news

Dingdong Dantes says there's no need to link him to Rhian Ramos for the ratings of Stairway To Heaven

by Rey Pumaloy posted on September 8, 2009  STATS: 21077 Views | 137 Comments

 

"For now, nagku-concentrate talaga ako sa ginagawa ko regardless kung ano ang resulta, regardless kung magustuhan man ito ng kokonti o ng marami. But at the end of the day, gusto ko siya and gusto ko ito," says Dingdong Dantes about his acting job.

Photo By: Noel Orsal

Nabibigyan ng ibang kahulugan ang unti-unting paghusay ni Dingdong Dantes sa acting. Lalo na't pinuri siya at ang kapareha niyang si Rhian Ramos ng GMA-7 SVP for Entertainment na si Ms. Wilma Galvante bilang "effective actors" sa kanilang bagong serye na Stairway To Heaven sa ginanap na presscon nito kagabi, September 7, sa Studio 7 ng GMA Network Studios.

Sinasabing may effort daw si Dingdong na paghusayan ang kanyang acting para pumantay siya sa kasikatan ng kanyang rumored girlfriend na si Marian Rivera, na binansagan pa ng Kapuso network bilang "Primetime Queen."

"Kailangan naman talagang paghusayan," ani Dingdong sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kasi yung ipinagkakaloob sa amin, isang malaking responsibilidad, e. Kumbaga, isang bagay na hindi naman lahat nabibigyan. And ako, ever since, thankful ako sa lahat ng biyayang ibinibigay sa akin ng network. So, dapat talagang pangalagaan and i-enjoy na rin.

"Well, ako, I admire her for what she's doing," dugtong ng aktor tungkol kay Marian. "Kumbaga, I believe that no one else can do that. At sa lahat ng ginagawa niya, todo-suporta ako.

"On the other hand, nagkataon lang din na I also have a job to do and for me, it's a job much more than a career. It's a job. For now, nagku-concentrate talaga ako sa ginagawa ko regardless kung ano ang resulta, regardless kung magustuhan man ito ng kokonti o ng marami. But at the end of the day, gusto ko siya and gusto ko ito."

Sa halip nga raw na ma-insecure si Dingdong sa kasikatan ng kanyang nababalitang kasintahan at ang pagkakaroon nito ng maraming admirers at fans, mas lalo pa siyang napabilib kay Marian.

"Naniniwala ako doon na maganda siya at para sa akin, wala talagang papantay sa kagandahan niya. So, kumbaga, lahat ng sinasabi nilang gano'n, alam ko na yun," sambit niya.

Proud pa nga raw si Dingdong na marami ang nagkakagusto kay Marian.

"Oo naman. Kumbaga, hindi mo mapipigilan na magkaroon ng mga nag-a-admire sa kanya. Kumbaga, there's a reason why she's admirable and, kumbaga, hindi naman natin ipinagdadamot 'yan, e. Kung selos, wala," paniniguro niya.

NOTHING TO BE JEALOUS ABOUT. Natatawa lang si Dingdong sa mga balitang naririnig niya na nagseselos daw si Marian kay Rhian.

"Sa paniniwala ko at wala talagang dahilan para magselos," diin niya. "Kahit may assurance o wala, walang dahilan para magselos siya."

Panatag ang loob ni Dingdong na hindi magkakaroon ng gimik para mag-rate ang serye nila at palabasing may nabubuo nang totoong relasyon sa kanilang dalawa ni Rhian.

"Meron naman akong isang paniniwalaan na we won't make an effort to do that. And because, kaming mga professional na tao... Hindi sa sinasabing magkakaroon ng gimik, pero we are focused doing our characters right.  Kumbaga, maaaring maging resulta na lang yung ibang usap-usapan kung anuman. Pero ang main priority namin is mapaganda yun," paliwanag niya.

Hindi madetalye ni Dingdong kung anong klaseng assurance ang ibinibigay niya kay Marian para hindi ito makaramdam ng selos kapag nagsimula na ang isyu sa kanilang dalawa ni Rhian.

