Isang text message na galing umano sa abugado ni Richard Gutierrez na si Atty. Sheryll Mallari ang ikinagulat at ikinabahala ng pamilya ni Nomar Pardo, ang nasawing personal assistant ng aktor sa aksidenteng naganap noong ika-22 ng Mayo sa Silang, Cavite, kung saan ang 25-year-old na aktor ang nagmamaneho ng sasakyan.
Ipinadala ang naturang text message kay Atty. Ombra Jainal, abugado ng biyuda ni Nomar na si Lorayne Pardo, noong Miyerkules, ika-16 ng Setyembre.
Ito ang nilalaman: "Good afternoon. We were advised by Richard that he and Lorayne agreed on the three-year lump sum of Nomar's salary when they privately talked."
Nang makarating ang mensahe umano ni Atty. Mallari sa ama ni Nomar na si Ramon Pardo ay "nagalit" ang huli, at agad daw nitong tinawagan ang numerong nagpadala ng text message.
Sa eksklusibong panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Mr. Pardo noong araw ding 'yon, naikuwento nito ang naging pag-uusap nila ni Atty. Mallari sa cell phone.
"Hello, is this Atty. Sheryll?" ang bungad daw ni Mr. Pardo. Nung sumagot ng "yes" ang nasa kabilang linya, at saka raw siya nagpakilala bilang ama ni Nomar.
Habang isinasalaysay ni Mr. Pardo ang detalye ng kanyang pakikipag-usap kay Atty. Mallari, halatang nagpipigil sa galit ang boses nito kumpara sa malumanay niyang pananalita sa mga una naming panayam sa kanya. Aniya, "Hindi ko alam kung bakit may ganun... Hindi ko alam kung saan galing yun. They're trying to make fools out of us."
Sa pagpapatuloy niya, "Kaya nga, nung tinawagan ko si Atty. Mallari, ang sabi ko, 'Are you certain that's true? We did not settle. I talked to my daughter-in-law, wala siyang sinabing ganun. You call up this number, and he will tell you what to do.'"
At ibinigay daw ni Mr. Pardo ang numero ni Atty. Firdausi Abbas, ang may-ari ng law firm na humahawak ng kaso ni Lorayne laban kay Richard.
Maging si Lorayne ay nagulat sa naturang text message. "Hindi po!!!" ang mariin daw nitong sagot sa text nang usisain siya ng kanyang father-in-law.
Ayon pa kay Mr. Pardo, naalala raw ni Lorayne na noong nagkaharap sila ni Richard sa preliminary investigation, tinanong daw siya ni Cavite Prosecutor Emmanuel Velasco kung willing daw ba siyang mag-settle.
At ang isinagot daw ng manugang: "Payag ako sa civil case, pero sa criminal, hindi."
Inulit-ulit daw ng chief provincial prosecutor ng Cavite ang pagtatanong kung papayag silang makipag-areglo at kung magkano, pero "hindi" at "wala" ang paulit-ulit din daw nilang isinagot.
Samantala, tinawagan ng PEP ang law firm na kinabibilangan ni Atty. Mallari, ang BGE PAL (Belo Gozon Elma Parel Asuncion & Lucila), kaninang alas sais ng hapon, subalit "on leave" daw ito at ibinigay na lang sa amin ang kanyang numero.
Tatlong beses naming kinontak ai Atty. Mallari sa pamamagitan ng cell phone, subalit hindi ito sumasagot. Sa kasalukuyan, sinusubukan din siyang kontakin ng isa sa kanyang associate sa nasabing law firm.





yobuchi
September 28, 2009
16:44 PM
kung ayaw ng amicable settlement, e ano ang gusto nila? granting RG will be put in jail maibalik b ang buhay ng asaw nya? hindi namn po cguro sinasadya kaya nga accident eh..
well well let's see.
--------------------------------
hallurr..hindi ba sinasadya ang sobrang
yabang sa bilis ng pagda drive? kitang-kita nman ang yupi na prang lata
ng car ni RG. Hindi siya naging maingat.
kasalanan ni RG kya dapat makulong siya. pslamat nga cya kulong lng eh.
Kung sa China pinatay na yan khit aktor pa.
Mas mtindi ang parusa dun.
Ang taas parin ng ihi ni Rg til now. parang tinakot pa ung pmilya ng nmatayan.
Grabe. Mana sa nanay nyang matapobre!
well well let's see.
Pero pwedeng maging jumping off point ang nangyaring ito kay RG, na tignan ng mga tv networks ang kanilang patakaran. Siguro,
1. mag assign ng drivers ang tv networks sa mga actors nila, kung gustong umuwi, at katatapos lang nang mahabang shooting day; hindi ito personal driver ng artista
- kahit magkaroon ng shuttle bus, for all actors, lead man o extra, kasama ang alalay nila, limit one or two alalay per actors, magsama sama sila sa loob ng shuttle bus, walang diva-diva, na syang maghahatid sa kanila paroot parito mula sa location shooting, hanggang sa bahay-bahay nila. Door-to-door delivery. Magkaroon ng isang shuttle bus, kada oras, or kada three hours, basta may shuttle bus na aalis regularly from the location shoot to deliver actors plus alalays to their respective houses.
2. LIMIT the number of hours, that actors and tv productrion crew work per day.
noong kamamatay pa lang ni Nomar Pardo at para bang sa kanya ganon ganon lang yon.sabi nyaquot;kami na bahala sa mga anak ni nomar pag aaralin namin sila quot;PERO HINDI ANG NANAY HA!quot;WHAT???namatayan yong tao ano,WALA SILANG RESPETO SA NAMATAYAN,i dont expect na saluhin nila lahat but to talk the way like that KINIKILABUTAN AKO SA MGA UGALI NILA. gawin nya yon pero to
Dont try and find an excuse for this crime, try and find a conscience to end it once and for all.
Do the right thing with the aggrieved. At hindi puro pagpapalusot ang inaatupag sa responsibilidad.
Thanks. Mabuhay tayong lahat!
We should try and help in whatever way we can to make sure these people know that a lot of people are interested and are watching the proceedings of this case. I am sure nagbabasa ng PEP ang mga humahawak ng kasong ito and I am glad kahit papaano alam nila that someone is watching. I hope at the end of this very long and bitter road - justice for the aggrieved will prevail!
God Bless.
Yan ang motto ni Bisaya !!