"For now, nagku-concentrate talaga ako sa ginagawa ko regardless kung ano ang resulta, regardless kung magustuhan man ito ng kokonti o ng marami. But at the end of the day, gusto ko siya and gusto ko ito," says Dingdong Dantes about his acting job.

Photo: Noel Orsal

"Kung sa specific assurance, wala talaga, e," aniya. "Walang ganyan-ganyan na eto, gano'n. Sa totoo lang, ayoko ko siyang pag-usapan specifically dahil ito ang pinili naming kailangang gawin sa mga buhay-buhay namin.

"We have to give due respect to each other with regards to kung ano yung ginagawa namin professionally. Like ako rin sa kanya, I do not meddle with what she's doing. Pero at the same time, todo-suporta na lang sa isa't isa. Kahit no'ng umpisa naman, kahit no'ng magka-partner kami, thankful kami sa lahat ng dumarating sa amin, sa lahat ng nakukuha naming blessings, and we were aware before, the time will come na magkakaroon kami ng iba't ibang kapareha. Pero pagdating ng time na yun, dapat kailangan talagang suportado pa rin natin ang isa't isa."

Sabi naman ng iba, na kay Rhian daw ang lahat ng katangiang puwedeng magustuhan ni Dingdong, gaya ng pagiging matalino, maganda, talented, smart, at higit sa lahat sariwa at bata. Dagdag pang may image daw ang aktor na nai-in love ito sa halos lahat ng mga nakakapareha niya sa serye.

"Gano'n?" nangingiting reaksiyon ni Dingdong 'tsaka nagsalita. "Well, minsan naman ang trend nasisira. Minsan may mga trend na napuputol. So, baka naman huwag na nating sundan ang trend na yun." 

FIRST KISS WITH MARIAN & RHIAN. May passionate kissing scenes sina Rhian at Dingdong sa Stairway To Heaven. Umiwas ang aktor na pagkumparahin ang kissing scene nito kay Marian sa mga nagawa niyang TV projects kasama ang nababalitang kasintahan at sa kissing scene nila ni Rhian.

"Mahirap namang sagutin 'yan, kasi wala namang comparison," tanggi niya. "Unang-una, yung mga scenes namin ay very tender. Kung napanood n'yo pa yung mga first few scenes namin, kumbaga, very raw yung love. Hindi ko masabing passionate love... Tender, very tender 'etong istorya na ito."

Hindi na nga raw maalala ni Dingdong ang first kiss nila ni Marian sa unang project na pinagsamahan nila kaya hindi rin niya mai-compare ito sa first kiss naman niya with Rhian.

"I am sure kailangang may magic talaga sa mga gano'n," saad niya.

May magic ba talaga sa kanilang dalawa ni Rhian?

"Gaya nga ng nasabi ko, talagang na-feel ko ang character at yun ang talagang pinakaimportante sa lahat," tugon ni Dingdong.