Dumating kaninang bandang ala-una ng hapon, September 7, mula sa Zamboanga ang crew ng Star Cinema na nakaligtas mula sa paglubog ng SuperFerry 9, ang barko na sinakyan nila sa General Santos City para makabalik sila sa Maynila.
Isang production crew ng Star Cinema ang kasama sa siyam na nasawi sa trahedya na naganap kahapon ng umaga. Kinilala ang biktima na si Fernando "Ronnie" Estrada, isang camera man. Ipinagluluksa ng Star Cinema ang pagpanaw ni Ronnie at nagpapasalamat din sila dahil buhay ang ibang mga miyembro ng crew.
Kasama sa paglubog ng barko ang mga camera at generator ng Star Cinema na ginamit sa shooting ng pelikula nina Ai-Ai delas Alas at former President Joseph Estrada.
Dumayo sa General Santos City ang production crew ng Star Cinema dahil kay Mommy Dionisia Pacquiao, ang ina ni Manny Pacquiao. May special participation si Dionisia sa pelikula at para makunan ang kanyang mga eksena, siya ang pinuntahan ng mga artista at production crew ng Star Cinema sa GenSan.
Hindi pumayag si Dionisia na lumuwas sa Maynila para sa shooting ng pelikula. May panata at paniniwala ang ina ni Manny na dapat siyang mamalagi ng tatlong magkakasunod na buwan sa GenSan dahil kung hindi ito matutupad, baka may masamang mangyari.
Samantala, nakatanggap naman ang PEP ng text message mula sa managing director ng Star Cinema na si Ms. Malou Santos kaugnay ng trahedyang naganap.
Narito ang kanyang mensahe:
"We thank God for the safety of our 28 production crew members as we mourn the loss of one camera man, Fernando Estrada. We also extend our appreciation to the Philippine Navy and Coast Guard teams and the crew of private sea vessels who help in the rescue process that saved hundreds of lives including our people. They are now back in Manila and will be given necessary assistance."






why just don't you give sympathy instead of giving such nonsense and unreasonable and irresponsible comments.
Nakakahiya kayo lalo ka na jcusero8. Parang natuwa ka pa na may namatay. Shame on you. ikaw dapat ang ma-bad karma.
sa mods, bkit nakakalusot ang mga ganito. nakakawalan kayo ng respeto.
badjaobabe
September 7, 2009
21:56 PM
ditto on that. i've always sensed that pep is biased which is understandable nman but in issues like this, sana nmn mging objective cla.
ur right, these are the instances na nakakahiyang mging pinoy. isn't it quite ironic that several families are mourning over the lose of their loved ones in the tragedy, while some of the pepsters here only care about the petty network war? haays. and worse PEP IS ALLOWING THESE FORMS OF DISRESPECT. tsk. tsk.
off topic... bago ata user name mo? =D
franchescarya
nne
it saddens me sa totoo lang nakakabasa ng ganyan.
so naorphan si kris? ibig sabihin karma din sa mga aquino? masama ba silang tao? namatay si markie at si kiko magalona? may naagrabyado ba sila? i don't think so
ganito na ba kawalang isip at puso ang ibang kababayan natin?
wag mo nang asahan ang mods. sometimes i feel like they deliberately post articles here na maaring gawing outlet ng mga diehards para malait lait nla ang kalabang network. pero silent sila sa issue na may kinalaman against sa pinapaboran nilang istasyon
jcuser08
September 7, 2009
21:07 PM
Karma lang yan sa evil abs.
----------------
oh wow. i can't believe it. WHERE ARE THE MODS? why are they allowing comments like this one proliferate in this thread? isn't this a very GRAVE DISRESPECT to the victims of the tragedy??
wake up mods.
jcuser08
September 7, 2009
21:07 PM Karma lang yan sa evil abs.
...
pagpalain ka ng panginoong diyos.
angels_date20
07
September 7, 2009
16:50 PM K A R M A. Kayo na naman ang sinisingil ng mga kaluluwang uhaw sa hustisya
... hell be with you.
kung ng-plane ang crew ng star cinema at ng-crash kasalanan din ng star cinema kasi ang bigat naman ng crew dahil 20 plus sila..
hay naku..