Imee Marcos and Sen. Loren Legarda make environmental issues kid-friendly with Ligtas Likas 

Rommel L. Gonzales
Saturday, August 29, 2009 @ 01:35PM  |  53 views

Imee Marcos (in photo) and Senator Loren Legarda are trying to get children interested in the enviroment and waste management through Ligtas Likas, an animated film that features a compactor-robot and a nature whisperer.

Photo By: Paul Mata













Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ms. Imee Marcos noong August 26, sa Cinema 1 ng Shangri-La Cineplex sa special screening ng animated film na Ligtas Likas, isang proyekto nila ni Sen. Loren Legarda.

Ang Ligtas Likas ay maigsing pelikulang cartoon na tungkol sa pangangalaga at pagpoprotekta ng ating likas na yaman laban sa polusyon.

Pinagbibidahan ng batang babaeng si Maya at ng kanyang mga kaibigan, ang compactor-robot na si Bobot at ang nature whisperer na si Tatang, ang two-episode animated series, na nagawa sa pagtutulungan ng Creative Media and Film Society of the Philippines (CREAM) and the Office of Senator Legarda.

Ang story and screenplay ay sinulat ni Ms. Marcos at nina Peter Mayshle at Ann Angala Shy.

Ang animation ay sa direksyon ni Nasser Luceñada at co-directed ni Excy Salavarria.

Ang short film animation ay naglalayon na ituro sa mga bata ang tamang proseso ng recycling at tamang pamamaraan ng waste management base sa Ecological Waste Management Act of 2000 na authored at sponsored ni Senator Loren.

IMEE'S RETURN TO FILMMAKING. Ngayon lang ulit naging aktibo sa paggawa ng pelikula si Ms. Imee.

"Yeah! Noong 2007, nagsimula kami nung CREAM, para siyang NGO din na teaching studio. Para siyang NGO, non-government organization na tumutulong sa paggawa ng independent Filipino cartoon.

"Kasi karamihan dito puro outsourcing, para sa Disney, sa Toie Japan, at para sa kung anu-ano pang kumpanya na malalaki. Nakakapagturo naman ang mga kumpanya na ito ng animation sa ating mga kabataan so bale ang ginagawa nila e hindi mga kuwentong Pilipino kundi, siyempre, kuwento ng Disney at iba pang  kumpanya ng Japan at Korea.

"So, ang nais nating mangyari, magkaroon rin ng animation, films at games na likas na Pilipino," pahayag ni Ms. Marcos.

Bakit sila nag-collaborate ni Senator Loren?

"Kasi yung aming gustong mangyari... sapagkat yung sa amin [CREAM] gusto naming magkaroon ng mga independent Filipino animation, samatalang kay Senadora naman ang kanyang krusada para masagip ang kalikasan, e nandun naman.

"So nagkataon na nakaisip kami ng project na tamang-tama para sa dalawang layunin at tuwang-tuwa naman kami kasi naturuan  yung mga bata.

"Nakapagturo din kami in the meantime ng mga out-of- school youth dito tungkol sa flash animation. Simple lang siya pero nakakatuwa pa rin at masaya naman ang mga bagets na nanood kanina."

EXPERIMENTAL CINEMA. Si Ms. Marcos ang maituturing na ina ng Experimental Cinema of the Philippines (ECP) na gumawa ng mga makabuluhang pelikula noong dekada '80.

1  2  3  Next »

Related Articles

23 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name