"Yung sarili ko ngang anak, hindi ko magawang i-manage! Alam ko naman kung hanggang saan lang naman ako. I mean, I can help people, I don't have to be a manager. I help my friends with nothing in return," says Nadia Montenegro.

Photo: Elyas Isabelo Salanga

Isa si Inah Asistio sa naging special guest nina Sam Milby at Richard Poon sa nakaraan nilang concert na Two Boys na ginanap sa Metro Bar noong Sabado, August 29. After ng concert ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mommy ni Inah, ang dating aktres na si Nadia Montenegro, na kasama niya nang gabing yun. 

Tinanong ng PEP si Nadia kung may balak ba si Inah na pasukin na rin ang recording, bukod sa kanyang pag-aartista since maganda rin ang boses nito?

"Actually, talagang first love niya ang singing," sabi ni Nadia. "Nag-voice lesson na nga siya sa Center For Pop. Kung may offer sa kanya sa recording, siguradong matutuwa siya at tatanggapin niya yun."

NOT A MANAGER. Si Annabelle Rama ang tumatayong manager ni Inah. Since hindi na naman nag-aartista si Nadia, bakit hindi na lang siya ang nag-manage sa kanyang anak?

"I dont think I can," sagot niya. "I mean, I'm a mother. My daughter is worth more than whatever people think she is. So, ayokong magka-conflict sa ganoon. Kasi kumbaga, I want her feet to be on the ground pa rin na parang ang puwedeng, you know, ang hirap presyuhan ng anak mo, ang hirap hanapan ng magandang ano ang anak mo. Because she always deserve better for me, siyempre, di ba? I want somebody else's point of view para walang conflict."

Kung ayaw niyang mag-manager, bakit dati ay nabalita na gusto niyang i-manage ang career ng kaibigan niyang si Gabby Concepcion?

"No, never naman kaming nagkaroon ng usapan ni Gabby na ima-manage ko siya," paglilinaw ni Nadia. "Natawa na lang kami sa isyu. Yun ang pinalabas ni Mommy Rose [Flaminiano, Gabby's former manager] noon na gusto kong agawin sa kanya si Gabby. Yung sarili ko ngang anak, hindi ko magawang i-manage! Alam ko naman kung hanggang saan lang naman ako. I mean, I can help people, I don't have to be a manager. I help my friends with nothing in return."


NO TO POLITICS. Noong nakaraang national election ay tumakbo si Nadia bilang konsehal sa Caloocan, pero  hindi siya pinalad na manalo. Sa darating na eleksiyon sa 2010, muli kayang susubukan ni Nadia ang kapalaran niya sa showbiz? Muli kaya siyang tumakbo bilang Konsehal ng kanilang lugar for the second time?

"Ayoko na," sagot niya. "Kasi ako, I believe yung ginawa kong pagtakbo last election, sinabi ko na lahat, pinangako ko na lahat ng puwede kong gawin at balak kong gawin, pero hindi naman nila kinagat, hindi naman nila pinaniwalaan. So bakit naman ako tatakbo at mangangako ulit, di ba? Sabi ko nga, hindi mo naman kailangang ipilit ang sarili mo, e."