Sinampahan na ng Office of the Provincial Prosecutor ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide si Richard Gutierrez, kaugnay sa pagkamatay ng kanyang personal assistant na si Nomar Pardo nang maaksidente ang sports car na minamaneho ng aktor noong ika-22 ng Mayo sa Silang, Cavite.
Iaakyat na sa municipal trial court ang nasabing kaso na halos dalawang buwan ding inimbestigahan mula nang magsampa ng reklamo si Lorayne Pardo, biyuda ni Nomar, noong ika-23 ng Hulyo. (Click here to read story.)
Nanguna ang chief provincial prosecutor na si Emmanuel Velasco sa pagsasampa ng kaso sa hukuman, matapos makakita ng probable cause ang mga prosecutors na sina Larry Cabero, Alexander Leveriza and Rosa Elmina Villarin, sa sinasabi umanong pananagutan ng aktor sa pagkamatay ng kanyang PA.
Ayon sa charge sheet, "overspeeding" ang itinuturong dahilan ng pagkakabangga ng sports car ni Richard sa isang poste ng PLDT at tatlong puno ng niyog sa Sta. Rosa-Tagaytay Road.
Nakasaad sa charge sheet, "[Gutierrez], being the driver, in-control and in-charge of a Nissan GT-R sedan... willfully, unlawfully and feloniously managed without due regard to traffic laws... by driving the said motor vehicle at speeds grossly in excess of the limits allowed by law [bumped] a Meralco concrete post and three coconut trees with tremendous impact causing multiple injuries to... Nomar Pardo y Estes which resulted to the latter's untimely death to the damage and prejudice of his heirs."
PRELIMINARY INVESTIGATION. Bago natapos ang charge sheet, dumaan muna ang kaso sa series of preliminary investigations.
Hindi dumalo si Richard sa unang preliminary conference, noong ika-14 ng Agosto, kung saan dapat niyang ipasa ang kanyang counter affidavit. Tanging ang lawyer niyang si Atty. Sheryll Mallari ang dumalo sa pagdinig. (Click here to read story.)
Noong ika-28 naman ng Agosto ay ipinasa ni Atty. Mallari ang counter affidavit ng aktor, na hindi uli nakadalo kaya't hindi nito opisyal na nai-affirm ang nasabing dokumento.
Sa sumunod na pagdinig noong ika-4 ng Setyembre, 'saka lamang nakasipot si Richard sa prosecutor's office. Dito rin nakapagsumite si Lorayne ng kanyang Letter of Reply. Naging daan din ang nasabing hearing upang kausapin ni Chief Prosecutor Velasco ang dalawang kampo para magkasundo sa isang "amicable settlement." Nag-isyu rin si Velasco ng gag order sa dalawang panig para "makapag-usap" sila nang hindi "magsasalitaan sa press." (Click here to read related story.)
Matapos ang labinlimang araw, muli na namang nagkaroon ng hearing, kung saan ipinaabot ng pamilya Pardo ang kanilang desisyon na hindi makipag-settle, at ipinasa rin ni Richard ang kanyang rejoinder affidavit, na pinirmahan niya sa Quezon City Prosecutor's Office. (Click here to read related story.)
"THE RESPONDENT WAS RECKLESS AND NEGLIGENT." Sa mga naunang report dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal), dahil sa lakas ng pagkakabangga ng sports car na minamaneho ni Richard, tumilapon mula sa likod na salamin ng kotse ang katawan ni Nomar, na nakaupo sa back seat. Nakaligtas ang aktor, na siyang may hawak ng manibela, pati na rin ang katabi niyang bodyguard.
Agad daw lumabas ng sasakyan ang dalawa upang hanapin ang katawan ni Nomar, ngunit hindi nila ito nakita sa sobrang dilim. Ala-una ng madaling araw naganap ang aksidente. Pagdaan ng van ng GMA-7 ay dinala ang dalawa sa ospital.
Matapos ang halos isang oras, 'saka lamang nakita ang katawan ni Nomar, na sampung metro ang layo mula sa kinaroroonan ng sports car ni Richard, at nadala sa ospital. Dead on arrival ang kinahantungan.
Sa mga pahayag ng mga Gutierrez sa iba't ibang programa sa telebisyon, pinabulaanan nila na nag-overspeeding si Richard kaya nangyari ang aksidente. (Click here to read story.)
Ngunit ayon sa mga prosecutor, "But in this case, evidence clearly showed that the respondent did not exercise proper prudence and slow down as he approached the curve way. The distance of the car from the point of impact, the broken trees, and broken Meralco post all point to the fact that the respondent was reckless and negligent while driving that night."






expression
you said vandolphs case was successful dahil both parties ay nakipag ayos unlike richards case,dahil hindi nakipag ayos si loraine...mam,pwedeng makipag ayos pag willing ang both parties.hindi ito pwedeng i impose,hindi mo pwedeng sisihin ang isang partido dahil lang sa ayaw nyang makipag ayos.karapatan un ng nagrereklamo.
tama ka,tao lang kami na nagkakamali.so,bakit pa tayo magkukulong ng mga may kasalanan?eh puro naman hindi nila sinasadya ang krimeng nagawa nila.kung maipit kaya ng sasakyan ang nanay mo at mamatay,kaya mo ring sabihing ok lang,tutal tao lang naman tayong nagkakamali.ay,i hope ikaw na lang nag mabiktima ng kung anu anong aksidente kasi kaya mong sabihin ito sa nagkasala sa iyo.good luck girl.i admire your attitude.very positive..hehehehe
at para mabawasan ang mga taong katulad niya mayabang kala mo kung sinong hari sa daan..
bakit ngayon lang makipag ayos ang kampo ni retsard.....matagal hinintay ni loraine ang pagkakataon na yan pero binalewala nila yon....di sila tumupad sa usapan...so dapat lang makulong yang retsard na yan..para matauhan naman si bisaya at maitanim sa utak na nakakarma na siya.....
go loraine.....wag na wag makipag ayos...
Besides, Vandolph's family immediately settled the case with the people who were involved in the accident. Yun lang kasi yon eh, if RG and his family did the RIGHT THING instead of making it appear that they WERE AGRIEVED PARTY and instead of accusing Lorayne for being 'mukhang pera' I'm sure Nomar's family would have been pacified.
By letting his toxic mom run his life including this issue, RG has just added nails to the coffin that may seal his family's fate as showbiz bigwigs. Buti nga sa toxic mom niya.
Namatayan ang family ni Nomar and the best thing that RG and his family should have done was to apologize sincerely and settle with the family instead of turning the table around and act like they were the victims of this issue.
RG shouldn't have listened to his toxic mom, he should have been man enough to own up to his mistake and he should have done the right thing. Hindi siguro humantong sa demandahan if RG DIDN'T LET his toxic mom took charge of this matter.
Besides, Vandolph's family immediately settled the case with the people who were involved in the accident. Yun lang kasi yon eh, if RG and his family did the RIGHT THING instead of making it appear that they WERE AGRIEVED PARTY and instead of accusing Lorayne for being quot;mukhang peraquot; I'm sure Nomar's family would have been pacified.
By letting his toxic mom run his life including this issue, RG has just added nails to the coffin that may seal his family's fate as showbiz bigwigs. Buti nga sa toxic mom niya.