Suportado si Uma Khouny ng kanyang mga kaibigan from Pinoy Big Brother Season 1 at travel show na Trip na Trip sa ginanap na launching cum fashion show ng My Philippines nationalistic shirts sa Aresi Bar, Tomas Morato, noong Lunes ng gabi, August 31.
Si Uma ang isa sa mga designer ng My Philippines shirts, along with other Pinoys who excel in different fields—Illac Diaz, Gilbert Remulla, Carissa Escueta, Arnold Balais, Aissa Peñafiel, Niccolo Cosme, Raymond Red, at Joe Dean Solo.
Bukod sa kanila, may statement shirts din ang grupo ng Cory Aquino Tribute, Bagong Doktor Para Sa Bayan, Trip Na trip, UP Mountaineers, at Youth Volunteers from University of the Philippines.
Bawat personality at grupo ay may piniling foundation na makakatanggap ng shares sa bawat mabebentang t-shirt. Ang collection shirts ni Uma ay tinawag niyang "Gayuma," samantalang ang napili niyang foundation ay ang Kythe, Inc., na tumutulong sa mga batang may cancer.
UMA'S GAYUMA. Ipinaliwanag ni Uma sa PEP kung bakit Gayuma ang naisip niyang ipangalan sa collection shirts niya at kung bakit Kythe, Inc. ang napili niyang foundation.
"Well, it's Gayuma, My Philippines Shirt by Uma Khouny. Ito yung bagong line ko. Actually, ever since na namatay ang lola ko two years ago, I've always wanted to do something sa mga batang may cancer or kahit sinuman na may cancer. Hanggang sa nag-alok sila sa akin, My Philippines shirt, nag-alok sa akin na mag-design and we came up with a design na Gayuma," saad ng dating PBB housemate.
First attempt daw ito ni Uma to design a shirt.
"Alam mo, hindi ako ganoon kasikat," sabi niya. "Hindi ako ganoon ka-masuwerte sa showbiz. But, ang daming ibinigay ng Diyos sa akin. I was nothing before. I mean, in the Philippines. I didn't have a job. After PBB, I was so blessed. Hanggang sa ngayon, salamat sa Diyos, I still have my own show, Trip na Trip. And I always say, mas lucky ako sa maraming sikat na artista because I get to travel around the Philippines. Sila studio lang, ako location."
For every Gayuma shirt na mabebenta, P50 will go to Kythe, Inc.
"We don't know siyempre kung ano ang pinagdadaanan nila sa hospital. So, yung maliit kong way na yun, my simple way to support them naman," banggit ni Uma.
UMA LOVES THE PHILIPPINES. Tinanong ng PEP si Uma, who is Filipino-Israeli, kung ang pagiging makabayan ba niya ay nagsimula lang nang mag-host siya ng tavel show ng ABS-CBN na Trip na Trip?
"Sa totoo lang, magiging sinungaling ako kung sasabihin kong makabayan ako. Before, Philippines for me was, wala...another place to go. Alam mo na, magpa-party ka. Kung magdadala ka ng pera sa abroad, galing akong Israel, dadalhin mo pera rito, wow, may pera ka! Malaki ang pera, di ba?
"You will never appreciate Philippines unless you live dito, you work here, and you get to know the people. Dati, I have this ugali na... Ayoko namang sabihing bastos, pero rude nang konti. Nakita n'yo naman ako sa PBB, di ba? Nakita n'yo ang mga ugali sa PBB, wala akong pakialam. Masaktan ka man, who cares? Even after PBB, siguro hanggang ngayon pa!" natatawa niyang sabi.
Dagdag niya, "But you know what, kapag kasama mo ang nga Filipino, nag-iiba ka, nag-a-adjust ka nang dahan-dahan. Kasi, people before, parang pinu-force nila ako na, 'Uma, kailangan mong mag-change! Hindi ang buong Pilipinas ang magtse-change para sa 'yo. Ikaw ang dapat mag-change sa Pilipinas.' E, siyempre, ayaw ko, ayaw ko, matigas ang ulo ko, wala akong pakialam. Pero mangyayari at mangyayari yun nang dahan-dahan."
So, would he say na nag-mellow na rin siya?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
35 remyr12
34 power
Wala naman masama maging GAY noh!
Kung magdedeny ka lang, lalong sasama!
GO GO GIRL! At least lumalaki ang Kafamilia Chenesis Sivi En Network! Charing!
33 rain_raine
32 moviecritique
31 0210bonie
30 black_bacarra
29 winged_angel
I like Uma. He is super nice and polite in person.
And he is right, he has the best job. He gets to travel and earn at the same time.
People should get over the sexuality issue. It's his life.
28 agi07
27 cagayana2
26 maldito
25 agi07
24 badjaobabe
23 iza_marian7
22 alibangbang
hummmmm....about sam and uma's sis...possible...di bah dati na aacuse si uma na palaging ginagamit ang name ni sam...uma naman parang affected lagi sa pangyayari sa buhay ni sam ang lakas ng loob na nag cocomment agad...basta ang masasabi ko lang ang tatalino ng mga pepsters...minsan mas marami pa akong nalalaman sa comments kaysa news itself na paligoy ligoy lagi..mabuhay mga pepsters! keep it up..lol
21 an2ni
September 3, 2009
16:26 PM
huy magtigil ka nga may nagpuna lang kay sam automatic na kapuso agad! noh bang utak meron ka iho!!!!
hello ako kahit kapuso gusto ko si sam anne kc at piolo noh!!!!
20 shaun_buggy
19 shrekky
18 sapulasaputi
17 wInDYLiCiOuS
ang galing ng analysis mo..hahahaha..i had a good laugh..thanks!
16 takeyurichie
more comments