Paalis sa September 11 ang actress-TV host na si Valerie Concepcion patungong Hong Kong kasama ang kanyang buong pamilya.
Masayang-masaya si Valerie dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na maisasama niya abroad ang kanyang only daughter na si Heather Fiona, na four years old na at nasa Kinder 1 na.
"As in, super happy ako!" sambit ni Valerie nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Matagal ko na kasing promise sa anak ko na dadalhin ko siya sa Hong Kong Disneyland, and finally, matutupad na. Kahit nga ang anak, sobrang excited na siya na makapunta sa Disneyland. Finally kasi, makikita na niya ang mga favorite cartoon characters niya na dati napapanood lang niya sa TV at nakikita sa pictures.
"Nag-promise din ako kay Heather Fiona na kapag matataas ang grades niya sa school, dadalhin ko siya sa Disneyland. E, matataas ang grades niya, lahat A, may isang A-minus. Napakatalino ng anak ko!
Dagdag niya, "Matagal ko na itong plano, hindi lang para sa amin ng anak ko, kundi pati na rin sa parents ko at mga kapatid ko.
Kasama rin kasi ni Valerie na magbabakasyon for four days—September 14 ang uwi nila dito sa Pilipinas—ang parents niyang sina Rudy at Mayette, at mga kapatid niya na sina Erika, Juan Paolo, at Juan Rodrigo. Bale pito sila na buong mag-anak na lilipad papuntang Hong Kong.
"Kaya super-bonding talaga ang gagawin namin sa Hong Kong," dagdag na sinabi ng actress-TV host.
Nasa U.S. ang Wowowee mula September 4 hanggang 16 at hindi kasama si Valerie. Ito ang pagkakataon para kay Valerie na makasama sa isang bakasyon sa labas ng bansa ang kanyang buong pamilya. Sagot daw ng actress-TV host ang lahat ng gastos sa kanilang pag-a-abroad.
"Dire-diretso ang trabaho ko, halos hindi na ako nagpapahinga. Kaya siguro naman, I deserve a much-needed vacation with my family," saad niya.
Dahil sa kasipagan ni Valerie sa pagtatrabaho, hindi katakatakang inaaani niya ngayon ang bunga ng kanyang pagsisikap. After niyang makabili ng bagong house and lot last April, very recently naman ay nakabili siya ng bagong sasakyan.
Ang nabili niyang bahay at lupa ay located sa isang exclusive village sa Quezon City—a four-bedroom house na nakatayo sa lote na 344 sq.m.
Isa ito sa mga bunga ng anim na taon ni Valerie sa showbiz mula pa noong nasa GMA-7 siya at nagsisimula pa lang gumagawa ng pangalan via the teen show Click.
Bayad na ang kalahati ng kanyang bahay at ang kalahati ay naka-loan naman sa bangko at binabayaran ni Valerie every month. Ang kasama ni Valerie sa naturang bahay ay ang kanyang mga magulang, ang tatlo niyang kapatid, at ang anak niyang si Heather Fiona.
Ang kabibili namang sasakyan ni Valerie ay isang brand new Toyota Super Grandia na kulay puti. Ang dati niyang van na ginagamit ay pag-aari ng kanyang ama kaya bumili na siya ng sasakyan na matatawag niyang kanyang-kanya talaga.






Nakakatuwa naman kasi puro positive comments sayo dito.
May talent si Val, she can sing, dance and acting.
Pero ang comment ko lang si Dondon Hontiveros ay indi pa hiwalay sa asawa niya. mahirap yan.
midnightblue
September 4, 2009
13:18 PM nabasa ko siya sa yes mag, breadwinner pala siya, aside from her daughter na nag-aaral na, tatlo pa ang kapatid niyang nag-aaral din. bakit naman kailangang mag-resign sa mga trabaho nila ang parents niya, e mga bata pa naman sila, at maganda ang trabaho. accountant ang mommy niya,at bank manager ang daddy niya. sayang naman.
---para si valerie na ang bubuhay sa kanila. ganun lang yun kasimple...
..u deserve it all..
..ur so nice 4 everybody..keep it up..godbless val!..congratz sa high grades ng baby mo..!
Palakpakan...
I love you Val
sa mga comments dito..positive ka! heeheh keep it up good girl!
tama ang ginagawa mo val kahit hindi ka sikat na sikat as long as tuloy tuloy ang work, that is better..tuloy tuloy ang kita... and goodluck din sa mga businesses mo ha...para naman may pagkakaabalahan din mga siblings mo.....youre such a good daughter and sister kaya ka pinagpapala!