Sinadya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Deputy National Security Adviser at former Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson sa bahay niya sa Corinthian Gardens, Quezon City, kahapon, September 4. Personal namin siyang kinausap tungkol sa reklamo na isinampa laban sa kanya ng sinasabing live-in partner niya na si Rachel "Che" Tiongson.
Bagamat ilang beses na siyang nagpa-interview, may mga bagong rebelasyon si Chavit tungkol sa insidente na nangyari noong August 22, 2009, sa pagitan nila ni Che, at sa mga pangyayari sa loob ng labimpitong taong pagsasama nila.
Matatandaang sinampahan ni Che si Chavit ng paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and Children Act noong September 2 dahil sa pambubugbog ng dating governor sa kanya. Humingi rin si Che ng temporary protection order sa Quezon City Regional Trial Court.
Sa radio, TV at print interviews ni Chavit noon ding September 2, inamin niya ang pambubugbog kay Che, pero hindi niya direktang sinabi kung siya mismo ang nambugbog o ang kanyang bodyguards.
THE NIGHT OF AUGUST 22. Sa panayam ng PEP kay Chavit, hindi pa rin siya nagsasawa sa pagkukuwento tungkol sa mga nangyari noong gabi ng August 22.
Kuwento niya, "Tinatawag-tawagan pa ako [ni Che] nung nahuli ko. [Sabi ni Che], 'Matagal ka pa ba sa Vigan? Nami-miss na kita.' 'E, matagal pa,' 'kako. 'Dalawang araw pa,' 'kako.' Hindi niya alam, sinusundan ko na sila.
"Kasama na niya yung lalake, ha? Nagpaalam pa siya, 'Hindi ako lalabas ngayong gabi. Dito ako sa bahay, inimbita ko mga kaibigan dito. Mga babae kami lahat. Mag-iinuman kami rito.' 'Ok, good,' 'kako. Hindi nila alam, kasunod nila ako."
Ano ang naging reaksiyon niya nang makumpirma nga niyang may kasamang ibang lalaki si Che?
"Masama. Kung yung iba, magdidilim ang paningin. Kaya yung mga nakakakilala sa akin, nagsabi na, 'Mabait pa rin kayo.' Yung babae [Che] mismo ang nagsasabi na, 'Nagpapasalamat pa rin ako dahil binigyan mo pa rin kami ng buhay.' Alam niya na mabait ako kaya 'good luck,' 'kako na lang," saad ni Chavit.
(Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Che ay inilarawan niya ang "torture" at "trauma" na naranasan niya noong gabing 'yon. Click here to read related story.)
NOT THE FIRST TIME. Ayon kay Chavit, hindi ito ang unang pagkakataon na nahuli raw niya si Che na may karelasyong ibang lalaki. Ang unang insidente raw ay nangyari noong nakaraang taon.
"Noong una, hindi ko na pinansin siya. Panay ang text niya na, 'I'm in the process of reconciliation.' Pinabayaan ko na lang. Ang kawawa kasi yung mga bata."
Humingi raw ng tawad sa kanya si Che noong January 2009 at pumayag daw siya sa pakiusap nito na huwag silang maghiwalay.
"May sulat... may text. Yung pangalawang sulat nga niya, 'Pangalawang [beses] ko nang pagkakasala ito, patawarin n'yo na uli ako.' Yung una, yung batang kinalokohan..." banggit ni Chavit.
Sino ang "batang" tinutukoy ni Chavit?






July 28, 2003
Anti-Violence against women and their children Act
Sec. 32. Duties Of Other Government Agencies and LGU's. Other govt agencies and LGU's shd establish programs such as, but not limited to, education and information campaign and seminars or sympsia, on the nature, causes, incidence and CONSEQUENCES of such violence , particularly towards educating the public on its social impacts. It shall be the duty of the concerned govt agencies and LGU's to ensure sustained education and training OF ITS OFFICERS and personnel on the prevention of violence against women and their children, under the act.
NORBERTO GONZALES, knock, knock. This section is for you. And you too, Chavit.
I am disgusted by this man. He does not deserve the salary that the Filipino taxpayers are paying him. He obviously does not know his job. As a member of the executive branch of government, he should be first to uphold our laws. He should be the one escorting Chavit to prison for violating our laws but instead he is admonishing us to disregard our laws?!
Mr. Gonzales, compassion should be earned. Chavit must first show contrition and accept culpability for hitting a woman. Habang patuloy syang sumisigaw na 'wala syang kasalanan', he does not deserve compassion.
Gonzales and Chavit should both be fired!
based sa interview with chavit, well-planned at talagang nasubaybayan ang bawat galaw ni che.
well, you can't blame the old man, kung bakit ganun ang nangyari, mainitin ang ulo ng mga iloco lalo na pag pinendeho ng asawa/kinakasama i've witness yung dating kapitbahay namin, iloko din -- nagwawala habang may hawak na bolo
-- kung ako kay che, dapat end ko muna yung relationship kay chavit bago nag-plunge sa ibang relationship sa ibang lalaki -- alam naman siguro niya ang temperament level ni chavit.
BUT STILL may BATAS tayo NA DAPAT-DAPAT SUNDIN ... well, its a high profile case .. goodluck!
letters, text messages, calls, deposit slips ...
sayang naman yung pagbabasa ko at post ko, only to be deleted.