Survivor Philippines Palau Update: Model Vlad Nesas voted off

Erwin Santiago
"Carpe diem!"
Friday, September 11, 2009 @ 10:28PM  |  42 views

 

Model Vlad Nesas becomes the fourth castaway to be voted off Survivor Philippines: Palau after getting five votes from his tribemates. But Vlad has the chance to return to the game if he beats  fellow castoff Justine Ferrer in their face-off challenge.

Photo By: Courtesy of GMA-7













Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay nagtanggal ang Airai ng sarili nilang miyembro sa ika-apat na Tribal Council ng Survivor Philippines: Palau.

Napagkaisahan nilang patalsikin ang professional model na si Vlad Nesas dahil sa pagiging tuso nito sa kanyang mga kasamahan. Nakakuha si Vlad ng kabuuang limang boto, samantalang si Louie Ang naman ay nakakuha ng dalawang boto.

Sa kanyang exit interview, sinabi ni Vlad na inaalala raw niya ang "best interest" ng kanilang tribo, pero hindi raw iyon nakita ng kanyang mga kasamahan. "Pinuri" rin niya si Louie dahil sa husay raw nitong "manloko at magpaikot."

SWITCHING TRIBES. Bago ang Reward Challenge sa pagitan ng Airai at Koror ay nagulat ang mga nalalabing castaways nang i-announce ng host na si Paolo Bediones na magkakaroon ng pagbabago sa kani-kanilang tribo.

Inutusan ni Paolo ang castaways na tanggalin ang kanilang buffs—na sumisimbolo sa kinaaaniban nilang tribo—at pumili ng blindfolds na gagamitin nila sa pagpili ng kanilang bagong tribo mula sa green at orange parchments. Ang green ay para sa Koror at ang orange ay para sa Airai.

Nanatili sa Koror sina Marvin, Suzuki, at Echo, samantalang nadagdag naman sa kanila ang mga dating taga-Airai na sina Shaun, Amanda, at Jef.

Nanatili naman sa Airai sina Cris, Troy, Vlad, at Mika, samantalang nalipat sa kanila ang mga dating taga-Koror na sina Louie, Charles, at Tara.

May naging masaya sa naging pagpapalit ng tribo at meron namang hindi.

Dahil sa pagbabago ng bawat tribo, naapektuhan bigla ang diskarte at alyansa ng mga castaways. At dito na nga nagsimula ang "gapangan" upang makapagsimula sila ng panibagong alliance at iligtas ang kanilang sarili pagdating ng Tribal Council.

REWARD CHALLENGE. Pagkatapos magpapalit-palit ng mga miyembro ang Koror at Airai, sinimulan agad ang Reward Challenge.

Sa challenge na ito, binigyan ang bawat tribo ng kani-kanilang giant map ng Palau, kasama na ang 16 states nito at slots para sa kani-kanilang flags. Kailangang lumangoy ang castaways papunta sa kanilang cheat board para malaman nila kung saan dapat ilagay ang bandila ng partikular na state. Mula sa cheat board, kailangang kunin ng castaways ang isang flag at lumangoy pabalik sa giant map, kung saan nila kailangang ilagay ang bandila sa slot nito. Ang unang team na makakumpleto ng paglalagay ng 16 flags sa tamang puwesto nito ang siyang mananalo.

Ang reward: isang kariton ng ilan sa pinakapaboritong streat foods ng mga Pinoy—gaya ng fishballs, kikiam, tukneneng—at isang cart ng sa malamig.

Ang bagong Airai ang nanalo sa challenge.

Pagkatapos ng Reward Challenge ay bumalik na sa kani-kanilang kampo ang Airai at Koror, kung saan ipinakita ng mga natirang miyembro ang kanilang kampo sa mga bago nilang kakampi.

Pero hindi pa man sila nagtatagal ay may ilan na sa kanila ang nagplano ng kanilang susunod na hakbang, partikular na sa Airai kung saan sinabihan ni Vlad sina Charles at Louie na kalimutan na nila ang samahan nila sa dati nilang tribo at umanib sa alyansa nila.



THE IMMUNITY CHALLENGE. Muling nagharap ang bagong Airai at bagong Koror sa Immunity Challenge, kung saan sinabi ni Paolo na may kasamang reward para sa tribe na mananalo sa challenge.

1  2  Next »

Related Articles

61 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name