After the wedding ceremony, Andy led Klaudia to the reception venue while singing "Perhaps Love," the couple's theme song (bottom left), after which they danced to "Baby, Now That I've Found You" (right), before slicing their wedding cake shaped like the Eiffel Tower in Paris (upper left), where they first fell in love.

Photo: Ruel J. Mendoza

Masayang-masaya ang former sexy actress na si Klaudia Koronel (Milfe Dacula in real life) dahil naging maayos at maganda ang kanyang kasal kay Andy Zhang, isang Chinese-American businessman. Ginanap ito last Friday, August 28, sa Iglesia Ni Kristo Temple sa Commonwealth Avenue, Diliman, Quezon City. Ang reception naman ay ginawa sa Fernwood Gardens.

Sa EDSA Plaza Hotel inayusan si Klaudia para sa kanyang bonggang wedding. Hindi nga makapaniwala si Klaudia na maisusuot na niya ang pinatahi niyang wedding gown na gawa ng fashion designer na si Edward Teng. May isa pa siyang sinuot para naman sa wedding reception. Gusto maiyak ni Klaudia habang suot na niya ang kanyang wedding gown, pero pinigilan niya ang kanyang sarili dahil baka masira raw ang makeup niya at madumihan ang kanyang all-white bridal gown.

Panay ang tanong ni Klaudia kung ano ang hitsura ng kanyang groom na si Andy. Hindi na nga kasi sila nagkita nito dahil sinunod nila ang pamahiin na bawal magkita ang mga ikakasal bago ang kanilang wedding day.

"Panay ang tanong ko nga kung guwapo ba si papa ko? Sinasabi naman sa akin na guwapo nga raw. Iniisip ko nga kung ano ang hitsura niya kapag nagkita kami sa simbahan. Kinikilig ako na hindi ko maintindihan," sabay ngiti ni Klaudia.

FUN WEDDING RECEPTION. Sinundo si Klaudia ng isang vintage Rolls Royce na siyang nagsilbing bridal car niya papunta sa simbahan. Pagdating roon ay kaagad na nagsimula ang wedding at throughout the ceremony ay kinakabahan si Klaudia dahil baka iba raw ang maisagot niya sa nagkakasal sa kanila.

"Kilala n'yo naman ako. Bukod sa pilipit ang dila ko, kung anu-ano pa ang mga naisasagot ko. Buti na lang naka-concentrate ako sa kasal namin at kapag tiningnan ko si Andy, nawawala ang kaba ko. Kapag ngumiti na siya sa akin, hayun wala na ang mga naiisip ko na nagpapataranta sa akin," diin niya.

Sa wedding reception ay may kakaibang drama ang bride and groom. Unang lumabas si Andy at inawit niya ang song na "Perhaps Love." Iyon pala ang theme song nilang dalawa ni Klaudia at sinundo pa niya ang kanyang bride habang pababa ng hagdan sa loob ng reception venue.

Pagdating nila sa gitna ng venue ay nagkaroon sila ng surprise dance number na ayon sa aming nakausap ay si Klaudia ang nakaisip at nag-choreograph. Marami ang natuwa sa cute na dance number nila to the tune of "Baby Now That I've Found You."

Kaagad nilang hiniwa ang kanilang wedding cake in the shape of the Eiffel Tower na matatagpuan sa Paris, France. Sa Paris daw kasi sobrang na-in love ang dalawa kaya malaki ang kinalaman ng famous landmark na iyon. Bukod sa wedding cake na iyon ay may smaller cakes sa paligid in the shape of different signature traveling bags tulad ng Chanel and Louis Vuitton.

Sa bawat mesa sa reception ay may centerpiece na may nakadikit na mga litrato nina Klaudia at Andy. Ito ay ang mga photos nilang kinunan habang nagta-travel sila sa iba't ibang bansa. Nakasabit naman sa backdrop at the center of the venue ang wedding pictorial nila na ginawa naman sa Fernbrook Gardens in Las Piñas City.

FAMILY SUPPORT. Nang makausap na namin ang bride and groom, nagpapasalamat sila sa suportang ibinigay ng kanilang mga pamilya. Parehong present ang kanilang mga magulang, pati na ang ang ibang kamag-anak at malalapit na kaibigan. Ang mga celebrity friends ni Klaudia na nandoon ay sina Ara Mina at Gladys Reyes na tumayong mga bridesmaids niya at ang GMA-7 broadcast journalist at film director na si Cesar Apolinario.

"Nagpapasalamat nga ako dahil dumating na ang araw na ito na akala ko ay hindi na darating. Heto, kasal na ako at Mrs. Milfe Dacula-Zhang na ako. Kung ano ang pinangako ko kay Andy ay tutuparin ko. Iyon ay ang maging mabuting asawa. Mamahalin, pagsisilbihan at pasasakop ako sa kanya habang-buhay," ngiti pa ni Klaudia.

Para naman kay Andy, masaya siya dahil nakatagpo siya ng babaeng mamahaling habang-buhay kay Klaudia.      

"Fe is a very simple and beautiful girl. What I liked about her is her being so honest. She never hid anything from me. The girl that I first knew in the chat room is the same girl that I've married and I am very proud of her.