Janina San Miguel clears rumor linking her to businessman Tonyboy Cojuangco

Ruel J. Mendoza
Tuesday, August 25, 2009 @ 05:16AM  |  21188 views

 

"I know that they find me funny, okey lang 'yon. What can I do about it? Okey lang na matuwa sila kesa sa sungitan nila ako or isnabin nila ako. At least, they know that I am more confident right now," says Janina San Miguel, one of the contestants of Celebrity Duets Season 3.

Photo By: Noel Orsal













Marami ang naaliw sa nag-resign na Bb. Pilipinas-World 2008 na si Janina San Miguel sa presscon ng third season ng GMA-7 Celebrity Duets kagabi, August 24. Very candid kasi si Janina sa pagsagot niya sa ilang mga katanungan at game na game naman siyang makipagtawanan sa mga taong kinatutuwaan ang mga sagot niya.

"Wala naman akong magagawa kung natutuwa sila sa akin. This is me and I have more confidence now," hirit ni Janina. "May nagtanong nga sa akin if I feel any pressure right now? I answered, 'Yes, I feel pressure right now but I have confidence!' Yun lang po."

Okey lang ba kay Janina na pinagtatawan ang bawat hirit niya ng Ingles? Hindi ba siya nao-offend?

"Hindi naman po," sagot niya. "I know that they find me funny, okey lang 'yon. What can I do about it? Okey lang na matuwa sila kesa sa sungitan nila ako or isnabin nila ako. At least, they know that I am more confident right now."

TONYBOY COJUANGCO. Naiintriga ngayon si Janina sa businessman na si Tonyboy Cojuangco. Ang balita nga ay siya na ang ipinalit ni Tonyboy kay Gretchen Barretto.

Ipinaliwag naman ni Janina kung paano sila nag-meet ni Tonyboy at kung saan nagsimula ang naturang tsismis.

Kuwento niya, "Ganito 'yon, I met Mr. Tonyboy Cojuangco noong makipag-meeting kami sa kanya sa TV5. May offer silang show sa akin before. Noong ipakilala ako sa kanya, hindi ko nga alam na siya pala si Mr. Cojuangco.

"Anyway, nakailang meetings din kami regarding the show, pero hindi rin natuloy 'yon because nagkaroon ng ilang changes hanggang sa hindi na natuloy. Since then, hindi na kami nagkita ni Mr. Cojuangco.

"Kaya every time na may magtatanong sa akin tungkol sa kanya, okey lang naman na pag-usapan ko kasi wala naman kaming naging relasyon. It was purely business."

Kaya kung sakaling magkasama sila ni Gretchen sa isang event ay kaya raw niya itong lapitan at kausapin dahil hindi siya guilty sa anumang intriga.

"Gagawin ko 'yon para lang ma-prove na wala akong ginagawang masama sa kanya or to anybody. Magpapakilala pa ako sa kanya. In that way, magiging clear ang lahat at walang masasabing may itinatago ako," sabi ni Janina.

BLIND-ITEM RUMOR. Isa pang intriga kay Janina ay siya raw ang naba-blind item na isang former beauty queen na may sex video rin diumano with Hayden Kho.

"That's not true! Hindi ako 'yon!" mariing tanggi ni Janina. "Nagulat nga ako kasi maraming tumatawag sa akin at tinatanong ako regarding the sex video.

"Naguluhan ako kasi matagal ko nang hindi nakikita or nakakausap si Hayden. Oo kilala ko siya because nagkakasama kami sa mga modeling shows with different designers. I know Hayden pero hindi naman kami naging close. Actually, I find him weird kasi mahilig siyang magpa-impress sa aming mga girls. May pa-magic-magic tricks pa siya noon. Ewan ko ba bakit may gano'n siyang gimik noon.

"Basta, wala akong alam sa sex video na 'yan. Baka si [pangalan ng isa pang beauty queen] 'yon kasi nagkasama sila before sa isang show. Tinawagan ko nga siya regarding that at naubos pa ang load ng cell phone ko dahil hinahanap ko siya kung kani-kanino. Nainis nga ako kasi pati load ng cell phone ko, naubos dahil lang sa issue na 'yan!" sabay tawa pa niya.

1  2  Next »

Related Articles

48 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name