"For now, nagku-concentrate talaga ako sa ginagawa ko regardless kung ano ang resulta, regardless kung magustuhan man ito ng kokonti o ng marami. But at the end of the day, gusto ko siya and gusto ko ito," says Dingdong Dantes about his acting job.

Photo: Noel Orsal

Nabibigyan ng ibang kahulugan ang unti-unting paghusay ni Dingdong Dantes sa acting. Lalo na't pinuri siya at ang kapareha niyang si Rhian Ramos ng GMA-7 SVP for Entertainment na si Ms. Wilma Galvante bilang "effective actors" sa kanilang bagong serye na Stairway To Heaven sa ginanap na presscon nito kagabi, September 7, sa Studio 7 ng GMA Network Studios.

Sinasabing may effort daw si Dingdong na paghusayan ang kanyang acting para pumantay siya sa kasikatan ng kanyang rumored girlfriend na si Marian Rivera, na binansagan pa ng Kapuso network bilang "Primetime Queen."

"Kailangan naman talagang paghusayan," ani Dingdong sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kasi yung ipinagkakaloob sa amin, isang malaking responsibilidad, e. Kumbaga, isang bagay na hindi naman lahat nabibigyan. And ako, ever since, thankful ako sa lahat ng biyayang ibinibigay sa akin ng network. So, dapat talagang pangalagaan and i-enjoy na rin.

"Well, ako, I admire her for what she's doing," dugtong ng aktor tungkol kay Marian. "Kumbaga, I believe that no one else can do that. At sa lahat ng ginagawa niya, todo-suporta ako.

"On the other hand, nagkataon lang din na I also have a job to do and for me, it's a job much more than a career. It's a job. For now, nagku-concentrate talaga ako sa ginagawa ko regardless kung ano ang resulta, regardless kung magustuhan man ito ng kokonti o ng marami. But at the end of the day, gusto ko siya and gusto ko ito."

Sa halip nga raw na ma-insecure si Dingdong sa kasikatan ng kanyang nababalitang kasintahan at ang pagkakaroon nito ng maraming admirers at fans, mas lalo pa siyang napabilib kay Marian.

"Naniniwala ako doon na maganda siya at para sa akin, wala talagang papantay sa kagandahan niya. So, kumbaga, lahat ng sinasabi nilang gano'n, alam ko na yun," sambit niya.

Proud pa nga raw si Dingdong na marami ang nagkakagusto kay Marian.

"Oo naman. Kumbaga, hindi mo mapipigilan na magkaroon ng mga nag-a-admire sa kanya. Kumbaga, there's a reason why she's admirable and, kumbaga, hindi naman natin ipinagdadamot 'yan, e. Kung selos, wala," paniniguro niya.

NOTHING TO BE JEALOUS ABOUT. Natatawa lang si Dingdong sa mga balitang naririnig niya na nagseselos daw si Marian kay Rhian.

"Sa paniniwala ko at wala talagang dahilan para magselos," diin niya. "Kahit may assurance o wala, walang dahilan para magselos siya."

Panatag ang loob ni Dingdong na hindi magkakaroon ng gimik para mag-rate ang serye nila at palabasing may nabubuo nang totoong relasyon sa kanilang dalawa ni Rhian.

"Meron naman akong isang paniniwalaan na we won't make an effort to do that. And because, kaming mga professional na tao... Hindi sa sinasabing magkakaroon ng gimik, pero we are focused doing our characters right.  Kumbaga, maaaring maging resulta na lang yung ibang usap-usapan kung anuman. Pero ang main priority namin is mapaganda yun," paliwanag niya.

Hindi madetalye ni Dingdong kung anong klaseng assurance ang ibinibigay niya kay Marian para hindi ito makaramdam ng selos kapag nagsimula na ang isyu sa kanilang dalawa ni Rhian.