Sinampahan na ng Office of the Provincial Prosecutor ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide si Richard Gutierrez, kaugnay sa pagkamatay ng kanyang personal assistant na si Nomar Pardo nang maaksidente ang sports car na minamaneho ng aktor noong ika-22 ng Mayo sa Silang, Cavite.
Iaakyat na sa municipal trial court ang nasabing kaso na halos dalawang buwan ding inimbestigahan mula nang magsampa ng reklamo si Lorayne Pardo, biyuda ni Nomar, noong ika-23 ng Hulyo. (Click here to read story.)
Nanguna ang chief provincial prosecutor na si Emmanuel Velasco sa pagsasampa ng kaso sa hukuman, matapos makakita ng probable cause ang mga prosecutors na sina Larry Cabero, Alexander Leveriza and Rosa Elmina Villarin, sa sinasabi umanong pananagutan ng aktor sa pagkamatay ng kanyang PA.
Ayon sa charge sheet, "overspeeding" ang itinuturong dahilan ng pagkakabangga ng sports car ni Richard sa isang poste ng PLDT at tatlong puno ng niyog sa Sta. Rosa-Tagaytay Road.
Nakasaad sa charge sheet, "[Gutierrez], being the driver, in-control and in-charge of a Nissan GT-R sedan... willfully, unlawfully and feloniously managed without due regard to traffic laws... by driving the said motor vehicle at speeds grossly in excess of the limits allowed by law [bumped] a Meralco concrete post and three coconut trees with tremendous impact causing multiple injuries to... Nomar Pardo y Estes which resulted to the latter's untimely death to the damage and prejudice of his heirs."
PRELIMINARY INVESTIGATION. Bago natapos ang charge sheet, dumaan muna ang kaso sa series of preliminary investigations.
Hindi dumalo si Richard sa unang preliminary conference, noong ika-14 ng Agosto, kung saan dapat niyang ipasa ang kanyang counter affidavit. Tanging ang lawyer niyang si Atty. Sheryll Mallari ang dumalo sa pagdinig. (Click here to read story.)
Noong ika-28 naman ng Agosto ay ipinasa ni Atty. Mallari ang counter affidavit ng aktor, na hindi uli nakadalo kaya't hindi nito opisyal na nai-affirm ang nasabing dokumento.
Sa sumunod na pagdinig noong ika-4 ng Setyembre, 'saka lamang nakasipot si Richard sa prosecutor's office. Dito rin nakapagsumite si Lorayne ng kanyang Letter of Reply. Naging daan din ang nasabing hearing upang kausapin ni Chief Prosecutor Velasco ang dalawang kampo para magkasundo sa isang "amicable settlement." Nag-isyu rin si Velasco ng gag order sa dalawang panig para "makapag-usap" sila nang hindi "magsasalitaan sa press." (Click here to read related story.)
Matapos ang labinlimang araw, muli na namang nagkaroon ng hearing, kung saan ipinaabot ng pamilya Pardo ang kanilang desisyon na hindi makipag-settle, at ipinasa rin ni Richard ang kanyang rejoinder affidavit, na pinirmahan niya sa Quezon City Prosecutor's Office. (Click here to read related story.)
"THE RESPONDENT WAS RECKLESS AND NEGLIGENT." Sa mga naunang report dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal), dahil sa lakas ng pagkakabangga ng sports car na minamaneho ni Richard, tumilapon mula sa likod na salamin ng kotse ang katawan ni Nomar, na nakaupo sa back seat. Nakaligtas ang aktor, na siyang may hawak ng manibela, pati na rin ang katabi niyang bodyguard.
Agad daw lumabas ng sasakyan ang dalawa upang hanapin ang katawan ni Nomar, ngunit hindi nila ito nakita sa sobrang dilim. Ala-una ng madaling araw naganap ang aksidente. Pagdaan ng van ng GMA-7 ay dinala ang dalawa sa ospital.
Matapos ang halos isang oras, 'saka lamang nakita ang katawan ni Nomar, na sampung metro ang layo mula sa kinaroroonan ng sports car ni Richard, at nadala sa ospital. Dead on arrival ang kinahantungan.
Sa mga pahayag ng mga Gutierrez sa iba't ibang programa sa telebisyon, pinabulaanan nila na nag-overspeeding si Richard kaya nangyari ang aksidente. (Click here to read story.)