"Kung sa specific assurance, wala talaga, e," aniya. "Walang ganyan-ganyan na eto, gano'n. Sa totoo lang, ayoko ko siyang pag-usapan specifically dahil ito ang pinili naming kailangang gawin sa mga buhay-buhay namin.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

137 Comments

  • 137  zaarenica

    09/16/2009 | 12:16 PM
    GO DONGYAN!!!!!!!!!!!!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 136  devoted_kapuso

    09/14/2009 | 08:06 PM
    past muna stairway to heaven...ayaw ko kay rhian boring syang panoorin,,pcynsia na dong ha...darna,at survivor muna ako kc naman gma andami niung talent na magagaling pinagsisiksikan niu yan cino ba ang kapit niyan dyan..mas magaling pa c glaisa,,sa zorro nga nakakaantok cya,ewan ko lang kung mag rate yan..sana hindi hehehe..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 135  kikay75

    09/09/2009 | 09:59 PM
    gwapo mo Dong!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 134  marimarnatix

    09/09/2009 | 08:43 PM
    WAFU naman ni DD, parehas silang swerte ni Marian sa isa't isa. GOODLUCK sa relationship nyo!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 133  flameheart888

    09/09/2009 | 07:21 PM
    DD is definitely the hottest hunk in PInas... no doubt look so yummy ...
    so excited i will get his VCD soon..
    pasalubong from pinas...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 132  pakiss_muna

    09/09/2009 | 07:10 PM
    hon est si dingdng sa kanyang mga sagot walang halong gimik.

    gwapooooooooooo ng aming duke.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 131  pakiss_muna

    09/09/2009 | 07:09 PM
    lahat ng kataangian ni dong sa girl nandoon na lahat kay marian

    for rhian tlgang trabaho lang promise!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 130  pakiss_muna

    09/09/2009 | 07:09 PM
    unang una ang gwapo mo dong jan!

    yes suportahan nalang kau basta sa puso mo ako hahahaah ay si marioan parin
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 129  bpaidoilnog

    09/09/2009 | 06:31 PM
    go marian
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 128  sarurimejos

    09/09/2009 | 06:29 PM
    super gwapo ni DD..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 127  KOPITA

    09/09/2009 | 04:05 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 126  lanalang08

    09/09/2009 | 02:41 PM
    luma na ang mga pakulo about linking a new leading lady to his new leading man. ganoon naman talaga pero pag tapos nang soap o pelikula tapos na parang walang nangyari dahil nairaos na rin ang gimik. kaya si Dong ay tama lang na hwag nang ilink sa kanya si rhian dahil imposibleng ma in love sila sa isat isa. dahil unang una na si dong ay very much committed na kay marian.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 125  secret2666

    09/09/2009 | 02:29 PM
    goodlak sa STH! wat tym kaya ito? isusunod kaya ito sa DARNA? to gain viewers??? hahhah! next tym DD wag masyado IMULAT ang mga mata... LAGI KANG naka DILAT! hahaahha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 124  teardropsfall

    09/09/2009 | 02:07 PM
    may tick doloreaux ata si dingdong... or baka kamag anak sya ni Vicky BELO... per in fairness kahawig n'ya si charlie sheen
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 123  janmarie777

    09/09/2009 | 01:55 PM
    yeheyy! DD amp; RR...go!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 122  pathetic0inggit

    09/09/2009 | 01:47 PM
    gwapo ni dd sa pic.

    hala ka pag pinagpalit mo pa
    si yanyan ikaw ang talo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 121  pinaysmith1

    09/09/2009 | 12:57 PM
    Give rhian a chance... and im sure rhian will not gonna pirate dingdong coz he's a dingdong hehehhee... seriously something wrong with dingdong... i just notice it right now... he's got that weird look now a little bit ugly ... maybe he is just stressed or guilt inside?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 120  pearl101

    09/09/2009 | 12:46 PM
    akala ko ay mestisang pinay lang si rhian, yun pala ay briton ang tatay. mataas ang posisyon ng tita sa GMA pero bakit hindi yata muna pinagtapos ng pag-aaral bago isinabak sa showbiz.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 119  BELOVED

    09/09/2009 | 12:25 PM
    manood ako ng STH kapag patay na si Jodi sa story.... kaya dapat patayin agad ang character ni Rhian Ramos.

    dun muna ako sa lovers in Paris..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 118  siomai

    09/09/2009 | 11:23 AM
    Mukhang si Rhian naman ang susunod niyang magiging jowa, ah...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About