PEP EXCLUSIVE: Nomar Pardo's wife and father stand their ground; will not settle with Richard Gutierrez

Trisha Alvarez
Sunday, September 20, 2009 @ 06:20AM  |  71419 views

Unang nagkita sina Mr. Ramon Pardo (main photo) at Richard Gutierrez (inset) sa burol ni Nomar, anak ng una at personal assistant ng huli. Ang sumunod nilang pagtatagpo ay nangyari sa Imus Hall of Justice, kung saan isinampa ng pamilya Pardo ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide laban sa 25-year-old Kapuso actor.

Photo By: Yas Salanga (Ramon Pardo); Noel Orsal (Richard Gutierrez)













Isang text message na galing umano sa abugado ni Richard Gutierrez na si Atty. Sheryll Mallari ang ikinagulat at ikinabahala ng pamilya ni Nomar Pardo, ang nasawing personal assistant ng aktor sa aksidenteng naganap noong ika-22 ng Mayo sa Silang, Cavite, kung saan ang 25-year-old na aktor ang nagmamaneho ng sasakyan.

Ipinadala ang naturang text message kay Atty. Ombra Jainal, abugado ng biyuda ni Nomar na si Lorayne Pardo, noong Miyerkules, ika-16 ng Setyembre.

Ito ang nilalaman: "Good afternoon. We were advised by Richard that he and Lorayne agreed on the three-year lump sum of Nomar's salary when they privately talked."

Nang makarating ang mensahe umano ni Atty. Mallari sa ama ni Nomar na si Ramon Pardo ay "nagalit" ang huli, at agad daw nitong tinawagan ang numerong nagpadala ng text message.

Sa eksklusibong panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Mr. Pardo noong araw ding 'yon, naikuwento nito ang naging pag-uusap nila ni Atty. Mallari sa cell phone.

"Hello, is this Atty. Sheryll?" ang bungad daw ni Mr. Pardo. Nung sumagot ng "yes" ang nasa kabilang linya, at saka raw siya nagpakilala bilang ama ni Nomar.

Habang isinasalaysay ni Mr. Pardo ang detalye ng kanyang pakikipag-usap kay Atty. Mallari, halatang nagpipigil sa galit ang boses nito kumpara sa malumanay niyang pananalita sa mga una naming panayam sa kanya. Aniya, "Hindi ko alam kung bakit may ganun... Hindi ko alam kung saan galing yun. They're trying to make fools out of us."

Sa pagpapatuloy niya, "Kaya nga, nung tinawagan ko si Atty. Mallari, ang sabi ko, 'Are you certain that's true? We did not settle. I talked to my daughter-in-law, wala siyang sinabing ganun. You call up this number, and he will tell you what to do.'"

At ibinigay daw ni Mr. Pardo ang numero ni Atty. Firdausi Abbas, ang may-ari ng law firm na humahawak ng kaso ni Lorayne laban kay Richard.

Maging si Lorayne ay nagulat sa naturang text message. "Hindi po!!!" ang mariin daw nitong sagot sa text nang usisain siya ng kanyang father-in-law.

Ayon pa kay Mr. Pardo, naalala raw ni Lorayne na noong nagkaharap sila ni Richard sa preliminary investigation, tinanong daw siya ni Cavite Prosecutor Emmanuel Velasco kung willing daw ba siyang mag-settle.

At ang isinagot daw ng manugang: "Payag ako sa civil case, pero sa criminal, hindi."

Inulit-ulit daw ng chief provincial prosecutor ng Cavite ang pagtatanong kung papayag silang makipag-areglo at kung magkano, pero "hindi" at "wala" ang paulit-ulit din daw nilang isinagot.

Samantala, tinawagan ng PEP ang law firm na kinabibilangan ni Atty. Mallari, ang BGE PAL (Belo Gozon Elma Parel Asuncion & Lucila), kaninang alas sais ng hapon, subalit "on leave" daw ito at ibinigay na lang sa amin ang kanyang numero.

Tatlong beses naming kinontak ai Atty. Mallari sa pamamagitan ng cell phone, subalit hindi ito sumasagot. Sa kasalukuyan, sinusubukan din siyang kontakin ng isa sa kanyang associate sa nasabing law firm.

1  2  3  Next »

Related Articles

487 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name