mom cya yun nga lang may kaya yung pmilya nung bata. see? eh bkit etong ky retsard? kasi cya ang mapera? kya pinapatagal tgal pa? pra pag medyo nklimutan ng taong bayan ang kasong ito eh mapapawalang-bisa?? oh NO WAY!
hayy pilipinass DOJ wake up!!!
Vehicular accidents spiked from 2008 to 2009. For the whole year of 2008, there were a reported 14K++ accidents while just for the 1st half of this year - Jan to July, there are already a reported 12K++ accidents.
The top reasons are: 1-Overspeeding 2-Overtaking 3-Bad Turning.
Akala ko either sensationalized lang ang accidents sa news or heightened lang ang sensitivity ko dito because of this case, hindi pala. Talagang araw-araw may banggaan.
At akala ko overspeeding lang - as evidenced by the run down coconut trees and electrical posts - ang pwedeng ikaso sa kanya...Pwede rin pala ang bad turning kung di pa sapat yung evidence.