Naging emosyunal ang broadcaster na si Korina Sanchez sa panayam sa kanya ni Ted Failon sa dzMM kaninang umaga, September 2. Dinamdam nito ang isinulat ng batikang kolumnista na si Conrado de Quiros tungkol sa kanyang fiancé, si Senator Mar Roxas.
Umiyak si Korina dahil nasaktan daw siya nang mabasa sa kolum na ang mga taong nagnanais na maging presidente ngayon ay "too hungry for power."
"If you ask me, nilalahat niya. Parang si Mar, kasama dun. Doon ako naiiyak," sabi ni Korina.
Humihingi rin si Korina ng apology mula kay De Quiros.
Mariing pinabulaanan ni Korina ang pahayag ni De Quiros na "atat sa kapangyarihan" ang kanyang kasintahan. Kuwento ng broadcaster, nakahanap daw siya ng notebook na naglalaman ng mga sari-saring mga panalangin ni Roxas para sa Diyos. Itinatanong daw ng senador kung dapat ba talaga siyang tumakbo bilang pangulo.
Sabi ni Korina, "So, I opened the notebook and I found that it was full of prayers. It was something that he had never shown me. Parang halos every other day or every three days, he had an entry and he kept asking 'Panginoon, ito ba talaga ang gusto mong ipagawa sa akin? Is this really what you want me to do?' This has been so daunting on me. 'I want to cure this country. Gusto kong baguhin ang mga nakikita kong mali, pero bakit ba napakahirap?' 'Yan ang dasal niya."
Ayon pa kay Korina, naiiyak siya sa mga akusasyon laban kay Mar dahil kitang-kita raw niya sa mata ng kasintahan ang paghihirap sa desisyon na umatras sa posisyong pinapangarap, para na rin daw sa kapakanan ng bansa.
"Kitang-kita ko sa mata ko yung paghihirap ni Mar sa kanyang paglibot sa buong Pilipinas kasi kasama ako dun, e. Alam mo naman na ayaw kong iwan ang trabaho ko, lalo na sa radyo. Hirap na hirap ang katawan namin ng kakaikot ng buong Pilipinas. Nakita ko ang pagmamahal ng tao kay Mar," saad ni Korina habang umiiyak.
Dagdag niya, "Ang sama ng loob ko ay hindi dahil hindi tatakbo si Mar. Malinaw 'yan. I weep and I am very hurt not because Mar slid or gave way to somebody else. I am hurt because of some people who expressed doubt about Mar. That is the most painful to me. No one can say that about him. If it was about reluctance to power, I believe that among all of them, Mar is the most reluctant, as if reluctance is the main reason why somebody should lead the country."
Kahapon, September 1, ay umatras si Roxas sa kanyang planong pagtakbo bilang presidente ng Pilipinas upang magbigay-daan kay Senator Noynoy Aquino, kung sakaling magbalak itong tumakbo sa posisyong hinawakan ng kanyang namayapang ina na si former President Cory Aquino mula noong 1986 hanggang 1992.
Hanggang sa ngayon ay hindi pa nagpapasya si Aquino kung pupursigihin niya ang pagka-presidente ng bansa. Kailangan daw muna niyang pag-isipan ang kanyang magiging desisyon sa pamamagitan ng one-week "spiritual retreat." Hindi pa rin sigurado si Roxas kung tatakbo naman siya bilang pangalawang pangulo.
FORCE MAJEURE. Sa hiwalay na panayam, inamin ni De Quiros na tinukoy nga niya si Roxas sa kanyang kolum. Ngunit paliwanag niya, wala raw siyang nakikita masama sa kanyang mga naisulat.
Ayon sa kolumnista, natawag niyang "atat sa kapangyarihan" si Roxas dahil isa raw ito sa mga "presidential wannabes" na naakusahan ng "premature campaigning." Matatandaang isa ang senador sa mga maagang nagpalabas ng political ads sa telebisyon.
Ilan sa mga naipalabas nang mga TV ads ni Roxas ay may konsepto ng pagmamaneho ng pedikab, o kaya naman ay ang pakikipag-dayalogo sa mga mahihirap. Ang ginagamit na slogan ni Roxas ay ang mga katagang "Lalaban Tayo."
Dagdag din ni De Quiros, tinukoy niyang mas karapat-dapat na maging presidente ng bansa si Noynoy Aquino kaysa kay Roxas, at iba pang kandidato, dahil ito lamang daw ang nagpakita ng "reluctance" na makuha ang posisyon.






This is not sabi-sabi. Talagang I personally witnessed how badly she treats other people.
bagay nga kayong 2. parehong USERS!
kawawang lola korina. nabulilyaso ang matayog na pangarap. feelinggera kasi.
i remember may nabasa akong article na she will be on leave sa work nya for 6 years. para bang siguradong sigurado na siyang siya ang magiging first lady. buti nga sayo!lol lol
mar- bakit si korina pa? di ba sabi mo ayaw mong mabahiran nang masama ang pangalan nyo?
tandaan mo mar. si korina ang sisira sa maganda nyong pangalan. mark my word!
boooooo lola koring.
vote noy for president
ang taray kaya nyan nung namili yan sa cash and carry. nung kinuha nya yung sukli mula sa cashier. aba'y nag-alcohol agad! kaloka! parang wala cyang mikrobyo sa katawan. napakamatapobre pati nyan kung umasta sa mga empleyado ng supermarket. nagulat ako. ganun pala cya!
buti na yan koring you deserved it! pasalamat kana lang meron kang Mar, diko nga alam bat ka nagustuhan nyan eh..
he's a good politician
wiser 4 u to backout kz alam mo ng walang mangyayari khit na papogi ka ng papogi sa tv..kz marunong ng kumilatis ang mga pilipino ngayon di kamukha nuong araw na nadadaan sa pakanta-kanta at pakaway-kaway ang pilipino..'di na ngayon uy..