Pagkatapos mag-tour sa opisina ng PPL Entertainment, Inc., na pagmamay-ari ng talent manager na si Perry Lansigan, kagabi, September 9, ay nagpaunlak ng exclusive interview si Kris Aquino sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
Kahapon din ang 40th day ng kamatayan ng ina ni Kris na si dating Pangulong Cory Aquino, at ang araw kung saan idineklara ng kapatid niyang si Sen. Noynoy Aquino ang pagtakbo nito para sa pagka- presidente ng Pilipinas sa 2010.
Ayon kay Kris, buong-buo ang suporta ng pamilya nila para kay Noynoy.
"Oo naman. Kung hindi kami magtutulungan, sino ang gagawa noon for us?" sabi niya.
Hindi maikakaila ang overwhelming support ng taong-bayan sa kanyang kapatid. How does she feel about it?
"Ngayong ano kasi... I came from Bataan kanina, sa Cathedral nila, and it's really overflowing! Hindi ka na makagalaw halos. You know, it's a 12 noon mass. A regular day, but they were there. And, I think, siguro I cannot say thank you enough," pahayag ni Kris.
Sa pag-alala ng 40th day ng kamatayan ni Tita Cory, silang limang magkakapatid ay sa magkakahiwalay na simbahan um-attend ng misa.
"My Ate [Ballsy] went to Lipa. Another sister went to Antipolo. One was in Cubao. Noy went to Baclaran. I went to Bataan because of Archbishop Soc Villegas," banggit ni Kris.
CONTINUING THE LEGACY. Ayaw gamitin ni Kris ang mga salitang "history repeating itself" sa mga nangyayari kay Noynoy ngayon at sa pamilya nila, whether it's coincidence or fate na sa mismong 40th day ni Cory Aquino ay in-announce ni Noynoy ang kanyang candidacy for president at ipagpatuloy ang legacy ng kanilang pamilya.
Ani Kris, "Huwag namang history repeating itself. I just really, I think, responsibilidad kasi na ginagampanan ni Noy at ipinagpapatuloy lang niya. It's just that."
Matatandaang walang kabalak-balak si Tita Cory na tumakbo bilang presidente ng Pilipinas noong 1986, tatlong taon matapos paslangin ang asawa niyang si dating senator Ninoy Aquino. Ngunit dahil sa kahilingan ng maraming Pilipino ay nagpaunlak siyang tumakbo.
Ngayon naman, wala rin sa isip ni Noynoy na tumakbong presidente. Pero dahil sa pagkamatay ng kanyang ina ay hiniling na taumbayan na tumakbo siya at ipagpatuloy ang kung anumang sinimulan ng kanyang mga magulang. (Click here to read related story.)
How does she feel about Noynoy's speech yesterday morning?
"We were going over it hanggang 2:30 in the morning. Noy is what you see is what you get. I'm very proud of that fact na hindi flowery yung language. Hindi maraming paliguy-ligoy. Walang poetry-poetry, diretso. And that's really him," saad ni Kris.
Definitely, bago raw pumayag si Noynoy na tumakbong presidente, lahat silang magkakapatid ay kinonsulta muna nito.
"Oo naman, in fairness kay Noy. Kasi siguro, alam niyang kami-kami ang magtutulungan. In our family kasi, most especially noong may sakit ang Mom, it was always a majority decision. Kung ano ang mga mangyayari.






gogogo NOY for president.
friendly adv pls. keep quite let the LP party do their assignments. at kung merong d gus2 c noy s mga plano nila malaya naman syang humindi d b? i know he will win wag lang mag-martial law or assassination.pls ayaw ng mga pilipino 2 baka mas grabe ang mangyare n2.
Mukang balak namng ibenta yang haus nya dati pa,nagkataon tatakbo si Noy dahil gusto nya may swimming pool,wak na idahilan si Noy...ang dami nyang plan,ni isa wala pang nasunod,pati yung sa renovation sa bahay nila sa Times cancel din,dami dahilan.
Wala namn akong pakelam,kaso syempre may article sya at libre mag-comment...hehehe,kung ayaw ng comment wak madaldal in publ
You are absolutely right. The aquino are darling of the press not just in the philippines but the whole world. Now that Noynoy is running for president, it will be open season for them. The hacienda luisita issue is just the tip of the iceberg, you will see.
hwag kayong umasa ng HIMALA!
gusto nyo bang bigyan kayo ng LIBRENG BAHAY, SASAKYAN, PAGKAIN at kung ano2x pa ng Gobyerno natin, habang wala ka namang ginagawa?
GOODLUCK nalang sa PILIPINAS kung maraming mga ganito ang mag-isip.