PEP EXCLUSIVE. PART II. Chavit Singson threatens to reveal more about Che Tiongson in court

Jojo Gabinete
Saturday, September 05, 2009 @ 11:14PM  |  752 views

 

"Sa korte ko na lang ipapaliwanag at hindi totoo na niligawan ko siya. Malalaman n'yo na lang sa korte. Yun ang sinungaling niya. Pero kung may mukha siya, ikukuwento ko lahat kung saan siya galing. Kung saan ko siya pinulot bago ko siya binihisan at ibinigay ko ang lahat ng gusto niya," says Chavit Singson about Che Tiongson.

Photo By: Noel Orsal













"HINDI KO SIYA NILIGAWAN." Sa kanilang dalawa, si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson ang unang nagsalita sa media tungkol sa pambubugbog niya kay Che Tiongson. Hindi ba siya nagdalawang-isip bago niya isinapubliko ang nangyari?

"Oo nga, nakakahiya," sagot ni Chavit. "Unang-una, 'kako, mga bata masisira. Sila ang una... Siguro desperate na sila [Che and her family], walang makuhang pera sa akin. Yun nga, humihingi ngayon sa mga kaibigan niya ng pera para... tutal malakas ang kaso, sabi niya. Sa sulat, nandoon lahat, araw-araw puro pera ang hinihingi."

Hindi kaya may pagkukulang din siya?

"Na-spoiled! Yun nga, dapat leksiyon 'yan sa ating mga lalake. Dapat hindi ma-spoil ang mga babae, pero bihira naman siguro ang ganyan. Pambihirang babae lang itong natagpuan ko. Talagang sobrang bait ko kaya tumagal kami nang tumagal," papuri ni Chavit sa kanyang sarili.

Sa panayam ni Che, sinabi niya na niligawan siya ni Chavit at pinapadalhan pa ng mga bulaklak. Minahal din daw niya ang dating governor. Ano ang reaksiyon dito ni Chavit?

"Sa korte ko na lang ipapaliwanag at hindi totoo na niligawan ko siya. Malalaman n'yo na lang sa korte. Yun ang sinungaling niya. Pero kung may mukha siya, ikukuwento ko lahat kung saan siya galing. Kung saan ko siya pinulot bago ko siya binihisan at ibinigay ko ang lahat ng gusto niya," malaman na pahayag ni Chavit.

Ano ang reaksiyon niya sa sinasabi ni Che na she wants her freedom back?

"Doon ako naiinis, sa freedom back," ani Chavit. "Nang pinaalis ko siya, 'yan ang freedom niya. Bakit siya bumalik-balik dito? And to prove it, I have all the letters up to the last minute."

Ilang taon tumagal ang relasyon nila?

"Sixteen? Siguro 17 years. Kaya nga mabait din ako, tumagal pa. Dapat, e... 'Saka marami pang lalabas kapag nag-umpisa sa korte. Hindi lang dalawang lalake ang sasabihin ko. Meron pang iba. Nakakahiya lang na ibulgar lahat dahil sa mga bata. Lalabas at lalabas ang ibang mga kinalokohan niya na tao. Nakakahiya lang, pero 'andoon na, e. Yun ang mangyayari," banta niya.

Nakapagtataka lang na bagamat sinabi ni Chavit na hindi pa sila hiwalay ay sa isang apartment na malapit sa bahay niya sa Corinthian Gardens nakatira si Che, at hindi sa bahay niya na kasama ng kanilang limang anak.

LIFE AFTER CHE. Ayon kay Chavit, para raw siyang nabunutan ng tinik ngayong wala na sa buhay niya si Che.

"'Yon ang pakiramdam ko! At least, natapos na lahat. After this, mananahimik na kami.  At bahala na siya sa buhay niya. Wala siyang makukuha sa akin kahit na isang pera. Yung mga bata, kung gusto niyang kunin at 'yon ang sabihin ng korte, okey lang, e. Pero yung mga bata, ayaw, e. In-explain ko sa kanila kagabi, sabi nila, 'Ayaw namin.'

"Kasi, palayas siya. Palagi kong sinasabi, 'Doon ka lang sa bata. Mag-bonding kayo.' Sasagot siya ng oo. Pinipilit kong isama sa shopping, 'shopping kayo,' oo raw, pero iiwanan [ang mga bata] sa maid. Lalayas na 'yan."

Sa palagay ba niya ay dapat humingi ng tawad sa kanya si Che? 

1  2  3  Next »

Related Articles

466 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name