Ngunit ayon sa mga prosecutor, "But in this case, evidence clearly showed that the respondent did not exercise proper prudence and slow down as he approached the curve way. The distance of the car from the point of impact, the broken trees, and broken Meralco post all point to the fact that the respondent was reckless and negligent while driving that night."






Do we have to give up then? NO! Let us demand real time broadcast of the hearing, para alam din ng publiko, kung ano ang nangyayari, habang nangyayari iyon sa loob ng korte.
ang tanong, ang ibig bang sabihin ng RECKLESS IMPRUDENCE, ay tungkol lang sa speed ng sasakyan? Hindi ba ma i co consider na RECKLESS IMPRUDENCE iyong, antok at pagod na, pero pinilit pa ring mag drive, sa disoras ng gabi, 1:30 AM, considering the road condition and everything? Ang pag da drive ng sobrang antok, ay IMPAIRED driving. Para ka na ring LASING or under the influence of drugs, dahil, tulad na sinabi mo, mas mabagal mag respond sa mga stimuli, ahy slow reflex. Meaning, ang dahilan ni Ruffa ay nagtuturo pa rin sa pagigin IRESPONSABLE ng kapatid niya, in taking the wheels, in condition na pagod na pagod na siya, sa ganoong klaseng road conditions.
brad_peet
September 22, 2009
00:13 AM
Nakaka kaba ang tinuran ng prosecution, na nasa judge na raw iyon, if they find RG guilty.
======================================
i exactly felt the same thing when i read it yesterday. i said, velasco was just forced to file the case and by his statement of bahala na ang judge if he finds rg guilty, he gave away the verdict already: NOT GUILTY!
saan ba makikita ang detailed report ng aksidente, naimbestigahan ba ito maigi? all it takes is one loophole para masira ang kaso ni pardo against rg. i just hope justice esp for nomar will prevail.
doon sa claim na within the speed limit ang pagmamaneho ni rg, ito lang ang maaaring gawin nilang argument. he may be originally driving within the limit, but a slippery downhill slope will considerably accelerate the speed at dahil pagod si rg, di ganoon kabilis ang reflex niya at di naagapan ang pag apak ng preno, at dahil sa dulas ng daan
nagkaroon ng tilt effect, tulad sa game na tilt na kung saan bumabangga ang bola sa mga poste dpende sa angle nito.
but i'm not sure if this argument can even hold water.
Sinabi na rin ng mga Gutierrezes iyan and no one is denying it. Hindi mo ba alam kung ano ang pagkakaiba ng sakit na nararamdaman ni Lorayne Pardo sa pagkawala ng kanyang asawa at ama ng kanyang mga anak, sa sakit kuno na nararamdaman ng mga Gutierrezes sa pagkawala ng kaibigan? Madali sa mga Gutierrezes at sa iyo ang sabihin iyan dahil hindi kayo ang tunay na nawalan. Makakapag move-on lang ang Pardo Family kapag nakuha nila ang tunay na HUSTISYA ng pagkamatay ni Nomar Pardo.
sinnedkapuso
indi lang mga pardo ang namatayan, pati si chard namatayan din ng kaibigan.
-------------
Huh????? Ano??? Ang dali daling magpalit ng PA at kaibigan pero,asawa,anak at magulang HINDI!!!!
Nararamdaman ba ng mga Gutierrez yung nararamdamang lungkot at paghihinagpis ng mga Pardo???
The fact na may namatay, at si RG ang nag da drive ng kotse, kung saan tumilansik ang namatay, at iniwanan lang ang tumilansik na pasahero to die, kasalanan pa rin ni Richard Gutierrez iyon. Ang korte, ay pang formality na lag, para may opisyal na verdict. Pero hindi porke hindi mapatunayan sa korte, BEYOND REASONABLE DOUBT, na kasalanan ni RG, iyon, ay INOSENTE na siya. Makikipag pustahahn akong sa CIVIL CASE MAPAPATUNAYANG LIABLE SA PAGKAMATAY NI NOMAR SI RG.
Ikaw na rin ang nagsabi na pababa ang kalsada at paliko pa kamo. Kung hindi napansin ni Richard ang palikong aksidente, ano ngayon ang tawag mo doon as a driver? That's what neg driving is all about. I reckon, you don't exactly know what you are talking about.
magkakasala ang puso ko sa 'yo!