Malakas ang dating ng baguhang si Xiam Lim. Hindi nakapagtataka na kahit medyo bago pa lang siya sa showbiz ay nakasama na ang Kapamilya star sa Top 10 centerfolds ng Cosmo Bachelor Bash this year.
Pero bago pa man siya mag-artista, na-feature na rin siya sa Cosmo Bash last year, kung saan dumaan pa siya sa go-see.
"I was just modeling at that time. It was last September of last year and it was my first go-see ever. Kakagaling ko lang sa States noon. When I said I wanted to try modeling, yun ang pinaka-first go-see ko. Kinakabahan pa ako and I was super happy to know that I'm gonna be part of the shoot," kuwento ni Xian nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon na ipinatawag ng Cosmopolitan for the September 2009 issue.
This time, hindi na raw siya dumaan sa go-see at in-inform na lang siyang kasama siyang muli sa piling-piling 69 bachelors.
"Super happy po akong talaga noong sinabihan ako," sambit ni Xian.
Sa September 10 ang fashion show ng Cosmo Bachelor Bash sa NBC Tent. So, this time na mas kilala na siya at umeere na ang kanilang serye na Katorse, ano naman ang pinaplano niyang gimmick?
"Last year po kasi, naka-long-sleeve pa ko. This time, wala nang long sleeve!" natatawa niyang sabi.
"Pero tingnan po natin kung ano ang maiiba sa akin this year," pahabol niya.
Magta-trunks na lang ba siya?
"Tingnan po natin... Titingnan ko rin po sa result ng katawan ko that day kung ano ang maramdaman ng katawan ko."
Nagdyi-gym na raw siya as part of preparation. Pero dati raw, nagpapalaki siya ng katawan para sa pagiging basketball player niya. Ngayon nga lang daw na nakasama siya sa Cosmo Bachelor Bash, ibang workout naman ang ginagawa niya to show his sexiness.
Pero ayon kay Xiam, hindi naman daw siya nakikipagtalbugan with other Cosmo Bachelors.
"For me naman, I don't consider it as a competition. I just want to enjoy it to the fullest talaga and just do my best. Kung ganito ang katawan ko, I'm just gonna be happy," aniya.
Inimbitahan na ba niya ang co-star niya sa Katorse na si Erich Gonzales sa Cosmo Bachelor Bash?
"Actually, sinasabihan ko siya sa set, kami ni Ejay [Falcon] actually. Ejay was always telling them sa set na, 'Uy, nood kayo ha!' Sabi nila, 'We'll see.' Kasi, busy naman silang lahat. We'll be lucky kung makapunta man sila."






Hay naku nagpapansin hahaha.
Ang ganda rin kaya ng kay Toni. Tawa ako ng tawa.
ang darna.,alam na ang story.,laban-laban.,lipad-lipad.,lunok bato, etc.
gma 7 move on kau..kc matagal ng naka-move on c angel...pinapakita nyo obviously ang pagsasapaw nyo sa career nya..wish ko lng alang remake ang mulawin, mahila at asian treasure ni angel at ang bidang..cno pa?.
tama ung isang nag-comment d2.,sinsabi lng yan nga mga baklang di nya pinansin.
normal sa isang gwapong artist ang tsismis na yan.,piolo, sam, eric, enchong dee, jed madela, at cno-cno pa!
e, pagdating ke roderick paulate?.,ano comment nila..hindi xa bakla???!!!!..compared nyo nga xa sa mga sinasabing mga bakla ng ABS-CBN
Well sana kung totoo yun,dapat binulgar na iyon nung kapatid ng ex-gf ni Xian. Nabasa ko yun eh,galit na galit siya kay Xian kasi iniwan yung kapatid niya dahil sa pag-aartista dito sa Pinas. 3 years din sila nung girl. Fil-Am yung girl,nabasa ko lang dati,hindi ko pa nga kilala si Xian non eh.
sa bhauz, inaabangan ang katorse kahit midnyt na kung ipalabas sa TFC.
c juris pla ung nag-revived sa kanta!
e erich, magaling na nga, maganda pa!