Natatawa ang premyadong aktres na si Gina Alajar at hindi masagot ang tanong kung ano ang ginagawa niya bilang isa sa mga contestant ng Celebrity Duets sa ginanap na grand launch ng show kagabi, August 24, sa Annabel's restaurant, T. Morato Ave., Quezon City.
"Hindi ko nga rin alam kung ano ang ginagawa ko rito!" natatawa niyang sabi.
Bukod kay Gina, ang iba pang kasali sa Season 3 ng Celebrity Duets ay sina Jomari Yllana (actor-concert producer), Akihiro Sato (model), Janina San Miguel (former beauty queen), Maxie Cinco (fashion designer), Niccolo Cosme (photographer), Joel Cruz (entrepreneur), Mikaela (busineswoman), at Nonito Donaire Jr. (boxing champ)
Ano kaya ang edge niya sa iba pang celebrity contenders?
"Unang-una, nagkakaroon na nga ako ng sleepless nights. Noong tinawagan ako ni Ms. Redgie Magno [senor program manager ng GMA-7], akala ko pinaglalaruan lang ako. Every week, kailangan mong magkabisa ng songs. I think, pare-pareho lang naman kami, hindi kami magagaling na singers. May edge sa kanila? I think, I am the best actress!" tawa pa rin niya.
Dagdag ni Gina, "I don't want to say more, I think humility is a virtue."
Pero ngayong isa na nga siya sa mga contestants, naka-set na rin ba ang mood niya for competition?
"Every day, I still ask myself if I'm ready, if I will go on, if I will back out, or ayoko na lang. It's every day, it's every day lurking... lurking on my mind. That's why it added stress kaya na-stress akong talaga.
"Although, as of now, I'm ready on the third week, so okey lang. I have prepared for the third week. I have to learn na lang about the song. So, kaya pa ng third week. I don't know lang about the fourth or the fifth or the sixth... I don't know," saad ng award-winning actress.
Nakahanda na rin ba siyang makipaglaban sa pamamagitan ng text votes? Although isang singing contest ang Celebrity Duets, ang mananalo ay ibabase sa dami ng text votes na makukuha niya.
"Well, I will do my responsibility to call up, you know, friends and ask for their help. Pero to spend for it, to spend money for it, hindi siguro," sagot niya.
GINA'S SONS. Pagdating daw sa kanyang mga anak na sina Ryan, Geoff, at AJ Eigenmann, hindi sa kanya mismo nabalitaan ng mga ito na isa siya sa contenders ng Celebrity Duets ngayong season.
"Alam mo, si Ryan [panganay na anak ni Gina], hindi pa yata alam. Hindi ko pa siya nakakausap. Pero si Geoff, nalaman niya because of the people in Rosalinda. So, the first day of taping that day, he called me up and said, 'Ma, ano, nanalo ka ba?' Nagtatanong siya. Sabi ko, 'Anak, first two episodes pa lang 'to, wala pang elimination ngayon.' Sabi niya, 'Akala ko nanalo ka na. But I will be there one of the tapings,' sabi niya sa akin."
Bakit hindi niya pa sinasabi kay Ryan ang pagsali niya sa Celebrity Duets?
"Totoo, nagkakausap kami, pero hindi ko pa nasabi na, 'Ryan, meron akong pinasok na baka matawa ka.' Yung ganun. So, hindi ko pa napapaalam. And because nga, paano ko maipapaalam? You know how fast it was? Saturday evening, tinawagan ako ni Ms. Redgie Magno. Sunday, kinu-contemplate ko kung tama ba ang pagsagot ko. Monday, may band rehearsals na. Tapos Tuesday, may taping na. So, wala rin akong preparations. I had to call my stylist, as in ganoon kabilis.






para ang judge maawa. napabilib ako jan ah na kahit siya nagpasalamat sa DArna.
go gina go!!!!! kami rin nagpapasalamat sa DArna.
you just want a sympathy vote so that you won't be the first to be booted out.
to tell you they are going to be nice at you because you're directing films and you can rift them off as well
ha! ha! ha!
natatawa pa rin ako sa camera comment nya, can't move on! hehehe!
i wonder anu-ano yung mga napupuna nya sa acting ni geoff, pati na rin sa iba, gaya ng sinabi nya.
kung hindi ako nagkakamali, minsan na rin sya nagturo sa acting workshop ah, sa abscbn din yata yun
btw di ko gusto mga sinusuot nya sa kambal sa uma... tsaka yung role... di sya effective na kontrabida.. imbes na mainis ka... matatawa ka lols
librarian
pano naman kase nakakadistract sa byuti ni carla yung bulaklak ng kalabasang nakasabit sa tenga nya
kambal sa uma
hehhehehehehe...
Gina Alajar played a TH - Trying Hard - singer in the MMFF award-winning movie MORAL directed by Marilou Diaz Abaya.
natawa ako sa THE CAMERA DOESN'T GIVE HER JUSTICE, hehe.
hi ms. gina, another best actress ever...
simplynora
or idaan na lang nya sa dramahan hahaha
wagi sya dian!
Ako nga di ko rin alam na kasama sya sa Celebrity Duets ngaun season, dito ko lang sa pep nabasa, baka mamaya umatungal talaga sya sa nginig...hehehhee
simplynora
napaka premyado kase ng dating sa akin ni Gina para sumali sa CD...parang si Hilda Koronel o si Laurice Guillen nasali sa ganyan. Ip ya know wata men heheheheh