"Siya kasi, the way he treats me, hindi ako artista. He treats me as a regular girl. I get to be normal around him, I get to be myself," says Megan Young about her non-showbiz boyfriend.

Photo: Courtesy of Studio 23

Kung sa ABS-CBN primetime series na I Love Betty La Fea ay kontrabida ang papel na ginampanan ng young actress na si Megan Young, sa pelikulang Pangarap Kong Jackpot ng Golden Lion Productions at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay kakaibang Megan ang mapapanood.

Bilang Eula, siya ang love interest dito ni Jake Cuenca. Kaya tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Megan kung walang namuong relasyon sa pagitan nila ng young actor?

"Jake is really professional, talagang tumutulong siya sa mga nakakasama niya. It goes hand in hand din naman, but I can say na talagang magaling na aktor si Jake. Nope, walang ligawang nangyari, friendship lang talaga ang sa amin ni Jake," sabi ni Megan.

MEGAN IS INSPIRED. Pero may balitang ang matagal nang crush ni Megan ay ang naging co-star niya sa Betty La Fea na si John Lloyd Cruz. Totoo ba ito?

"I must admit dati nakukyutan ako sa kanya," sabi ni Megan. "But si Lauren [Young, her younger sister] ang may crush sa kanya, hindi ako."

Dagdag niya, "I'm inspired right now, he's non-showbiz. Iba, e. Siya kasi, the way he treats me, hindi ako artista. He treats me as a regular girl. I get to be normal around him, I get to be myself."

Sinabi rin ni Megan na hindi isyu sa kanila ng boyfriend ang oras na siyang kadalasang nagiging cause ng breakup ng isang taga-showbiz at isang non-showbiz na magkarelasyon. Hindi rin daw kaso ang kissing scenes o intimate scenes sa kanyang boyfriend.

"Time is not an issue for us, okey naman sa kanya," sabi ni Megan. "He's busy with school and other stuff, and we find time naman for each other. Regarding sweet scenes, 'pag may partner ako, na-explain ko na rin naman sa kanya yun at naiintindihan naman daw niya."

NOT JUST KONTRABIDA. Nasanay na ang mga tao kay Megan sa role niya bilang Marcella sa Betty La Fea. Hindi kaya ma-typecast na siya sa ganitong klaseng role?

"I'm doing The Wedding," banggit niya. "Mabait naman ako dun, just that harang lang ako sa love nila Anne [Curtis] and Zanjoe [Marudo] sa istorya. Hindi pa nag-i-start ang Rubi [starring Angelica Panganiban], pero mabait din ako dun. So I won't say na nata-typecast ako sa mga kontrabida roles, though its very challenging."

CARLO J. CAPARAS. Sa Pangarap Kong Jackpot, kasama sina Megan at Jake sa episode na "Hawak Kita, Hawak Mo Ako" na idinirek ni Carlo J. Caparas. Ikinuwento ni Megan sa PEP ang experience niya in working with Direk Carlo, at ang reaksiyon niya sa pagbatikos ng ilang sektor sa pagkakapili rito as National Artist for Visual Arts and Film.

"It's really an honor. Yun nga, he was given an award as National Artist, so it's really a big thing for us, for me as well, kasi nakatrabaho ko siya. Kahit naman saang contest, may aangal at mga mag-a-approve. Ganun talaga 'pag may mga awarding, di mo yun maiiwasan," saad niya.