Balik "Buwis-Buhay Edition" ang "Don't Lie To Me" segment ni John "Sweet" Lapus ng Showbiz Central noong Linggo, September 20, nang sabay na sumalang ang magka-loveteam na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal, na tampok sa pelikulang Nandito Ako... Nagmamahal Sa 'Yo.
Pero imbes na si Sweet ang nagtanong, sina Aljur at Kris mismo ang nagtanong sa isa't isa.
EASY LEVEL
Aljur: Kris, noong rumampa ako sa Cosmopolitan Bachelor Bash, isa ka sa pinakamalakas tumili. Sa prangkahang usapan, do you find me sexy?
Kris: Yes, of course!
Kris: Major effect sa akin ang mag-two-piece sa movie. Noong makita mo akong mag-two piece, do you find me sexy?
Aljur: Siyempre naman, yes!
(Resulta ng lie-detector machine: "Truth" for both of them.)
Sweet: Nakita ko ang trailer ng inyong pelikula, saang parte ba ng katawan ni Kris mo siya nahawakan?
Aljur: Sa balakang, sa baywang, at sa braso.
Sweet: May naramdaman ka bang kuryente noong ikaw ay buhatin ni Aljur at ikaw ay naka-two-piece lamang?
Kris: Oo naman, hinawakan ko naman siya sa abs.
Sweet: Actually, itong si Aljur, abs pa lamang, ulam na!
DIFFICULT LEVEL
Aljur: During the time na magka-loveteam tayo, hindi maiiwasang may nali-link sa akin at may nali-link din sa 'yo. Pero kapag may nali-link sa akin, nagseselos ka ba?
Kris: No.
Kris: Ikaw, nagseselos ka ba sa mga nali-link sa akin?
Aljur: No.
("Lie" ang lumabas na resulta kay Aljur, at "Truth" naman kay Kris.)
Sweet: Ikaw Aljur, hindi ka nagseselos, ang mga tsismis kung sinu-sino ang nali-link kay Kris at nanliligaw?
Aljur: Kaya nga nag-lie, e! Kasi, ang totoo talaga, nagseselos ako. Nakakahiyang aminin, pero talagang nagseselos ako. Pero siyempre, nandiyan pa rin yung sinisiguro niyang wala akong dapat ikaselos. Pero hindi talaga maiwasan, nagseselos ako.
Sweet: Ikaw naman Kris, ang daming nali-link kay Aljur, ano nararamdaman mo? Tine-text mo ba siya na, 'Uy ha, nag-date daw kayo?'
Kris: Oo, nagseselos ako. Pero ipinapaliwanag niya rin naman.
Sweet: Ano ang example ng pagpapaliwanag or assurance na ibinibigay niya sa 'yo para huwag kang magselos nang tuluyan?
Kris: Ipinaparamdam niya sa akin na wala nang iba. Na ako lang ang nililigawan niya, yung ganoon.
Sweet: Actually alam ko 'yan. Kilala ko naman po si Aljur na napaka-sweet, gentleman na bata.
NOW OR NEVER LEVEL
Aljur: Mahigit two years na rin tayong magka-loveteam. Almost two years na rin akong in love sa 'yo sa mga shows natin, movies natin. Sa ngayon, masasabi mo ba na ako ang lalaking pinakamamahal mo?
Kris: Hindi ko na kailangang pag-isipan pa, yes!
Kris: Two years mahigit ka nang nagpaparamdam sa akin at nanliligaw. Ngayon, hindi ko sure kung ano talaga ang intention mo sa akin. Matagal ko nang gustong malaman 'to at sana malaman ko talaga, mahal mo rin ba 'ko?
Aljur: Hindi ko na rin kailangang pag-isipan, masasabi ko lang, yes!






oo maraming fans ang dalawang toh...SA TV nga lang hahahahaahahah ang tanong may pambili ba ng ticket?????
kakaantok kayong panoorin sa soap n'yo.
ika nga kung sino pa ang mapanlait yun ang mas pangit!! hahaha!!..
ang mali lang nya ay halos bokya lahat ng movies nya lately, ni wala akong maalala na nagblockbuster.
pano kasi nagpapaniwala sya sa mga sabisabi na sikat masyado ang mga gma stars, kahit nga tarot ni marian, ni hindi masyado kumita.
isa pa tong alkris tandem, feeling nila sikat na sikat na. kung ang all my life nga na libre sa tv, hindi masyado pinanood ng madla, tingin nyu gagastos ang karaniwang pinoy para lang panoorin sila sa big screen?? oo nga anjan ang mga fans nila pero im sure hindi naman lahat manonood, at siyempre may ibang gma fanatic na manonod nito.. pero i really dont think na kikita ang pelikulang ito.
so sana mag isip na ng maayos si mother lily bago sya mag produce uli ng movie..
Pero i agree na flop ang All my Life! hahahahahaha
pagnakaupo pala sila
d pwedeng bench model pero pwedeng maging bench..hahaha
tapos 4'11quot; ang height kasama takong na ilan? 4 inches? hahaha
buti na lang ako 5'2quot; in barefoot..hehehe
Mistique
September 22, 2009
15:18 PM terazosinhcl
d ka pa talaga na kontento sa kapiraso talagang dinagdagan mo pa ng katiting.. masyado mo naman pinaglaruan si Kris nyan.. magkasing laki ba sila ng manika? at pinaglalaruan mo sya?hahaha
-----------------------
Napanood ko sa Cinema one doll ni ate Guy si Maria Leonora Theresa 4 feet somethig ang height parang si kris 4'11' kasama takong.
si aljur pa maniwala ako! sabagay kung si aljur ang model at si kris ang bench, pwede heheheeheh
PRINCE0807
okay fine marami kayong fans, so kailangan panoorin nyo tong movie nila ha ng di naman ma first day last day at makita ko na lang isang araw na gawing video sa karaoke ng Bisaya medley ni Max Surban at Yoyoy Villame...